Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1037.4K viewsCompleted
Read
Add to library
His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother

His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother

Tahimik at simple lamang ang buhay ni Analeia at ng kanyang ina na naninirahan sa syudad kahit isa lamang siyang secretary sa isa sa pinaka-maimpluwensyang kompanya sa bansa, ang Moreau Corporation. Ngunit ang payak niyang buhay ay panandalian lamang nang isang araw ay may ipinakilalang lalaki ang kanyang ina, at inaaya na ito ng kasal. Tutol man si Analeia ay gusto niya pa ring pagbigyan ang ina dahil na rin sa maaga itong nabyuda at nangungulila sa makakasama sa buhay. Hindi makapaniwala si Analeia nang malaman niya sa mismong araw ng engagement party ng kanyang ina at nobyo nito na magiging stepbrother niya ang mabagsik nilang CEO na si Eros Freniere ng Moreau Corporation. Ano na lamang ang kanyang gagawin sa oras na malaman niya na ang kanyang ina ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ni Eros at kung bakit ito mabagsik sa kanilang dalawa? Walang kamalay-malay si Analeia na matagal na siyang pinapasundan ni Eros simula pa lamang. Kaya nakabuo ito ng plano upang maipaghiganti ang pamilya niyang nasira. Will Analeia sabotage the relationship of her mother and Eros’ father para lamang lumaya sa kasalang nagawa ng kanyang ina sa mga Freniere? Or will she fight her love for Eros kahit na ang pag-asa na mahalin siya pabalik nito ay isang suntok lamang sa buwan? Will Eros be able to forgive Amelia Cervantes and show his real feelings to Analeia or will they both bleed their own hearts?
Romance
10265 viewsOngoing
Read
Add to library
One Night with the Rich Man

One Night with the Rich Man

Kailangan ni Natasha ng malaking halaga para sa operasyon ng kaniyang ina, kaya napilitan siyang kumapit sa patalim at ibenenta ang sarili kapalit ng isang milyon. Sa isang lalaking hindi niya man lang nakilala pero nakuha ang pinakaiingatan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na bago pa siya makabalik sa ina ay pumanaw na ito. Sinikap niyang magpatuloy sa buhay, pero isang lalaki ang biglang sumulpot upang guluhin ang tahimik niyang mundo. Araw-araw itong bumili ng gulay sa kaniya at ayon dito ay isa lang itong driver ng mayamang pamilya, pero paano kapag nalaman niyang nagsisinungaling ito? Paniniwalaan pa kaya niya ang mga sasabihin nito? Lalo na kapag sinabi nitong matagal na siya nitong mahal. At paano siya makakatakas dito kung dinadala na niya ang bata sa sinapipunan niya mula sa isang gabing punagsaluhan nilang dalawa?
Romance
102.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Ambitious Love

Her Ambitious Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 2: Her Ambitious Love Maxine Willow will do everything para sa lalaking kanyang minamahal na si Lucas Ridge—isang sikat na artista. At hindi naman siya nabigo dahil sa kabila ng pagsusumikap at pagtitiis niya ay naabot niya ang mundo nito. Pero may natuklasan siyang lihim mula sa binata, isa itong kabit ni Verlene Reyes Tyler, ang asawa ng isang successful governor na si Hudson Tyler. Pero iba ang lumabas sa mga balita, sa halip na si Verlene ay siya ang kumakalat na girlfriend ni Lucas. At hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit sa halip na kalimutan na lamang si Lucas ay mas lalo niya pa itong hinangad. Gagamitin niya ang pagkakataon na iyon para makuha niya ang lalaking kanyang matagal ng inaasam. Aalukin niya ng kasal si Lucas, kapalit ng pagtahimik niya tungkol sa relasyon nito kay Verlene. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin at ibigay para sa lalaking kanyang labis na minamahal? Sapat nga ba ang pagmamahal niya para manatili ito sa buhay niya?
Romance
950 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (118)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
PART OF YOUR WHOLE

