Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
Romance
1016.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Wonderful Mistake

A Wonderful Mistake

LiCaixin
Nagplano ng suprise bachelorette party ang kapatid at kaibigan ni Anya para sa kaniya, isang gabi bago ang nakatakda niyang kasal. Hindi tinanggihan ni Anya ang surpresa nilang one night stand dahil sa sobrang atraksyon sa inakala niyang simpleng escort. Nang malaman ng fiancé ni Anya ang tungkol sa one night stand ay iniatras nito ang kasal. Itinakwil din siya ng pamilya niya. Ilang linggo matapos ang trahedya nalaman ni Anya na siya ay nagdadalang-tao. At kung akala niya ay tapos na ang kalbaryo niya, muling nabuhay ang lihim ng nakaraan nang hindi inaasahang magkita ang anak niya na si Althea at ang bilyonaryo nitong ama na si Trevan Cervantes. Ang isang gabi ng pagkakamali na sumira sa dapat ay masaya niyang buhay ang babago sa kasalukuyan niyang kapalaran. “Some mistakes are wonderful”
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Boss ni Ate

Boss ni Ate

Isayahh
BABALA: Ang kwentong ito ay maaaring hindi pasok sa panlasa ng lahat. Nagkakaloob ang kwentong ito nang hindi maganda sa mata ng karamihan. Marami man ang may ayaw ngunit hindi iyon sapat para limitahan mo ang iyong pang-unawa. Xara Padel, ang babaeng madalas tinutokso dahil sa mala-anime nitong katawan, malaki ang hinaharap at puwetan, mahaba ang itim na itim na buhok, mapupungay na mga mata, makinis na balat, at malaanghel na mukha. Madalas niyang naririnig ang 'Yamate kudasai' na tokso sa kanya ngunit tikom lamang ang kanyang bibig at hindi na pinapatulan ang mga ito. Sa likod ng maamo niyang mukha ay ang kuryusidad niya sa maka-mundong pagnanasa. Nagkamalay siyang nakikinig sa mga pinaggagawa ng Ate niya kasama ang kung sinong lalaki nito sa kwarto ngunit nagbago ang lahat nang matagpuan ang Boss ng Ate niya…
Romance
9.57.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Broken Strings: Divorcing the Ruthless Billionaire

Buong buhay na pinangarap ni Venice na mapakasalan ang kaniyang childhood crush—pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Naangkin niya nga sa papel si Teo, pero ang puso ng asawa ay matagal nang pagmamay-ari ng iba. Simula nang bumalik ang natatanging babae sa buhay ni Teo, mas lalong nanlamig ang kanilang relasyon. Ang laging katwiran—malubha at bilang na lang ang oras sa mundo ni Rhea. Sa loob ng limang taon, nagpabulag si Venice sa bait-baitan ng sariling mag-ama. Sa mismong ika-limang anibersaryo, saka lamang nabuo ang desisyon niya—iiwan ni Venice si Miguel at Teo. Husto na ang kaniyang pagdurusa. Pero pa'no kung ang malamig niyang asawa ay tumanggi sa diborsiyo? Matatakasan pa rin ba ni Venice ang mapait niyang kapalaran? Marahil kailangan niya ng tulong—sa pagbabalik ng lalaking tunay na nagmahal sa kaniya, magagawa bang kalimutan ni Venice ang nakaraan?
Romance
201 viewsOngoing
Read
Add to library
Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival

Sa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Palawan para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you… you’re the exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
Romance
10618 viewsOngoing
Read
Add to library
Dangerous Love

