Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Aggressive Maid

The Billionaire's Aggressive Maid

Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The President's Wife

The President's Wife

BREAKING NEWS PHILIPPINES. "Maagang nagkatraffic sa kahabaan ng EDSA at sa ibang bahagi ng Metro Manila. Dahil ito sa pagrarally ng maraming mga Filipino. Isinisigaw nila na bumaba raw si pangulong Chavez sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang. Nang daraya raw kasi ito sa election kaya nanalo sa pagkapangulo. Sa ngayon ay hindi maawat ng mga awtoridad ang napakaraming mga Filipino na nagrarally sa harapan ng palasyo. Paulit-ulit na isinisigaw nila na bumabana raw si pangulong Chavez sa kaniyang pagkapresidente. Nakakamanghang isipin na nagkakaisa ngayon ang mga Filipino para pabagsakin ang administration Chavez. Maging ang mga OFW sa ibang bansa ay nauna nang nagrally ang mga ito kahapon. Isinisigaw rin nila na bumabana si pangulong Chavez sa kaniyang position. Ganoon na lamang ang pagkamuhi ng mga Filipino sa pandarayang ginawa ni President Chavez sa election. Sa ngayon patuloy ang pagprotesta ng mga Filipino laban sa administration Chavez. Ikinagulat ng lahat ang nangyayari sa kasalukuyan. Tinawag na rin ito na People Power Number three of the Philippines. Sigaw naman ng iba ay itigil na raw ang pagpuprotesta dahil marami nang nasasaktan. Pero sabi ng mga nagrarally. Hindi raw sila titigil hangga't hindi raw si President Chavez bumababa sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang." END OF BREAKING NEWS PHILIPPINES "A poor creature begging on her death. But sorry! Welcome to the hell!" Chavez really want to kill me merciless. Nakatutok lamang ang hawak niyang baril sa noo ko. Nag-uumigting ang panga niya sa galit. Patuloy ang pag-iyak ni Dave habang tinatawag niya ako. Wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Chavez sa buhok ko. Nasasaktan ako ng sobra. I know this is my death. "Patayin niyo na ako! Handa akong gawin ang lahat kapalit ng buhay ng anak ko! Pakawalan niyo lang siya! Nagmamakaawa ako!"
Romance
106.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status