PART OF YOUR WHOLE

Athena
Si PAYNE ay isang fourth year high school student na may autism spectrum disorder kasabay ng kaniyang pagkakaroon ng multiple personality disorder. Mula pagkabata ay sa regular school siya pumapasok, napagtagumpayan niya lahat ng panlalait sa kaniya at pabago-bagong pangyayari sa kaniyang paligid dahil sa kaniyang bestfriend na si MAYA. Makikilala ni Payne si NEAL, isang transferee student sa kanilang paaralan, at isang gangster heart-breaker na binata. Paghihiwalayin ni Maya si Neal at si Payne dahil sa isang matinding kadahilanan nito. Ang lahat ng tao, maging ang ina ni Payne ay tutol sa relasyon niya kay Neal habang si Neal ay pursigido na mahalin at protektahan si Payne. Makakaya ba ni Payne at Neal ang pangungutya sa kanila ng mga tao? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan kahit alam nilang abnormal ang tingin sa kanila ng lipunan? O mas pipiliin nilang maghiwalay para sa ikapapayapa ng pamilya nila?
YA/TEEN
104.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Red Daisy

The Red Daisy

Piauthentic
Ang tanging nais niya lang ay masayang pamilya, tahimik na buhay, at maging mabuting asawa’t ina ngunit mapagbiro ang tadhana para kay Daisy Alyson Strauss. Kalat sa buong San Isidro ang apelyidong Strauss lalo pa’t isang Mayor ang ama ng pamilyang ito at maraming proyektong nakatutulong sa tao ang nagawa na ng ama ni Daisy kaya naman hindi maiiwasang makilala at kaaliwan din ng madla si Daisy. Dahil sa katanyagan ay maraming nais umagaw sa pwesto ng kanyang ama. Grabeng pahirap ang dadanasin ng pamilyang Strauss na siyang magtutulak kay Daisy sa sukdulan ng kanyang galit at magpasyang maghiganti sakanyang bagong katauhan na si Ryann Ezra Destiny Guerrero. Ngunit magagawa niya kayang magtagumpay sa kanyang paghihiganti kung nakasalalay naman ang buhay at kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay, pati na rin ang kanyang pagiging ina?
Romance
2.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Isabella Flores

Isabella Flores

Isabella Flores, isang dalagang pinambayad utang ng sariling ama. Bunga siya ng kataksilan at siya ngayon ang nagdurusa sa kasalan na ginawa ng kaniyang mga magulang. Buong buhay niya, ginawa siyang alila sa mansyon na mga Bustamante—ang legal na pamilya ng kaniyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagmamalupit sa kaniya sapagkat wala siyang ibang matutuluyan. Buong akala niya ay sapat na ang pagpapakaalila niya upang bayaran ang kasalanan ng magulang niya, subalit higit pa pala roon ang kailangan niyang isakripisyo, dahil kailangan niyang pakasalan ang pinagkakautangan ng kaniyang ama—si Maximo Castellano. Mayaman, makapangyarihan at matunog ang pangalan nito lalo na sa mundo ng negosyo, subalit wala pang nakakakita kung ano tunay na hitsura nito. Ganunpaman, ang katotohanang magpapakasal si Isabella sa taong hindi naman niya mahal ay malaking kahibangan para sa kaniya lalo na't hindi naman siya ang orihinal na ipambabayad utang kundi ang nakatatandang kapatid na babae—si Catriona Bustamente. Ano kaya ang posibleng mangyari sa oras na malaman ni Maximo na ang pinakasalan niyang dalaga ay hindi pala ang ipinangako sa kaniya? Panibagong dagok sa buhay na naman kaya ang dadanasin ni Isabella o kabaliktaran ito sa inaasahan niya?
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Spoiled Wife Of The Billionaire

Spoiled Wife Of The Billionaire

Mary and Maria are sisters. They share a lot of things. Mary is the eldest while Maria was a youngest. Until they grow up into fine ladies. Hindi lubos akalain ni Maria na pati sa isang lalaki parehas sila ng taste. Hanggang sa nagkasakitan na silang dalawang magkapatid. At dahil paboritong anak si Mary mula noon walang nagawa si Maria kundi mag give way sa ate niya lalo na't nabuntis ng kan'yang bf ang ate nito. Labis na dinamdam ni Maria ang lahat. Maging ang pamilya niya ay galit sa kan'ya, dahil napag bintangan siyang nagnakaw ng pera sa kanilang kumpanya. Maria left out on their Mansion and she didn't show up again. After 5 years muli siyang babalik para maghiganti sa mga taong yumurak ng kan'yang pagkatao... May puwang pa ba sa puso niya ang salitang pagpapatawad?
Romance
10100.2K viewsCompleted
Read
Add to library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status