Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
It Doesn’t Matter

It Doesn’t Matter

Kyanma
Paano nga ba masasabi kung ikaw ay umiibig na? Sino nga ba ang magdidikta kung sino ang iibigin mo, ang puso mo ba o ang utak mo? Sa bida nating si Portia ay malalaman natin ang kasagutan. Ano nga ba ang mas matimbang, ang utak mo ba na nagdidikta sa puso o ang puso na tumitibok lamang sa taong magustuhan nito?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Forever Love

My Forever Love

Dugong_Bughaw
Sa murang edad ni Clariza ay natutunan nyang umibig. Subalit ang una niyang pag-big ay hindi katulad ng pangkaraniwan sapagkat hindi niya nakita si Joseph. Sa pamamagitan lamang ng text sila nag-usap at sa ganoong paraan niya ito minahal. Nagpakilala si Joseph kay Clariza bilang pump attendant ng isang gasoline station. Lingid sa kaalaman ng dalaga na nag-iisang tagapagmana ang binata ng pamilya Villa Fuente at Monreal. Itinago ng binata ang kanyang estado sa buhay upang sukatin ang pag-ibig sa kanya ng dalaga. Naging tapat naman ang pag-iibigan nila pero isang araw ay nagbago iyong lahat. Dahil sa isang mabigat na dahilan ay nakipaghiwalay si Joseph kay Clariza. Labis na ikinadurog ng puso ng dalaga ang biglaang pakikipaghiwalay sa kanya ni Joseph. Mula noon ay nangako si Clariza sa sarili niya na hindi na siya iibig pang muli. Mabilis na lumipas ang sampung taon. Lingid sa kaalaman ni Clariza ay matagal na siyang nagtatrabaho sa lalaking nanakit sa kanya. Si Engr. Joseph Kristian Monreal Villa Fuente. Isang kilalang inhinyero at isang multi-billionaire. Tatlong taon siyang hindi umuwi sa Pilipinas dahil sa kagagawan ni Venus, ang babaeng sumira ng maganda nilang relasyon ni Clariz. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dumeretso siya sa resort na pag-aari niya. Nakilala niya nang personal ang supervisor na laging ipinagmamalaki sa kanya ng kanyang assistant. Sa unang pagtatama ng paningin nila Joseph at Clariza at sa simpleng ngiti ng dalaga ay agad na nahumaling ang binata. Dala ng kuryusidad ay natuklasan ng binata na ang babaeng napupusuhan niya ay siya rin ang babaeng iniwan at sinaktan niya sampung taon na ang nakalipas. Pano makukuhang muli ni Joseph ang puso ni Clariza? May pangalawang pagkakataon pa ba ang kanilang magmamahalan gayong hindi na handang muling umibig ang dalaga?
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Bound To Him

Bound To Him

Nang dahil sa kapusukan ay walang nagawa si Zia nang ipakasal siya sa lalaking kailanma'y hindi niya magugustuhan. Labis ang pagkamuhi niya dahil sa pagsasama nilang ito. Lalo pa at ang kapatid nito ang nilalaman ng puso niya. Pero bakit noong inilatag na ng asawa ang annulment papers nila ay tumututol na ang puso niya? Nagawa na ba nitong pasukin ang kanyang puso sa ilang taon na nagsama sila sa iisang bubong? Paano kung nagsawa na ito kakahintay sa kanya at may mahal ng iba? Mababawi pa kaya niya ang lalaking minsan ng naging pag-aari niya?
Romance
10521 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Binata na si Iris

Binata na si Iris

Kris Sendo
Labing-isang taong gulang pa lamang si Iris Dimasalang nang unang tumibok ang puso niya. Ngunit, may problema, hindi sa isang lalaki tumitibok ang puso niya kundi sa isang dalaga na sa unang tingin pa lang niya ay nahulog na kaagad ang kanyang loob.
YA/TEEN
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pursuing Destiny: Alpha's Quest for Love