Dangerous Love

KhioneNyx
Napapalibutan ng tungkol sa politika si Marina Hidalgo, isang vice mayor ang kanyang ina at isa namang attorney sa public attorney’s office ang ama niya. Galing siya sa pamilyang matagal nang nagseserbisyo sa gobyerno, ngunit iba ang tumatakbo sa kanyang isipan at plano niya sa kanyang buhay. Siya lang ang sumalungkot sa generation ng pamilya nila nang kumuha siyang kursong journalism dahil gusto lang niya ng tahimik na buhay, hindi rin niya gaanong pinangangalandakan sa buong unibersidad niya na galing siya sa pamilya ng mga Hidalgo. Marami siyang iniiwasan at isa na roon ang pamilya Sanchez, ang namamayagpag ngayon sa municipality nila lalo na’t Sanchez ang nakaupo na mayor sa lugar nila at isang dahilan na kaaway na pamilya sa politika ng mga Hidalgo ang Sanchez. Pero kung anong iniiwasan niya iyon naman ang lumalapit sa kanya, nang makilala niya sa isang press conference si Filan Sanchez, ang pangalawang anak ng mga Sanchez, bilang journalism student siya ang naatasang mag-interviewed nito para sa kanilang school newspaper. It all started in the interview, press conference at ang mga tanong na kailangan niyang ibato sa batang Sanchez, akala niya roon lang matatapos ang lahat, but nag-uumpisa pa lamang ang lahat.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
His Secret Child (Tagalog)

His Secret Child (Tagalog)

Masaya si Eunice nang mapangasawa ang lalaking mahal niya. Kahit nahihirapan siya sa kanya, patuloy siyang umuunawa at nagmamalasakit. Ikinasal sila para sa kapakanan ng kumpanya at sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Tiniis niya ang lahat, umaasa na balang araw ay matutunan din siyang mahalin at tanggapin ang kanilang kasal. Ngunit nagkamali siya; mas lalo siyang nasasaktan. Mas binibigyan ng atensyon ng kanyang asawa ang dating kasintahan kaysa sa kanya. Hanggang isang gabi, laking gulat niya nang makita ang kanyang asawang lasing na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto. Bigla na lang siyang hinila papasok. Doon, may nangyari sa kanila. Ibinigay ni Eunice ang sarili sa kanyang asawa kahit lasing na lasing ito. Pagkaraan ng isang buwan, nalaman niyang siya ay buntis. Pinili niyang lumayo. Natakot siyang hindi siya paniwalaan at itakwil ang kanilang anak. Umalis siya nang hindi sinasabi ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ilang taon ang lumipas, bumalik siya, ngayon kasama ang kanilang anak. Paano kung muli silang magtagpo at ang tadhana ay magbuklod muli sa kanila? Ano ang gagawin ni Eunice? Sasabihin ba niya ang katotohanan na may anak sila, o patuloy niya itong ililihim?
Romance
9.71.5M viewsCompleted
Show Reviews (295)
Read
Add to library
jmnbt
Ang ganda, sakto yung haba ng kwento. Hindi o.a na aabutin ng ilang chapter bago may magandang mangyayari. Good luck! Sana makita ko agad or meron na yung kay Trish at Jacob. At kung meron mang book 2 for next Gen kila Trishana at baby keil. 😂 Pocketbook na? Hahaha! Sorry, nasa thur* na kasi age ko
Analiza Silos
Ang ganda po sa sobrang dami NG pinagdaanan nila sa huli sila parin Ang nagkatuluyan,marami mang pagsubok Ang dumating sa buhay nila nalabanan nila at kahit sa una puro pasakit Lang Ang ginawa ni Travis Kay Aliyah napatawad parin Niya Ito at binigyan NG second chance...this story is amazing
Read All Reviews
Pretending To Be His Wife

Pretending To Be His Wife

Nang tumawag sa kanya ang kakambal na si Avery at nagsumbong na bugbog sarado na naman ito sa asawa ay doon naantala ang binalak sana ni Aviona na umalis ng bansa. Her twin sister was married to the most anticipated Billionaire around Asia. Kilala lamang niya ang lalaki sa pangalang Creed Morgan at bukod doon, wala na. "I was humiliated. I was in a deep cut slice of pain if I continued to be with him. Can you do me a favor, Ava. Pretend that you are me. Save me in the brink of my death." Avery Rodriguez was her twin, her friend and her companion noon pa man. Bagaman siya ang mas bata, Aviona Rodriguez inherited this personality as strong and untamable. Ngunit nang tinanggap niya ang alok ng kakambal ay naroon na sa kanyang utak na ipaghiganti ito, subalit nang lubusang nakilala niya na si Creed Morgan ay doon pa nagbago ang pananaw niya sa lalaki sa gitna ng binalak niyang basagin din sana ito. Aviona Rodriguez was tempted. Ngayon ay hirap na siyang makalabas dahil nakakulong na siya sa mapangahas at makamandag na mga bisig ng isang Creed Morgan.
Romance
1012.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1024.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status