Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.877.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Ruthless Mafia

My Ruthless Mafia

Si Agent Eighteen ay isa sa mga kilala at tinitingalang agent ng isang pribadong organisasyon na kung saan ang layunin ay mahuli ang mga malalaking kriminal na naninirahan sa Pilipinas. Dahil sa husay nito ay naatasan siyang hulihin ang isa sa pinakamalaki at pinaka delikadong Mafia Group sa Pilipinas, ang Black Spades. Sa pamamagitan ng kanyang undercover at pagpasok nito sa buhay ng mafia boss na si Death, matutuklasan ni Eighteen ang iba't-ibang gawain ng isang mafia at kung paano unti-unting mahuhulog ang kanilang damdamin sa isa't-isa.
Romance
820 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My secret affair (A life and death contract)

My secret affair (A life and death contract)

Dahil sa kagipitan ay kumapit sa patalim si Sabrina upang maisalba ang buhay ng mga magulang. Tinanggap na ang kaniyang kapalaran at naniwalang wala na siyang karapatan maging masaya at magkaroon ng laya magmahal. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Xavier, ang mayabang na mayaman na magpapatibok ng kaniyang puso. Paano niyang ihahayag sa lalaki ang kaniyang tunay na nararamdaman kung isang madumi at bayarang babae lamang ang tingin nito sa kaniya? May pagkakataon pa kaya para sa isang Sabrina Pascual na makamit ang totoong kaligayahan? O maging sunud-sunuran sa ilalim ng madilim na kontratang magkukulong sa kaniya sa isang bangungot habang buhay.
Romance
487 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Paid Wife

Paid Wife

Lyrans Goddess
Simpleng buhay lamang ang nais ng dalagang si 'Bia'. Ang makabawi at maipagamot sa magaling na espesyalista ang kinikilala nyang ina. Ito rin ang nag udyok sa kanyang makipag sapalaran sa lungsod ng Maynila. Sa pakikipag sapalaran nya sa makabagong mundo, isang hindi inaasahang trabaho ang naghihintay sa kanya. Isang trabahong makapagpapabago ng buhay nya na siya ring dahilan upang makilala nya ang tunay nyang pagkatao. Ano-ano kaya ang matutuklasan nya sa pagkatao nya? Ano kaya ang mabubuo sa trabahong naghihintay sa kanya? Makakamtan nga kaya ng dalagang si Bia ang simpleng buhay na ninanais nya? O isang malaking pagsubok ang kakaharapin nya?
Romance
1.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Ugly Husband is a Billionaire

My Ugly Husband is a Billionaire

Nagpakasal ako sa lalaking tinatawag na pangit at inutil ng aking pamilya, pero tagapagmana pala at isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. *** Nakahandang ibenta ni Rosita ang sarili sa mababang halaga, mabayaran lang ang utang ng mga taong itinuring na niyang mga magulang. Pero inalok siya ng limang milyong piso ng matandang nakabili sa kaniya. Ang kapalit? Pakasalan niya ang anak-anakan nito. Kapalit ang malaking halaga ay pumayag si Rosita na pakasal sa estranghero. Ang hindi niya alam, ubod ng pangit ang lalaking kailangan niyang pakasalan. Wala siyang nagawa kundi pumayag sa kasal at ibigay ang sarili sa pangit na lalaki, pero hindi ang kaniyang puso. Sigurado siyang hinding-hindi niya mamahalin ang katulad ni Sixto na pangit na nga, utusan pa sa Villa Hernandez. Dumating sa buhay niya si Hanz Concepcion—guwapo, simpatico, haciendero at gusto siyang agawin mula sa pangit niyang asawa. Paano kung ang inaakala nilang patay na—magbabalik bilang pinakamayaman at isa sa pinakaguwapong lalaki sa bansa? Titibok na kaya ang puso ni Rosita para sa asawa? Paano kung may ibang babae na pala sa buhay nito? Nakahanda ba siyang ilaban ang pagiging asawa niya—lalo pa't may anak sila?
Romance
9.465.3K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
917 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

In Bed with the Hottest Zillionaire Lawyer in Town

Isa si Evangeline 'Eva' Cuestas sa mga kasisikat pa lamang na actress at model sa bansa. Pinangangalagaan niya ng maigi ang kanyang karera dahil bukod sa pinaghirapan niyang makamtan ang kalagayan niya ngayon ay pakiramdam din niya ay roon lamang siya magaling. Subalit nang dahil sa kataksilan ng kanyang fiance sa mismong araw ng kanilang official engagement party, gumuho ang lahat. Dahil sa labis na kalungkutan at pighati, basta na lamang nakipagsiping si Eva sa hindi kilalang lalaki. little did she know, na ang lalaking kanyang naka-sex ay walang iba kung hindi si Alas Constantine Fuegerro, isang tanyag na abogado sa bansa. Kilala niya ito na isang mayabang, arogante at babaero. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ba ang tingin niya sa lalaki? Paano kung may bagay siyang gagawin dahilan upang mas magtagal pa ang kanilang ugnayan? Higit pa kaya sa init ng katawan ang kanilang mararamdaman para sa isa't isa?
Romance
10409 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

CEO ROMANCE SERIES (ALEX & KAREN)

Itchay
Kilalang chef sa buong bansa si Alexander Jones. Bukod sa gwapo na ay mayaman pa. Nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap ng isang babae. Kaya naman nasanay siyang sa isang iglap lang ay nakukuha niya ang gusto niya, mapalarangan man ito ng negosyo, hobby, o di kaya ay babae. Laking dagok sa kanyang ego ng may isang babae ang tumanggi sa kanya. Si Karen Delgado, ang babaeng bukod tanging hindi nahulog sa karisma ng isang Alexander Jones. Pero ng dahil sa problemang pinansyal ay napilitan siyang tanggapin ang pinaka-ridiculous na offer na natanggap niya mula kay Alex. Isang contractual marriage. Magiging maayos kaya ang pagsasama ng dalawang nilalang na nag-umpisa sa maling sitwasyon? May tsansa kaya na ma-uwi sa pag-iibigan ang relasyong nagsimula sa awayan? Paano kapag nalaman nila, na ang ugnayan pala nila sa isa't-isa ay hindi lang nagsimula sa isang kontrata?
Romance
104.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Wrongfully Yours

Wrongfully Yours

SulatniMiss E
Iniluwal ni Celeste ang malusog at magandang bata na pinangalan niyang si Stacey. Ito lang ang tanging naiwan sa kanya nung iwan siya ng kanyang fiancee sa araw ng kasal nila. Hindi alam ng mapapangasawa sana ni celeste, na si Noah na may anak sila. Lumaki ang bata sa sariling sikap niya at nagtrabaho rin siya bilang waitress sa isang kilala at pangmayaman na restaurant sa sa syudad. Hindi alam ni Celeste na madudurog ulit ng buhay niya na muling magkrus ang kanilang mga landas. Misyon niyang itago at hindi ipakilala ang anak niya sa totoong tatay nito. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Noah, na may anak sila. Kukunin niya ba ang anak nila sa kamay ni Celeste o hahayaang magdurusa ang kanyang mag-ina sa hirap?
Romance
101.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3940414243
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status