Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Sweet Beautiful Romance

The Sweet Beautiful Romance

Paano kung malaman mo na ang papel na pinirmahan mo na akala mo ay para sa insurance lang ay marriage certificate na pala? Paano kung magising ka na lang isang araw tapos malaman mong matagal ka na palang kasal sa isang lalake na hindi mo pa nakikita o nakikilala? Paano haharapin ni Mikael Mendoza ang panibagong buhay niya kasama ang isang lalake na ayaw makita ni anino niya? Damon Monverde, isang magaling at kilalang Doctor. Kinatakutan din siya dahil sa taglay na kagaspangan ng ugali nito na kahit pinakamaliit na pagkakamali ay hindi niya pinapalampas. A man with few words, but when he speaks it is sharper than the sharpest thing on earth. Paano matitiis ni Mikael Mendoza ang katulad niya? May pag-asa rin kayang mahulog sila sa isa't-isa? THE SWEET BEAUTIFUL ROMANCE
107.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 228 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
Fallen So Deep (La Castellion Series #1)

Fallen So Deep (La Castellion Series #1)

heneralalcalde
Isang pusong nakakulong sa obligasyon at isang pusong puno ng ambisyon ang pagtatagpuin ng isang misyon. Walang ibang bagay ang mahalaga ngayon kay Kiro Verona bukod sa matagal na niyang pangarap sa buhay, iyon ay ang sumikat ang bandang binuo niya at ang mga kantang gagawin nila. One day, a great opportunity came to him when his cousin, Nathalia Fernandez, offer him a good deal and that is to help him to get into the talent agency where she belongs to. But unexpectedly, her help is not for free. She wants Kiro to do something first for her. Pinanghihinalaan kasi nito na bading ang kaniyang boyfriend na si Nikkolai Froy Servantes—the problematic and introvert mayor of La Castellion. Kaya ang gusto ni Nathalia ay akitin niya ito kung paano niya akitin ang kaniyang mga babae hanggang sa lumabas ang tunay nitong kulay. But what if the waves of love will change the beat of their hearts? Can they still get up when they are already fallen madly, deeply inlove?
105.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 139 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
1042.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 983 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
The Billionaire's Nanny Contract

The Billionaire's Nanny Contract

Title: The Billionaire’s Nanny Contract Blurb: Mahirap ang buhay ni Ariana Natividad—isang simpleng saleslady na biglang natanggal sa trabaho matapos mapagbintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa. Sa desperasyon niyang makahanap ng bagong hanapbuhay, isang kaibigan ang nag-alok sa kanya ng kakaibang trabaho: maging yaya ng isang batang hindi mapigil sa kakulitan—Emanuel Luca Madrigal, ang anak ng mayamang negosyante na si Zephyr Madrigal. Wala nang nagtatagal na yaya sa bata, at ang asawa ni Zephyr, si Noime, ay nasa hangganan na ng kanyang pasensya. Dahil aalis siya patungong ibang bansa para sa trabaho, kailangan nilang kumuha ng yaya na hindi lang magaling mag-alaga kundi… pangit. Oo, pangit—para hindi ito type-in ni Zephyr! Desidido si Ariana na kunin ang trabaho, lalo na nang marinig ang alok—sampung milyong piso bilang reward kung matatapos niya ang isang taong kontrata. Mukhang madali lang, ‘di ba? Pero paano kung ang tinaguriang “playboy billionaire” na si Zephyr ay hindi lang mahirap pagsilbihan kundi tila may ibang plano rin sa kanya? At paano kung ang yaya na dapat ay "pangit" ay unti-unting nagugustuhan ng boss na hindi dapat ma-in love sa kanya? Sa isang bahay na puno ng kalokohan, asaran, at hindi maiiwasang tensyon, kaya bang tiisin ni Ariana ang isang taon nang hindi mahulog sa patibong ng The Billionaire’s Nanny Contract? A romantic comedy na siguradong magpapatili at magpapatawa sa iyo!
1017.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 375 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll. Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala. Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo. Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?
10329 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

BURNING MIDNIGHT WITH UNCLE (SPG)

Walang ibang taong naging sandigan si Sapphire mula pagkabata kundi ang kanyang Uncle Ares—ang lalaking kinupkop ng kanyang mga lolo’t lola bilang sariling anak. Tahimik, responsable, at palaging nariyan tuwing kailangan niya ng karamay. Sa tagal ng pagkakasama nila, hindi niya namalayang unti-unti na pala siyang naaakit sa misteryosong tikas nito. Kaya nang mawalan siya ng magulang sa London, agad siyang umuwi sa Pilipinas at nanirahan sa piling ng tanging taong pinaniniwalaan niyang tunay na ligtas siya... kahit pa ang puso niya ay nalilito. Bago pa man siya umalis ng London, pinangako niya sa sarili na ililibing na niya ang damdaming iyon. Hindi sila magkadugo, pero si Ares na lang ang natitirang pamilya niya. Pero paano kung malaman niyang matagal na rin pala siyang pinagnanasaan ng lalaking tinitingala niya? Can she hold on to her morals, or will she give in to the fire—and cross the line she swore never to touch?
102.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 53 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
Secretly in love with my brother

