Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

Bryll McTerr
Nang malagay sa binggit ng alanganin ang buhay ni Andrea Lucero dahil sa kagagawan ng asawa niyang si Stanley Redfern ay muling nagkrus ang landas nila ng guwapong doctor na si Trigger Guerrero. At para maprotektahan mula sa mga nagtatangka sa buhay niya ay dinala siya ng lalaki sa Quezon. Habang napapadalas ang pagkikita nila dahil nakatira siya sa beach house na pag-aari ng pamilya nito ay unti-unti ring natuklasan ni Andrea na sa paglipas ng mga taon ay gusto pa rin pala niya si Trigger. Pero paano kung matuklasan ni Trigger ang lihim ni Andrea? Makakaya pa rin kaya niyang tanggapin ang babae sa kabila ng lahat?
Romance
1.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
30 Days to Fall in Love

30 Days to Fall in Love

J.A
Sa panahon ngayon, uso pa ba ang fixed marriage? May naniniwala pa ba do'n? Sa katulad ng mga mayayamang businessmen, para mas tumagal at tumatag ang negosyo,kailangang magsanib pwersa ang dalawang pinakamamalakas at matitibay na pamilya sa linya ng mga business tycoon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga natitirang successor ng bawat angkan. That is why sad to say, 4 na taong gulang pa lang si Haya Gail Montero ay may fiance na siya. Kung sino pa yung pinakasusuklaman mo siya pa ang pinagkasundo sayo. Para makatakas sa walang kwentang kasunduan, babaliin nina Haya at Vincent ang nakasaad sa kontrata na within 30 days ay dapat ma-inlove sila sa isa't-isa. They will make it , within 30 days, kailangan nilang ma-inlove sa iba para hindi matuloy ang nakatakdang kasalan. Will they break the curse of the contract? or contract will be the way for them to fall in love with each other?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre. Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya. Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist. Ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi, ito pa lang ang mapapakangasawa niya. Akala ni Solar nakalimutan nito ang nangyari sa kanila. Pinagbintangan siya ni Caellune na sinadya niyang mapalapit dito para akitin ito. Hindi naging maganda ang trato ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan. Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Caellune? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kamumuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Playboy's True Love

Playboy's True Love

Calix is a civil engineering hot and bachelor in town. Kilala sa pagiging playboy dahil kabi kabilaan ang kanyang naikama at hindi na rin mabilang sa kanyang daliri ang mga babaeng dumaan sa kanya. Ngunit ang lahat ay magbabago sa pagdating ni Clarissa ang babaeng kanyang kinaiinisan ng siya'y bata pa lamang. Lalo na't ng malaman niyang gusto ng kanyang mga magulang na pakasalan ito. Mababali pa ba niya ang kasunduan ng bawat pamilya o tatanggapin na lamang niya ang kapalaran sa babaeng kanyang kinaiinisan.. Paano kung dumating ang araw na ang babaeng iyong kinaiinisan ay siya pa lang bibihag ng palikero mong puso..
Romance
10746 viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Don't Dare Touch Me, I'm Sleeping.

Steven Zabala
Matapos mamatay ang tanyag niyang amang si Elias Y. Alison, kilala bilang isang magaling na paranormal expert sa bansa. Ipinasa kay Entice Y. Alison ang responsiblidad na ituloy ang tradisyon ng kanilang pamilya sa pagtataboy at pagpuksa ng mga masasamang espiritu. Ngunit sa kawalan niya ng kakayahan makakita ng mga hindi nakikita ng normal na tao, naging isa siyang "parang normal lang expert" kung saan nang loloko siya ng mga tao para sa pera. Hanggang sa isang chinese family ang nakabisto sa kanilang modus kaya ngayon nabaon sila sa utang na 200 Million. Dahil sa utang na iyon napilitan siya pumunta sa isang sinumpang Haunted Mansion kung saan niya makikilala si Acezekiel Asmodeus, isang Incubus na nag alok sa kanya ng isang deal, deal kung saan ipapagamit ni EYA ang katawan niya kay Acezekiel kapalit ng pag kalaban nito sa mga kaluluwang kailangan niyang mapuksa. Maibalik kaya ni EYA ang reputasyong nasira niya at paano niya mababayaran ang 200 million na utang niya?
Paranormal
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
With Hard Feelings

With Hard Feelings

Deliciouwsooo
Knight Monte Forteros, isang CEO sa tanyag na F Newspapers and Magazines Company at galing sa isang mayamang pamilya ay ikakasal na sana sa kaniyang fiance na si Cayleigh Sasa Montemayor na galing rin sa pamilya ng mga negosyante at ang nagmamay-ari ng Hotel de Montemayor, ngunit naudlot ito dahil sa isang aksidente. Aki Rodrigo Salamangca, isang fashion designer at nagmamay-ari ng sikat na Magic Fashion Boutique ay ang nakabangga sa fiance ni Knight na si Cayleigh na naging dahilan upang maputulan ito ng dalawang paa. Dahil sa galit ay ikinulong ni Knight si Aki at itinago sa publiko ang mga pangyayari gamit ang kaniyang mataas na posisyon sa lipunan. Nang makitang wala ng ibang pag-asa ay nakipagsundo si Aki na maging alalay ni Cayleigh habang buhay kapalit ng kaniyang kalayaan. Naging paa at mata ni Cayleigh si Aki na naging dahilan din naman ng madalas na ugnayan nilang dalawa ni Knight. But if the heart of the oppressed falls into false love, is the feeling of the heart heavier than the depth of gratitude? Is it wrong to fall in love with a conqueror? Maybe so, but it's worse to fall in love secretly.
Romance
901 viewsOngoing
Read
Add to library
MY TWINS

MY TWINS

KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan. Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave. Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan. Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya. Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin. Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave. Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan? Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan? Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak? Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?
Romance
9.6138.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status