MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake
Sa mismong araw ng kasal nila, nalaman ni Luna ang mapait na katotohanan—ginamit at pinakasalan lang siya ni Damon upang saktan ang babaeng dating karelasyon nito.
Dala ng matinding sakit at pagkabigo, nagpasya siyang iwan si Damon sa araw ding iyon. Tahimik itong naglaho nang walang paalam.
“Hanapin n’yo siya! I want every inch of this estate searched!” sigaw ni Damon habang galit na galit na naglalakad paikot sa marble flooring ng hall, ang mga palad niya'y nakasukbit sa kanyang buhok na tila ba hindi malaman kung ano ang uunahin—ang takot, ang galit, o ang pagkasira ng loob.
“Sir Damon,” lapit ng isa sa mga security. “We’ve searched the entire estate… wala po talaga si Ma’am Luna. Even the guard at the back gate said walang nakitang dumaan.”
“She can’t just run away with my child!” singhal niya, boses niya'y halos mapunit sa dami ng emosyong nagsasalubong sa dibdib. “Do whatever it takes—bring her back! Now!”
Pagkalipas ng anim na taon magmula noong maglaho na parang bula si Luna...
"Boss, we found your wife. She just landed at the international airport."
"And she’s with three kids... who all look exactly like you."
"But there’s another man with them—and one of the kids is calling him Dad."