Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10465 viewsOngoing
Read
Add to library
Drifted to you

Drifted to you

MnémosynceDramaSweet Love
Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa. Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
One more Chance with Sir Niccolo

One more Chance with Sir Niccolo

LavenderPen
Sanhi ng sakit at matinding hagupit ng tinatawag na pag-ibig sa murang edad ay napilitang umalis ng bansa si Glyzel de Villa sa mismong araw ng kasal ni Niccolo Crowell. Ang almost three years secret boyfriend niya na noon ay class adviser lang nila. Baon ang pag-asang lilipas din ang lahat, pinili niyang sa Italy bumangon. Magsimula ng bagong buhay at muling buohin ang sariling winasak ng maling taong labis na minahal. Babalik siya ng bansa pagkaraan ng maraming taon, baon at dala ang paniniwalang buo at nakabangon na. May chance pa ba ang relasyon nilang madugtungan na pinutol at hinadlangan ng hindi akmang oras at panahon? Paano niya magagawang tuluyang maka-move on kung biniyayaan din siya ng kambal na anak na lingid sa kaalaman ng lahat? Isa pa bang pagkakataon? O tama na ang lahat ng sakit na idinulot noon?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
108.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

ACCIDENTALLY ONE NIGHT STAND TO MAFIA

Nagkaroon ng aksidenteng one-night stand sina Andrew Sandoval at Hanna Williams limang taon na ang nakalilipas, at hindi makalimutan ni Andrew ang katawan ni Hanna. Hindi niya maabot si Hanna dahil sa kaguluhan ng pamilya na dulot ng biglaang pagkamatay ng kanyang ama. Pagkalipas ng limang taon, kinuha ni Andrew ang negosyo ng pamilya at natagpuan si Hanna, na baon sa utang sa pagsusugal ng kanyang ina. Iniligtas siya ni Andrew at tinulungan siyang magbayad ng pera, na naging may utang kay Hanna. Pinakiusapan niya itong maging manliligaw ngunit tumanggi ito dahil may nobyo ito. Nakipagpustahan si Andrew kay Hanna na iiwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera, at sa kanyang pagtataka, iniwan siya ng kanyang kasintahan para sa pera. Single siya pero hindi pumayag na maging manliligaw ni Andrew. Lalo siyang kinaiinisan dahil ginulo nito ang kanyang mapayapang buhay.
Romance
1.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Prinsesa Aleyah

Prinsesa Aleyah

Pao_Consyyy
Sa mundong pinamamahalaan ng iba't-ibang kaharian, isang prinsesa ang gumawa ng kaniyang sariling pangalan. Kilala siya bilang si Prinsesa Aleyah, ang matapang, palaban at pasaway na prinsesa mula sa palasyo kung saan nababalot ng mga alitan, ang Kaharian ng Vireo. Sa taglay niyang husay, karamihan ay humahanga ngunit hindi mawawala sa kaniyang landas ang mga paninira. Ang kaniyang buhay ay punong-puno ng aksiyon at hiwaga. Kakabit na ng kaniyang pangalan ang mga kaguluhan. Nang dahil sa kaniyang natatanging istilo sa pamumuno at pakikipaglaban, kaniyang mararanasan ang mapagtaksilan at itakwil ng kaniyang sariling kaharian.Kaya naman sa panahon na ang kaniyang minamahal na kaharian ay nasa bingit na ng pagbagsak at kapahamakan, handa kaya niya itong ipagtanggol sa mga kalabang higit na makapangyarihan?Ito ang nobelang magpapatunay na ang prinsesang tampulan ng kaguluhan sa kasaluyan ay posible pa ring maging tagapaghatid ng kapayapaan sa hinaharap.
1021.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Signed with Lust

Signed with Lust

"Hindi tinta ang ginamit nya sa kontrata, kundi isang sandata na kasinungalingan ang dala" DISCLAIMER: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang. Naglalaman ito ng mga tema ng pagtataksil, sakit, emosyonal na tunggalian, at sekswal na nilalaman na maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa. Ito ay nakalaan lamang para sa mga mambabasang nasa wastong gulang. Magbasa nang may bukas na isip at sariling pag-unawa. Copyright Notice: Lahat ng nilalaman sa akdang ito, kabilang ang mga tauhan, plot, at kabuuang istorya, ay orihinal na likha ng may-akda. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya, pag-aangkin, pagbabago, o distribusyon ng akdang ito nang walang pahintulot ng may-akda. Ang paglabag ay maituturing na pagnanakaw ng intelektwal na ari-arian at maaaring humantong sa legal na aksyon. Plagiarism Warning: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagkopya ng akdang ito sa anumang anyo—printed man o digital—nang walang paunang pahintulot. Respeto sa orihinal na may-akda ang pinakamahalagang bahagi ng bawat likha.
Romance
168 viewsOngoing
Read
Add to library
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status