Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

KweenMheng12
Paano ba maging mabait na bestfriend.Yun ba yung pagtatakpan mo lahat ng mga mali na kanyang nagagawa o tatanggihan mo siya para ipaunawa sa kanya ang mga mali nakanyang nagawa. Si Moira isang probisyana na lumuwas sa maynila para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakakuha kasi siya ng scholarship sa isang unibersidad. Habang nag-aaral nagpa-partime din siya bilang taga-gawa ng mga projects at reports ng mga kaklase niyang anak mayaman. At isa na nga ang kanyang bestfriend na si Gregory Grant. Gustong-gusto niya ito kapag magpapagawa sa kanya ng mga projects at reports kasi doble binabayad ni Grant sa kanya. Pero paano kung hindi na projects at reports ang ipapagawa nito sa kanya. At hihilingin nito na ipaalaga sa kanya ang naging anak nito sa ex- girlfriend na si Beverly. Kapalit ang malaking halaga para maging mommy ng anak nito. Tatanggapin o tatanggihan ba niya ang kanyang bestfriend kasi may sarili din siyang pangarap na nais matupad. Kung aalagaan nya ang anak nito, ano ang mangyayari sa kinabukasan nya. Gusto niyang tanggihan ang kanyang bestfriend,pero naguguluhan siya nang ihatid nila ang bata sa bahay-ampunan. Nakonsensya siya kaya tinanggap niya ang alok ni Grant . Binigyan siya ng malaking halaga ni Grant para magsimula ng panibagong buhay kasama ang anak nito, hiniling din ng kanyang bestfriend na hindi muna sila magkita pa.Malungkot na lumayo si Moira kasama ang batang si Prince na inabandona ng mga magulang nito. Lumipas ang pitong taon, nabalitaan ni Moira na ikakasal na si Grant isa sa anak ng mga kasosyo nito sa negosyo. Kaya tinitulan niya ang kasal nito para sa anak niya na si Prince. Sobrang galit ni Grant sa ginawa ni Moira, pero hindi nagsisi si Moira tama lang ito sa taong walang puso tulad ni Grant at pera lang mahalaga.
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Loving My Enemy

Loving My Enemy

Who would've thought that person is the killer? Matagal nang may mga nagagalit sa ama ni Celine na isang politiko; isang gobernador sa kanilang lalawigan. Ito'y sapagkat marami itong pinatay na mga inosenteng tao. At dahil na rin sa mga gawain nito, maging ang kaniyang sariling anak ay siya'y itinatakwil at itinataboy. Dahil maraming galit sa kaniya ay isa-isang pinaslang ang kaniyang mga tauhan. Hindi matukoy kung sino nga ba ang may kagagawan nito at kung konektado ba 'to sa grupong nais siyang ipapatay. Nagsimula ang lahat ng ito nang dumating si Lucas sa mansyon ng gobernador, ngunit ito'y kanyang ginigiit. Kaya't palaisipan kung sino nga bang pumapatay. Sino kaya ang mayroong kinalaman? Paano nga ba malulutas ang kaso? Matutunan pa rin kaya niyang patawarin ito at muling mahalin? "The killer could be me, you. . . Anyone." Unmask the shadow, reveal the culprit. AT kung magkakaroon nga ba ng happy ending ang love life ni Celine.
Romance
10483 viewsOngoing
Read
Add to library
Daddy's Naughty Girl

Daddy's Naughty Girl

Babala: Para sa mga 18+ pataas lamang. Tampok ang mga bawal at erotica na may agwat sa edad. Ito ay isang erotikong kahon na naglalaman ng labindalawang kwento ng hindi mapaglabanan na sigla, sigla, saya, at malaswang kwento. Kung wala ka pang labingwalong taong gulang, hindi para sa iyo ang librong ito. Maghanda kang maintriga. Makaramdam. Magkasala.
Romance
557 viewsOngoing
Read
Add to library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1032.3K viewsCompleted
Read
Add to library
UNFAITHFULLY YOURS

