Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Beyond Sundown

Love Beyond Sundown

Tearsilyne
Labag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanilang pagsasama ay naging malupit ito sa dalaga. Nagtalaga pa siya ng kasunduan dito. Hindi naman naging mahirap kay Jireah ang sundin ito. Sa mga panahong nakasama niya ang binata sa iisang bubong ay mas lalong nahuhulog ang loob niya dito. Ngunit suntok sa buwan kung magustuhan rin siya nito gayong may babaeng minamahal na ito. " Don't ever dare to love me because I will never be able to love you back."
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marupok

Marupok

Bb. Busilak
Ano ang gagawin ni Yssa kung ang sinisinta niyang boss ay ubod ng sungit at no pansin sa kanya? Dapat na ba siyang maniwala sa tsismis na isa itong binabae? Pero paano na ang destiny niya? Paano na ang lovelife niya? Papayag ba siyang basta na lang mabalewala iyon ng hindi lumalaban? Hindi siya pinalaki ng sexbomb para bumawi lang sa huli, kaya naman lalaban siya. Gagawin nya itong kasing diretso ng isang ruler!
Romance
61.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Puppet

The Billionaire's Puppet

Crysineee
Walang ibang ginugusto, kun’di ang tahimik at magandang buhay ang dalaga na si Everleigh Evangelista. Wala sa kan’yang bokabularyo ang pag-ibig ngunit paano kung makatagpo siyang dalawang bilyonaryong lalaki na mag mamay-ari sa kan’ya? Ang bilyonaryong si Ezra Parker na bumili sa kan’yang pagkatao at si Alcair Carson na kan’yang asawa ngunit sa papel lang. Paano kung mabuo ang pagmamahal ng dalawang bilyonaryo sa kan’ya? Sino ang pipiliin niya?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE PLEASURE GAME

THE PLEASURE GAME

(SPG) The 32 years old, multi-billionaire. Member of the BLACK MAFIA ORGANIZATION. The International model. The business tycoon. Pero sa likod ng kan'yang pagkatao, he is a ruthless. A beast. Pero ginulo ng isang babae ang kan'yang buhay. Ang babaeng siningil siya ng utang na hindi niya alam kung paano siya nagkautang. Siya si Nurse Samuelle Luna. Ang nurse na umabot sa edad na 34, dalaga pa rin ito. Paano mapapaamo ni Nurse Samuelle ang isang guwapong Mafia?
Romance
9.963.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?
Romance
1017.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Monte Bello Series: Sebastian - Mananatili Kang akin

Napagkamalan si Candice na kasabwat sa pagkidnap sa 'anak' ng pinakamayamang tao sa Puerto del Cielo, si Sebastian Monte Bello. Pero hindi lang ito basta mayaman, makapangyarihan din ito, arogante antipatiko, at walang modo. Pero bakit sa halip na magalit siya dito, kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. She was slowly falling in love with him. Paano nga ba namang hindi? Ito na yata ang pinaka-gwapo at pinaka-seksing nilalang na nakilala niya kahit na nakatalikod! Pero paano kung ang kapalit ng pagmamahal niya dito ay isang nakaambang panganib? Susugal pa ba siya?
Romance
109.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Our Fixed Marriage

Our Fixed Marriage

Callieyah Grabielle Suarez is the one and only Heiress of Suarez Clan. Napilitan Siyang magpakasal Kay Luna Maxine Sandoval dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Sa takot na mawala lahat ng meron Siya ay walang nagawa kundi sumunod na lamang kahit kagagaling lang niya sa masakit na break up at idagdag pang babae Ang nais ipakasal sa kanya. Isang bagay na Hindi kahit kailan man niya maiintindihan dahil mas straight pa Siya sa isang pole. Pero paano kung Ang isang Callieyah Grabielle na madaling mabighani ang lahat mapa lalaki man o babae ay tila naging invincible lang sa isang Lluna Maxine Sandoval? Hindi matanggap ni Callieyah na tila nabasura Ang taglay niyang Ganda pagdating Kay Luna. Bakit Ang isang to ay naiiba sa lahat samantalang nagkakagusto Naman ito sa kapwa babae pero bakit excluded ata siya? Hindi ba siya kaakit akit sa paningin nito? Anu nga bang pakialam niya Lalo nat Siya Ang number one na against sa kasal na to. Pero tila ba lintang nakakapit sa kanyang Sistema Ang pagka frustrated. Bakit Ang isang Callieyah Grabielle na pangarap ng lahat ay Wala lang sa isang to? Hindi ito lubos matanggap ng pride, ego niya dahil sanay Siyang hinahabol. Pwes magkakandarapa din Ang babaeng ito sa kanya isang araw. Wala Siyang Hindi nakukuha kapag ginusto. Kumpyansa Siyang magwawagi at Ang babaeng ito ay mapapasunod niya sa lahat ng gusto.
LGBTQ+
10682 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Now He Wants Me Back

Now He Wants Me Back

“Nagliligpit ka…” puna ni Cassian sa ginagawa ni Ember na naabutan. “Why? Tapos na ba ang selebrasyon sa birthday ko?” Pilit na ngumiti si Ember at sinalubong ang mga tingin ni Cassian. “Naisip ko na hindi naman ako ang gusto mong kasama ngayon kaya hindi na ito kailangan. And about your birthday… may naisip akong mas magandang regalo para sa ‘yo. Sigurado kong magiging ma—” “Huwag ka na mag-abala,” putol ni Cassian sa sasabihin niya. “Hindi ko kailangan ng regalo mula sa ‘yo.” Natigilan si Ember. Napakurap. Mapait na nangiti sa sarili. Paano niya bang minahal ang lalaking ito sa harap niya nang gano’n katagal? Hindi lang lima kung hindi lampas dekada na espesyal ito sa kaniya at nag-iisang itinangi. “Promise,” muling wika ni Ember. “Promise at magugustuhan mo ang ireregalo ko. I want divorce, Cassian.” *************** Nang bumalik si Lauren, ang stepsister at dating kasintahan ng asawa niyang si Cassian Montgomery Syquia... alam na agad ni Ember na wala siyang laban. Mula pa noon ay alam ni Ember na si Lauren lang ang minahal ng asawa. At kahit ang sariling ina ay ito ang laging pinapaboran. Kaya bago pa siya masaktan ng lubusan, nagdesisyon si Ember na makipag-divorce para magparaya. Pero si Cassian? Bakit nang sabihin ni Ember na mag-divorce sila ay ayaw nito? At bakit kung kailan ayaw na niya ay saka naman ito naging interesado sa kaniya?
Romance
107.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.6K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2728293031
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status