Pursuing Destiny: Alpha's Quest for Love

SKYPHOENIX
Mula sa pinakatatagong mundo nagmumula ang pag-ibig sa gitna ng digmaan at labanan. Sa gitna ng lahat ng sakit at balakid, mananaig pa kaya ang pag-ibig na nakalaan para sa kanila kung ang buong katotohanan ay hindi dapat mangyari at susundin ng kanilang mga puso na sila ay nagkakaisa at mas piniling burahin ang markang nagbuklod sa kanilang dalawa? Binalot ng sumpa at paghihiganti ang pusong puno ng pagmamahal. Maibabalik pa ba ang pag-ibig kapag nasunog at nadurog na ng nakaraan dahil sa isang malagim na pangyayaring naghiwalay sa kanilang dalawa? _____ "I, Alpha Sortitus Breackorn, of the Breackorn 'Black' Pack, reject you, Clavem Whitestern of the Breackorn Pack, as my mate." "I accept your rejection." Under the white moon in the woods, I run in wolf form. The wolf inside me is whining and uttering All the grievances I have in my heart, I shout, even though the whole surrounding area is covered with light because of the white rays coming from the moon. "I hate everything that happens to me, but I'm not regretting loving him, but he is not destined to love me back. Dearest Luna Goddess, why are you making me suffer like this? Did I do something to trigger your hatred and put me into a curse and be the mistress of my own mate?!"
Other
104.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Amorousness Behind Sunset

Amorousness Behind Sunset

CCmonogatari
"Sa paglubog ng araw, ang liwanag ay naglalaho. Katulad ng mga ngiting sa kalungkutan natatago." Si Maureen Cruz ay isang masayahin na tao. Kahit na lumaki siya na hindi nakukuha ang lahat ng kanyang ninanais ay hindi iyon naging dahilan upang hindi yakapin at bigyan ng halaga ang buhay na mayroon siya. Primarya lamang ang kanyang natapos, at hindi na siya nakapag-aral pa dahil sa kahirapan. Gayunpaman, ginamit niya ang lahat ng kanyang mga pinagdaanan upang lumaban ng patas sa hamon ng buhay. Hanggang saan siya susubukin at dadalhin ng kanyang matapang na personalidad kung pag-ibig na ang sumukat sa kanyang dignidad? Mapanindigan kaya niya ang pag-ibig na itinanim nito sa kanyang puso at diwa? Hanggang kailan? Tunghayan ang k’wentong pag-ibig ng isang babaeng magtuturo, kung gaano kaganda ang buhay mula sa likod ng takipsilim. DISCLAIMER: No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, Characters, Places and Incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental. ️ WARNING ️ It may contain mature scenes and words. Read at your own risk.
Romance
103.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Contract Wife

The Billionaire's Contract Wife

Desperada at wala nang ibang mapagpipilian, pumayag si Hiraya Lyn—isang matatag at determinadong dalaga—na pumasok sa isang contract marriage kasama si Nexus Watson, isang malamig at misteryosong bilyonaryo. Hindi simple ang naging dahilan ni Hiraya sa pagsang-ayon niya—ang kanyang nakababatang kapatid ay may malubhang sakit na cancer, at ang perang iniaalok ni Nexus ang tanging pag-asa nilang makapag pagamot ito. Si Nexus, na kilala sa kanyang pagiging walang-awang negosyante, ay may sarili ring dahilan. Ang kanyang pinakamamahal na lola—ang tanging taong minahal niya ng buong-buo—ay tumatanda na at may hiling na makita siyang ikinasal bago ito pumanaw. Upang tuparin ang kahilingan nito—at panatilihing ligtas ang kanyang puso—nag-alok siya ng isang kasunduan. Isang taon lamang ang itatagal ng kanilang kasal, walang sabit, walang damdamin na masasangkot. Habang binabagtas nina Hiraya at Nexus ang kanilang huwad na relasyon, at habang namumuhay sa iisang bubong ay unti-unting nagiging totoo ang nararamdaman nila. Mula sa isang malamig at pekeng kasunduan, unti-unting umusbong ang isang damdaming hindi nila inaasahan—pag-ibig. Pero sa gitna ng mga lihim, pagpapanggap, at sakit, kakayanin ba ng relasyong sinimulan sa kasinungalingan ang paglabas katotohanan?
Romance
10991 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Illicit Affair With My Billionaire Cousin

Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Matagal nang lihim na minamahal ni Jenna Levanier ang kaklase niyang si Yves Roize—ang lalaking laging nagaalaga at nagtatanggol sa kanya mula pagkabata. Hindi alam ni Jenna, matagal na rin pala siyang tinitibok ng puso nito. At nang sa wakas ay umamin sila sa isa’t isa, parang handa na ang mundo para sa kanilang unang pag-ibig. Hanggang dumating ang tawag na nagpabago ng lahat. Napilitang lumayo si Yves nang walang paliwanag. Iniwasan niya si Jenna, iniwan ang pangako, at iniwang nakabitin ang isang pag-ibig na kakasimula pa lamang. Sa sakit ng biglaang paglayo, napuno ng pagdududa si Jenna—totoo ba ang sinabi niya? O sinubukan lang siyang mahalin saglit? Pagkalipas ng mga taon, muling nagkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon—sa reunion ng Altrius Academy. Doon niya muling nasulyapan ang binatang minahal niya noon… ngunit sa pagkakataong ito, hawak-hawak na ni Yves ang isang lihim na magbubura sa lahat ng akala niya. At habang sinusubukan niyang manatiling tama at matatag, hindi niya maiiwasang ipaglaban ang damdaming inilibing niya noon—damdaming bawal na, mapanganib, at imposibleng ipaglaban: ang Illicit Affair sa kaniyang bilyonaryong pinsan.
Romance
10645 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Secret Wife

His Secret Wife

"do you know how to dance?" he asked. Napailing akong napapayuko na mahigpit nakahawak sa laylayan ng damit ko. Napahinga ito ng malalim. Napaiktad ako nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit na napapisil sa baba kong itiningala ako dito. Hindi ako makatitig sa kanyang mga matang matiim akong tinitigan. Para akong matutunaw. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Pakiramdam ko'y malulusaw ako. Nakakalunod makipagtitigan sa kulay asul niyang mga mata. Mga matang napakasungit kung tumingin. "so tell me, how can you pay me hmm?" sensual niyang tanong na napapakagat ng ibabang labi. Napalunok akong napasunod ng tingin sa kanyang mga labi. Unti-unti siyang napangisi na mas inilapit ang mukha! Napakapit ako sa kanyang polo nang akmang sasayad na ang kanyang mga labi sa akin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi makatingin sa kanya. Mahina itong natawang ikinaangat ko ng tingin dito. "tell me young lady, how can you pay your father's dept hmm?" he huskily asked. Napatitig ako sa kanya. Mariin akong napapikit akong malalim na napahinga. "I can be your slave sir" mahina itong natawang napalapat ng labi na mapatitig ako ditong salubong ang mga kilay. "Slave? Are you sure? 1million pesos. Do you think you can pay me using your body hmm?" anito na tila nang-uuyam ang tono. Napasuri ito ng tingin mula ulo hanggang paa ko na ikinalunok ko. "Hmm...how about, be my wife. And I'll make sure, I'll let go your father" "W-wife" utal kong ulit. Napataas ang kilay nitong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. Napalunok ako. Napaawang ang labi pero walang salita ang lumalabas! "Uhmm!" napakapit ako sa kanyang balikat na siniil ako nito bigla ng isang mapang-angking halik sa labi!! "It's settled. Get ready yourself young lady, tomorrow morning, you're gonna be....my wife"
Romance
9.133.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
105.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3334353637
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status