Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
Paranormal
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Husband is my Bed Buddy (SSPG)

My Husband is my Bed Buddy (SSPG)

Isang arrange marriage ang naging kasal nila Diane at Sevy. Nag iisang tagapagmana si Sevy Montefalco sa Montefalco group of Companies. Kung gaano ka yaman si Sevy Montefalco, ganun rin kahirap si Diane Monteseno. Apo ng matagal na hardinero ng mga Montefalco si Diane at ng bago maaksidente ang mga magulang ni Sevy nakatadhana na si Diane na ipakasal dito. Pero paano kung ang kasal na yon ang magiging dahilan ng pagkawasak ng puso ni Diane at ng kanyang matinding kalungkutan?Kasal nga siya pero ni minsan di naman siya kayang pakisamahan ng lalaking kanyang pinakasalan. Hanggang sa umabot sa puntong ibinaliktad ng panahon ang kanilang sitwasyon. Si Diane na nangungulila sa pagmamahal ng kanyang asawang si Sevy ay naging partner niya bilang Fuck buddy. Paano tatakasan ni Diane ang lihim niyang pagmamahal Kay Sevy? Mananatili ba siya bilang Fucking buddy?O mananatili siya bilang asawang nagmamahal kay Sevy?
Romance
10603 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
THE HIDDEN WIFE’S TEARS

THE HIDDEN WIFE’S TEARS

(Nickolas Quinn's story) Trapped series #6 Naniniwala si Catherina na darating ang araw ay mamahalin siya ng kanyang asawang si Nickolas, na balang araw ay magbubunga ang kanyang pagtitiis at pagkapit sa pagsasama nila. Pero hanggang kailan kayang itago ni Catherina ang kanyang luha? Hanggang kailan siya kakapit sa kanilang 'kasal' gayong wala itong ginawa kundi ang saktan siya at pagkaitan ng pagmamahal? Kaya ba niyang panindigan ang pagmamahal para kay Nickolas kung sa bandang huli ay malaman niya ang pinakamasakit na katotohanan na siyang wawasak sa puso niya? TRAPPED SERIES#6. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) completed 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) Completed 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel) Completed 6. The hidden wife's tears (Nickolas) ongoing 7. The billionaire's trick (Liam)ongoing 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON
Romance
1034.4K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (15)
Baca
Tambahkan
SEENMORE
Paalala po sa mga readers ko: Ang story nila Nickolas at Catherina ay mapanakit. Atin pong subaybayan ang kwento ng pag-iibigan nilang dalawa at kung paano nila malalagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanila. Marami nga po palang salamat sa mga READERS ko na walang sawang sumusubaybay🫶
Shila Mae Galleon Culentas
maganda stories nyo ms a hinihintay ko talaga mga update nyu..simula kai alaric nka antabay na ako...sana ma post nyu na rin ang 4 pa na stories kang jack tress wendel tsaka yun isa ... hinihintay ko talaga kang tres ms a.. sana mapansin
Baca Semua Ulasan
Owned by A Hot Billionaire lawyer

Owned by A Hot Billionaire lawyer

Sa araw ng kanyang engagement party ay gumimbal sa madla ang isang video ng isang babae at lalaki na nagtatalik. Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang fiancee, si Xavier Lopez at ang ex-girlfriend nito. Sa pinaghalong kahihiyan at kalungkutan, umalis si Luna Gray sa nasabing party at natagpuan na lamang niya ang sariling kaniig ang isa sa mga tanyag na abogado sa bansa. Si Giovanni Alexander Cortez. Kilala si Giovanni bilang isang tuso sa larangan ng ligal, bukod sa matalino at mayaman, ubod din ito ng kagwapuhan kahit na suplado. Lahat ng kababaihan ay halos luhuran siya. Except kay Luna Gray, ang babaeng brat at puno ng kapritso. Makakaya kaya niyang paamuhin ang isang babaeng laki sa yaman at nakukuha ang lahat ng gusto?
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love beyond the gilded cage

Love beyond the gilded cage

Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
Romance
10579 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Wanting You So Bad...

Wanting You So Bad...

When Liana met the handsome but cold-hearted billionaire, Henry Enriquez, nagbago ang lahat sa buhay niya. She slowly fall in love with him, kahit pa nga ang tingin nito sa kanya was nothing, but a gold digger bitch. Magkaganoon man, naniniwala pa rin siyang may kabutihan pa ring natitira sa puso nito... That he was still capable on loving someone... Pero nagkamali yata siya. Because he just shoved her away dahil lang sa isang maling akala na may ibang lalaki sa buhay niya bukod dito! Papaano na ang nararamdaman niya para dito? Sisikilin niya na lang ba iyon o pananatilihin na lang ang sariling aasa dito na balang araw ganap din itong magbabago?
Romance
109.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10340 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Office Romance: Who's your Daddy?

Office Romance: Who's your Daddy?

Zenaida Cabrera, isang multimedia journalist mula isang kilalang news website sa bansa. Sa edad na dalawang pu't walo, hindi pa niya nararanasan magkaroon ng kasintahan dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa trabaho at pamilya. Sa takot na mapag-iwanan, sumubok siyang makipag-date ngunit palagi itong nauuwi sa wala dahil sa demanding na boss na walang ibang ginawa kung hindi ang subukin at pahirapan siya. Buong akala ni Zenaida ay hindi na niya mararanasan ang pagkakaroon ng sariling pamilya dahil sa mga responsibilidad na hawak niya, subalit isang araw, nalaman na lamang niya na siya'y nagdadalang tao na at kasamaang palad, hindi niya maalala at makilala kung sino ang ama ng bata sa sinapupunan niya.
Romance
108.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2930313233
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status