Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10539 viewsOngoing
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
Romance
7.72.1K viewsOngoing
Read
Add to library
I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

I'm Married To A Mafia Boss (Tagalog)

Si Natasha Marie Garcia ay napasok sa isang sitwasyon na hindi niya akalain na mangyayari sa kanya. Inakala niyang pupunta siya sa Silvestre Mansion para maging isang kasambahay. Ngunit nagkaroon ng setup si Don Juanito. Gusto niyang mapalapit si Natasha sa kanyang apo, kaya gumawa siya ng paraan para magkalapit sila at magpakasal. Hindi sana papayag si Natasha, pero wala siyang nagawa kundi magpakasal. Inakala niyang ikakasal lang siya sa isang mayaman, arogante, at nakakainis na lalaki. But she didn't know she was getting married to the leader of the most powerful hidden mafia in the country. Mapaglaro ang tadhana; habang tumatagal ang araw na kasama niya ang kanyang asawa, lalong nahuhulog ang kanyang loob dito. Hanggang isang araw, natuklasan ni Natasha ang lihim ng kanyang asawa. Behind his sweet and loving smile was a dangerous and powerful mafia boss. Sa una, natakot siya, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang asawa, kaya tinanggap niya ito ng buong puso sa kabila ng madilim nitong buhay. Masaya sila, ngunit dumating ang isang trahedya na nagbago ng kanilang masayang pagsasama. Namatay ang ina ni Natasha sa isang ambush at sinisi niya si Giovanni. She left her husband without a word because of the anger she felt. Binalot ng galit si Natasha, at nagdesisyon siyang maghiganti. Paano mapapatawad ni Natasha ang kanyang asawa kung ang sugat ng nakaraan ay masyadong malalim? Mananaig ba ang kanyang pagmamahal sa lalaking una niyang minahal? Maibabalik pa kaya ang kanilang masayang relasyon? Ano ang gagawin ni Giovanni para mabawi ang babaeng mahal niya? Babalik ba si Natasha sa kanya? O ang kanyang minamahal na asawa ay magiging kanyang kaaway?
Romance
10318.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO Boss Is My Ex-lover

The CEO Boss Is My Ex-lover

Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam. Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon. Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito. Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?
Romance
186 viewsOngoing
Read
Add to library
When She Cries

When She Cries

Sa ilang taong pagsasama ni Lhaurize at Jaxon ay ni minsan ay hindi siya nito nabigyan ng kahit katiting na pagmamahal. Ginawa niya ang lahat upang maging mabuting asawa rito ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para mahalin siya ng kanyang asawa. Lahat ay ibinigay niya kay Jaxon ngunit sa huli ay nagawa pa rin nitong iwan siya at sumama sa iba. Tatlong taon ang lumipas nang muling magtagpo ang kanilang landas. Maayos na sana ang lahat ngunit isang pangyayari ang magiging dahilan upang naisin ni Jaxon na bumalik sa kanya. Handa nga ba si Lhaurize na patawarin at muling tanggapin sa buhay niya ang lalaking pinakamamahal o tuluyan ng ibaon sa limot ang lahat ng pagmamahal dito?
Romance
8.719.0K viewsCompleted
Read
Add to library
His Rebel Wife

His Rebel Wife

Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa. Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito. Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Wild Night with My Stepson

Wild Night with My Stepson

Totoy
Isang gabing pagtatagpo, kapwa nahanap ni Chrisia at Errol ang comfort sa isa't isa. Nadala ng init ng gabi at natagpuan ang sarili sa bisig ng isa't isa. Nagbunga ang gabing iyon at pinili niyang itago ang bata. Lumipas ang limang taon, kasal na siya kay Michael, tinanggap nito ang bata ngunit nalaman niyang si Errol ay ang long lost son ng kaniyang asawa. Hanggang kailan niya itatago ang katotohanan? Paano kung magising na lang siyang nahulog na ang loob niya sa kaniyang stepson? May mga sikretong mabubunyag pero hanggang saan tutungo ang maling pagmamahal?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
I Am Married To The Ruthless CEO

I Am Married To The Ruthless CEO

Espesyal daw ang araw ng kasal dahil dito nagsisimula ang isang kwento ng walang hanggang pagmamahalan. Pero sa akin, dito natapos ang lahat. Ang araw na pinangarap kong maging pinakamasaya, naging araw ng pinakamalalim kong sugat. Isang lihim ang sumira sa lahat—ang taong dapat kong makasama habangbuhay, may ibang pinili. Hindi ko na nakita ang altar. Hindi ko na narinig ang 'oo.' Ang tanging narinig ko lang ay ang pagkabasag ng pangarap ko. At sa araw na iyon, natutunan kong ang pagmamahal ay hindi laging sapat para tapusin ang isang kwento.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Unrequited Love

The Billionaire's Unrequited Love

Ang tanging gusto lang ni Hastiana Florence sa buhay niya ay mapansin at mahalin ng isang Connor Sullivan kagaya ng pagmamahal niya para dito kaya naman ibinigay niya ang sarili niya dito sa pag-aakala na magiging parehas ang nararamdaman nilang dalawa pero nangangarap lang pala siya dahil kahit kailan ay hindi nito kayang suklian ang pag-ibig niya. Napuno siya ng lungkot at takot lalo na nung nalaman niya na nagbunga ang ginawa nila ni Connor. Upang maiwas sa kahihiyan ang mga magulang ay mas pinili niyang magpakalayo nalang at kalimutan ang lahat. Paano kung isang araw ay magparamdam si Connor sa kaniya?
Romance
1011.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
Romance
108.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status