Share

Chapter 19

Alas tres na ng gabi natapos ang paglilipat ng mga gamit ni Alvin. Kasalukuyang na sa tapat ng gate ang mga box at naghihintay na lamang si Alvin sa designer team para tulungan sila sa pagdedecide kung saan ilalagay ang mga gamit.

Malawak naman ang bahay ni Alexis at sigurado sya na kakasya ang iilang gamit ni Alvin sa loob ng bahay nya. Kasya rin sa kwarto nya ang cabinet ni Alvin kaya hindi na sya nangamba.

“Papunta na raw ba?” tanong ni Alexis. “Nagugutom na ako ulit.”

Agad na bumaling sa kaniya si Alvin. “Let’s go,” sagot nya.

Nagtataka syang tinignan ni Alexis. Hindi makuha kung anong ibig sabihin ni Alvin. “Anong let’s go? Saan?” taka nyang tanong. “Hindi mo na hihintayin yung classmate mo? Baka biglang dumating yung classmate mong interior designer?”

“Sabi mo nagugutom ka na?” nakangiting tanong ni Alvin sa kaniya. “Inutusan ko naman na sila. Sila na ang bahala sa bahay mo. Wag kang mag-alala. Kilala ko naman yung mga ‘yon. Walang mawawala sa mga gamit mo, promise. Pag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status