Secretly in love with my brother

BOOK 1- SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER BOOK 2- MY ADOPTED BROTHER Lumaki si Dahlia Selena Santillan sa piling ng kanyang dalawang kuya. Isang araw ay bigla na lang tumibok ang kanyang puso sa kanyang Kuya Axel. At doon nagsimula ang kanyang lihim na pagtingin para sa kanyang kapatid. Nalaman niya na half brother pala niya ito. Pilit niyang itinago ang damdamin na kanyang nararamdaman para sa kanyang kuya. Hanggang sa nabunyag ang isang lihim. Hindi pala niya ito tunay na kapatid. Isang gabi ay may namagitan sa kanilang dalawa at inilihim ito ni Dahlia. At dahil sa magulo nilang pamilya ay dinukot sila. At doon nalaman ni Dahlia na may lihim rin na pagtingin sa kanya ang kanyang kuya. Paano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung sa mata ng batas ay magkapatid sila? May pag-asa kaya na magkaroon sila ng happy ending?
1066.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.1K Beses bilang paano kaya
Ipakita ang mga Review (29)
Read
+Library
Xienne Gutierrez
Yeeeyyy finally Dahlia you reach your dream....all dreams do come true! Tyaga lng tlga...Ganda next sana nmn may kalaro na Ang kambal at sana kambal din Ang anak nila hehe Happy and Prosperous New Year Author and more brilliant ideas come along your way! God Bless Us All Always. Thanks!
CALLIEYAH JULY
COMPLETED STORIES 1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM 2. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE 3. LOVING, MR. CHEF 4. PROFESSOR'S MAID 5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR 6. LOCK ME IN YOUR HEART 7.HIDING THE MIRACLE HEIRESS 8. MIREYA, THE MIRACLE HEIRESS
Basahin ang Lahat ng Review
The Revenge Of Mistreated Wife

The Revenge Of Mistreated Wife

WennieWrites
Matagal nang umiibig si Irine Evangelista kay Ruyi Walton mula pa noong bata pa sila. Kaya nang itinakda ng kanilang mga magulang na magpakasal sila, buong puso pumayag si Irene kahit alam niyang hindi iyon ang gusto ni Ruyi. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama, iginugol ni Irene ang kanyang buhay para kay Ruyi, umaasa na magbabago ang isip nito at sa huli'y mahulog sa kanya. Ngunit biglang gumuho ang lahat nang magising na lamang si Irene isang araw na nasa tabi ng kapatid ni Ruyi, si Kyler, wala silang mga saplot at magkayakap. Hindi alam ni Irene kung paano iyon nangyari, pero isa lang ang sigurado siya—hindi niya magagawang saktan at lokohin si Ruyi. Pero kahit anong paliwanag ang gawin ni Irene ay hindi nakinig sa kanya si Ruyi, sa halip ay nag-file ito ng divorce.
10840 viewsOngoingIdinagdag sa Library 25 Beses bilang paano kaya
Read
+Library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
1017.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 367 Beses bilang paano kaya
Ipakita ang mga Review (10)
Read
+Library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Basahin ang Lahat ng Review
HIDDEN MAFIA HEIR'S

HIDDEN MAFIA HEIR'S

Sa likod ng isang maamo at mala-anghel na mukha, nagtatago ang bangis at tapang. Iyan si Natasha Mendez Cordoja, na kilala nang lahat bilang si Yanna. Sa kabila ng maganda at maayos na buhay, ay kailangan niyang gampanan ang sariling misyon para hanapin ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Ngunit magkakasangga ang mga landas nila ng isang kilalang mafia leader na si Xander Montero, matapos nilang pagsaluhan ang isang gabi at magiging malapit sa isa't isa. Kapwa sila may mga sariling misyon sa buhay na ginagampanan. Ngunit nakahanda nga ba silang isantabi na lang ang kanilang layunin para bigyang-daan ang kanilang mga pansariling damdamin? Nakahanda nga ba si Yanna sa mga bagong matutuklasan, lalo na sa likod ng kanyang tunay na pagkatao? At paano kung mahulog na siya sa bitag ni Xander? Magawa pa kaya niyang makalabas sa butas na lalong nagpapasikip sa kanyang mundo?
1056.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.0K Beses bilang paano kaya
Read
+Library
PREV
1
...
4344454647
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status