UNFAITHFULLY YOURS

There is some marriage that is not faithful. And there is some love that isn't yours. Pinilit ni Shane na takasan at takbuhan nalang ang mga madidilim na parte ng nakaraan at hayaan na lamang iyon na mabaon sa limot. But, Gregory Lopez isn't the person she can't get rid of easily. At alam niya iyon. He is too dangerous and cruel. He is determined to get her back at manatili sa tabi nito. Ngunit ang takot sa mga kasinungalingan at mga lihim na hindi nito kayang ipagtapat sa kanya ay unti-unting nag iiwan ng malaking pader para protektahan ang sarili dito. But for the sake of their marriage. Is Mrs. Shane Lopez can afford to live with her husband— for a second time?
Romance
1010.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Mafia's Obsession: Hypnotic Poison

Mafia's Obsession: Hypnotic Poison

Maryang_Bulaklak
HYPNOTIC POISON Synopsis: Siya si Monina, ang babaeng naligaw sa teritoryo ng mga delikadong tao. Sa isang pribadong bar na pagmamay-ari ni Frelan Dela Sierro, isang makapangyarihang mafia. Mayaman, ma-awtoridad, pumapaslang ng mga taong sumasalungat sa pananaw nito at walang ibang nasusunod kundi ang sarili lamang. Nag-bago lamang iyon nang hayaan niya ang isang babae na mag-lasing sa kanyang bar. Para bang may malalim itong problema dahil hindi man lang ito nakaramdam ng panganib. Nilapitan niya ito hindi upang magpa-kilala kundi takutin nang bigla siya nitong kabigin at mariing hinalikan sa labi. Naramdaman ni Frelan na naalarma ang kanyang mga tauhan ngunit senenyasan niya ang mga itong 'wag makialam. Nais sanang palalimin ni Frelan ang halik dahil nadadala siya sa malambot na labi nito nang bigla itong nawalan ng malay sa kanyang mga bisig. It was just a one night that started with a kiss but here he is getting addicted to her soft lips. When their lips crashed into one, he knew he tasted a hypnotic poison. And because of that, he planned to hide his true identity that he's a dangerous mafia king just to be with her. But can Monina accept Frelan's real identity? Will the both of them stay together and conquer love against all challenges? Well, there's one way to find out…
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
THE ASSASSIN'S REVENGE

THE ASSASSIN'S REVENGE

Zachary Giorgio Ferrari isang sikat na car racer sa buong mundo. Sa edad na labing anim na taon he is known for being a beast when it comes to wheels. Lingid sa kaalaman ng lahat hindi lamang isang magaling na racer at driver si Zachary sa murang edad. Isa din s'yang tinaguriang notorious assasin agent ng Black Wagon. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, isa s'yang mafia successor ng kanilang angkan. Dahil sa isang misyon, namatay ang isang pinaka importanting tao sa kan'yang buhay dahil sa pagsalba sa kan'ya. Ipinangako n'ya sa puntod nito na ipaghihiganti n'ya ang karumal-dumal na sinapit nito. Paano kung sa paniningil n'ya, makikilala n'ya ang babaeng may malaking kaugnayan sa taong ipinaghihiganti n'ya? At paano kung sa unang pagkikita pa lamang nila, ibang init na ang nag uumapaw sa kan'yang katawan at hinangad na maangkin ang dalaga. Paano kung umibig s'ya dito at umibig din ito sa kan'ya ngunit nalaman nito ang pinakatagong sekreto ng kan'yang buhay na isa s'yang mafia at assasin. Paano n'ya tatanggapin ang galit nito ng malaman nito na s'ya ang dahilan ng pagkamatay ng pinaka importanting tao sa buhay ng dalaga.
Romance
10110.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Wedding Scammer

Ang Wedding Scammer

Nagscroll ako sa reddit ng napadaan ako sa post na naghahanap ng payo. Sabi ng poster na meron siyang HIV pero tinatago ito mula sa kanyang fiancee. Ang post ay merong libong mga like. Naintriga, pinindot ko ito para magbasa pa. Ng dumadaan ako sa mga detalye, napagtanto ko—bakit ang paglalarawan ng fiancee ay pareho ko?
Short Story · Romance
958 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status