Saved
Natapos na ako at lahat-lahat wala pa rin si Cassius pagtingin ko sa orasan alas kwatro na, di na ako nakatiis kaya tinawagan ko na ito ang tagal nung ring bago may sumagot.
“Hello?” Husky at raspy nitong sabi na mahahalata mong kakagising lang.
“Asan ka?” Mahinang tanong ko.
“Ziya? Bakit? May nangyari ba? Sorry nakatulog ako, pauwi na ako saglit” Sunod na sunod na tanong niya na mukhang gising na gising na.
“Di na! Magpahinga ka na muna diyan baka maipit ka lang sa traffic ayos lang kami dito. Kumain ka na ba?”
Bab Populer