The Billionaire's Obsession (Tagalog)
Mayaman.
Maganda.
Tinitingala ng lahat.
Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent.
Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte.
Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?