Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwritten Contract

The Unwritten Contract

Dej4vlues
Nakatali sa isang nakalulungkot na tradisyon ng kanilang pamilya, si Noah, isang matapang na negosyanteng may mabigat na obligasyon sa kanyang pamilya, at si Zuzane, isang artistang naghahangad ng kalayaan mula sa mundo ng industriya, ay napilitang magkasama dahil sa Unwritten Contract. Itinuturing ni Noah na ang kasal ay isang madiskarteng hakbang upang matiyak ang kanyang mana, habang tinitingnan naman ito ni Zuzane bilang isang kulungan. Tulad ng karamihan, may mabigat na pader ang nasa pagitan ng dalawang. Isa sa nakahahadlang sa magandang pagsasama nila bilang mag asawa. Sa isang iglap ay mababago ang lahat dahil sa feelings na bigla na lang nagparamdam. May darating na blessing para sa kanilang dalawa... A Baby. Natagpuan ni Noah ang kanyang sarili na nabihag sa kakaibang pag uugali ni Zuzane, at nakita ni Zuzane ang isang kahinaan sa ilalim ng matigas na panlabas ni Noah. Habang nilalalakbay nila ang hindi pa natukoy na teritoryo ng kanilang buhay, kinakaharap nila hindi lamang ang kanilang sariling kundi pati na rin ang mga panggigipit ng lipunan na nakakulong sa kanila. Maaari bang mamulaklak ang pag-ibig sa harap ng tungkulin? O mananatili bang nakatali ang kanilang mga puso sa kanilang hindi sinasabing mga pagnanasa? The Unwritten Contract ay tungkol sa mga komplikadong pag-ibig at pagrerebelde, kung saan ang tradisyon ay sumasalungat sa pagnanasa para sa kalayaan. Muli bang isusulat nina Noah at Zuzane ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan, o mananatili silang nakatali sa hindi nakasulat na kontrata?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
727 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A NIGHT OF DECEPTION

A NIGHT OF DECEPTION

Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
Romance
106.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1075.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

His Secret Obsession (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Athena Ramirez Ang trabaho ay eksakto kung ano ang gusto niya. alam niyang magagawa niya ito ng maayos. Tuwang-tuwa si Athena sa pagkakataong magtrabaho hanggang sa sinabi ng babae sa ahensya na walang puntong mag-aplay dahil, ang mahalaga ngunit hindi nasabi na mga kwalipikasyon ay ang pagiging kasal, o nasa katanghaliang-gulang, at ako ay hindi. Tila, si Eros Ramazzotti ang CEO ay isang workaholic na may sakit na ang kanyang mga batang sekretarya ay umibig sa kanya at nawalan ng konsentrasyon sa kanilang trabaho. Lumalabas na ang pagiging hindi kaakit-akit ay itinuturing na isang bonus dahil hindi rin niya nais na magambala. Ngunit hindi siya ganoon kadaling sumuko. Ang trabaho ang tanging pag-asa at pagtakas niya kaya nakumbinsi ni Athena ang ahensya na ipadala siya para sa interbyu. Inalis niya ang kanyang mga pampaganda, namuhunan sa isang murang singsing sa kasal, nagsuot ng mga damit na dowdy. Para sa mabuting sukat, nagdagdag siya ng isang pares ng pangit na salamin, hinila ang kanyang buhok sa isang hindi nakakaakit na tinapay, at voila. May asawa at hindi kaakit-akit. Oo, nakuha niya ang trabaho, Oh, and guess what? Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit hindi makapag-concentrate ang ibang mga sekretarya sa trabahong ito. Si Eros Ramazzotti ay ang pinakamainit na CEO na nabubuhay, na ginagawang imposibleng magtrabaho para sa kanya ngunit ang kanyang desperadong krisis sa pananalapi ay naging dahilan upang lunukin niya ang anumang pagnanais na mayroon siya para sa kanya...
Romance
107.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Play it Again

Play it Again

Nayasha Lopez had known to herself that she had died. She clearly remembered the pain and the feeling of losing her breath slowly. Pero sa muling pagmulat niya ng mga mata ay laking gulat niya sa nalamang bumalik siya tatlong taon bago ang aksidente niya. Thankful for the second chance given to her, she started to make things right. Binago ang mga maling desisyon at unti unting nilalayo ang sarili sa mga taong naging dahilan ng paghihirap sa nakaraang buhay. Then she saw him, she hadn't forgotten the person who gave her temporary solace when her heart and mind are in chaos and in pain. She promised to herself that she would give them a chance to be together. Originally in her past life, she had made a decision to be with him but it was way too late. But fate brought her back to fulfill the undone promise. Will she have a happy ever after with the man she promised to be with in her second life?
Romance
103.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
Romance
10308 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

Nagmahal at nasaktan. Sinubukan ni Ashera na magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung bakit sa pag-uwi nila galing sa ibang bansa ay may bata ng kasama si Ashera. Handa itong magpaliwanag ngunit itinakwil siya ng kanyang mga magulang at sa pag-asa na ipagtanggol siya ng lalaking mahal niya ay bigla nalang itong lumayo sa buhay niya. At sa pagkikita muli ng kanyang ex-boyfriend ay masasakit na salita at panunumbat ang narinig niya. Buo ang loob ni Drake na kung magkita pa muli ang landas ng dating kasintahan ay nangako ito na gawing miserable ang buhay ng dalaga dahil sa pangloloko na ginawa niya. Ngunit may natuklasan ang binata na nakapagbabago ng mga plano niya. Gaano ba siya kahina sa ngalan ng pag-ibig kung may dalawang tao siyang nasasaktan?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Treacherous Riptides of Desire

Treacherous Riptides of Desire

Iventhcia
Juana Escarzega, a savvy businesswoman, returns to her family's hacienda in the Philippines, stirring whispers of memories, sa paniniwalang ito ang magiging pahinga niya sa mga problemang tiniis niya sa Canada. Amidst the embrace of the cold sea breeze, she’s back to confront the memories she left behind. Especially her forgotten relationship with Izo Eloje Frentones Jr. In the centre of Samar's social whirlwind, old flames flicker, and family ties tighten. Nang magkaharap ang dalawa, tila bumalik ang mga ala-ala at humapdi ang mga sugat na matagal nilang ikinubli. Drawn back by Izo's magnetic pull, Juana faces their shared past, grappling with passion and pain. With the circling rumours and lurking secrets, they must decide. Isugal ang lahat, o baguhin ang tadhana. Against the stunning coastline, they confront their feelings and the harsh world's realities. Can they overcome obstacles and find forgiveness, or will they discover a different kind of love's liberation?
Romance
9.3779 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

It's Payback Time, My Ex-Husband! (Filipino Version)

Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
Romance
14.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3839404142
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status