Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Husband's Karma

My Husband's Karma

aiLa'veinz
Pumayag sina Hyder at Jihan na magpakasal sa isa't isa base sa napagkasunduan ng magulang nila. Napag-usapan ni Hyder at Jihan na palabas lamang ang gagawin nilang pagpapakasal at magdidivorce sila pagkatapos ng dalawang taon dahil may girlfriend na si Hyder. Nasasaktan man ay tinitiis ni Jihan dahil totoong mahal nya si Hyder. Nagkaroon ng lakas ng loob si Jihan na aminin ang totoong nararamdaman sa asawa. Mula noon ay naging malamig na ang trato ni Hyder at madalas gumagawa pa ito ng mga bagay na ikakadurog ni Jihan. Napagpasyahan ni Jihan na palayain na Hyder dahil hindi na nya kinakaya ang sitwasyon nya. Hanggang sa isang kakaibang uri ng sakit ang dumapo kay Jihan. Nilihim ni Jihan ang kanyang sakit. Sumusubok si Jihan na magpagamot pero hindi nya alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan nya. Muling makikipag-ugnayan si Jihan kay Hyder upang ipagbigay alam ang buong katotohan ngunit sarado na ang isip at puso ng binata. Sa pagkakataong malalaman ni Hyder ang kalagayan ni Jihan, lalambot kayang muli ang kanyang puso? Hanggang kailan lalaban si Jihan para sa lalaking mahal nya? Hanggang kailan din nya lalabanan ang sakit na dumapo sa kanya? "Kahit isa man lang sa laban na ito ang maipanalo ko, masaya na ako"- Jihan
1.3K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as panliligaw noon
Read
+Library
SWEET HOME

SWEET HOME

Apolinariaaa
Nagulat, namangha at nainggit ang lahat kay Shine Garcia nang luhuran siya ng elite na boyfriend at inalok ng kasal. Iyon na ang pangatlong alok nito ng kasal. Dalawa na nagawa niyang tanggihan at ngayon na hindi niya malulusutan. "Will you marry me?" Lumuhod si Elias Gustavo sa kaniyang harapan. Sa harap ng media. Cameras are snapping at them and her head spinning. Hindi pa siya pwede magpakasal. Hindi pa gayong hindi naman siya totoo at perfect na si Shine Garcia. She is just Luningning. Luningning Garcia-Altamayo. Probinsiyana at may tinatagong asawa. "Y-Yes," sagot niya sa kaniyang boyfriend. Dahil sa impulsive na pagpayag, napilitan si Reyna na balikan ang nakaraan para sa annulment. Sinong ang mag-aakalang ang tinatakbuhan niya noon, hahabulin niya ngayon para matuloy ang kaniyang happy ending. “Annulment? I don't need that. Ikaw lang ang may kailangan,” ang halos 'di na niya nakikilalang asawa, si Akim. "Ayaw mo bang mag-asawa ulit?” "I already have a wife," anito na ikinapula ng pisngi niya. "I never been a wife to you." "Iyon na nga, paano tayo maghihiwalay kung hindi ka naman naging asawa sa'kin? Why don't you try show me how bad of a wife you are. Be my wife for once, Ning, even just for a month. Baka magbago ang isip ko." At that very moment, Ningning felt like destiny slapped her on the face. "Sweet home, bitch!"
859 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as panliligaw noon
Read
+Library
RECLAIMING HIS WIFE

RECLAIMING HIS WIFE

Akala ni Trisha, plantsado na ang lahat. Successful career, payapang buhay, at pusong hindi na naghahanap ng kulang. Sabi nga niya, "I have everything I ever wanted." Pero sabi nga nila, mapaglaro ang tadhana at mahilig itong mambura ng plano. Pag-uwi niya sa probinsya, doon gumuho ang pader na matagal niyang itinayo. Isang pagkakataon, isang sulyap, at isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan niya. Ang kaniyang first love. Ang lalaking pinangarap niya noon, pero naging dahilan ng pinakamalalim niyang sugat, ay bigla na lang sumulpot at pilit bumabalik sa buhay niya. Sabi nila, "Love is sweeter the second time around." Pero para kay Trisha, ang kasabihang 'yan ay parang sirang plaka, nakakarindi at mahirap paniwalaan. Paano ka maniniwala sa second chances kung ang unang pagkakataon ay iniwan kang durog at luhaan? Will She Risk It? Sa mundong puno ng "what ifs," sapat na ba ang pag-ibig para harapin ni Trisha ang kaniyang mga takot? O mananatili na lang siyang bilanggo ng kaniyang nakaraan habang pilit na itinataboy ang tanging taong nakapagpatibok ng puso niya nang ganoon katindi? Minsan, kailangan mong masaktan ulit para malaman kung worth it pa bang lumaban. Dahil sa laro ng pag-ibig, hindi sapat ang pagiging "okay." Minsan, kailangan mong maging matapang para maging tunay na masaya.
63 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as panliligaw noon
Read
+Library
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
105.2K viewsCompletedAdded to Library 109 Times as panliligaw noon
Read
+Library
WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

WILD NIGHT WITH HEARTBREAKER

ATHAPOS
Si Vegee Mariano, isang heartbreaker, binayaran siya ni Steffi, eight-hundred thousand. Ipapahinto niya ang kasal ng babae at magpanggap na nobya sa nobyo nitong si Gabriel Quiros. Nagawa niya ang trabaho. Dumaan ang linggo, nagpakamatay si Gabriel Quiros dahil sa matinding depression. Siya ang sinisisi ng pamilya nito. Dahil sa takot umuwi siya ng Bohol. Naging payapa ang buhay ni Vegee sa probinsya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay niya si Wilson Montreal. Naging pamilyado si Vegee sa mukha nito. Ito ang lalaking nakasama niyang kumain sa fast-food chain noon sa Manila. Nasa probinsya na ito at may business. Araw-araw itong bumibisita ang lalaki at nagsabi ito ng totoong nararamdaman nito. Hindi manhid si Vegee sa naramdaman ng lalaki at ganoon din siya sa kanyang sarili. Naging mapusok sila sa kanilang naramdaman. Isang gabi, nagyaya si Wilson sa resort nito. Nagpunta kaagad si Vegee ngunit nandoon si Steffi. Pinahiya siya ng babae at doon niya nalaman na si Wilson ay ang kapatid ni Gabriel Quiros. Kaya bang ipaglaban ni Vegee ang kanyang nararamdaman sa lalaki kung naghihiganti lang pala ang lalaki sa pagkamatay ng kapatid nito? Kaya niya bang ipaglaban pa rin ang kanyang pagmamahal sa lalaki kung nalaman niyang may relasyon si Steffi at Wilson? Paano kung nagbunga ang mapusok nilang mga gabi?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 47 Times as panliligaw noon
Read
+Library
ALGUIEN ESPOSITO (Mafioso Societas Series 1)

ALGUIEN ESPOSITO (Mafioso Societas Series 1)

“But I won’t stand a shy woman in bed,” patuloy ko. “Ayoko ng babaeng parang napipilitan lang makipag-sex sa akin. Gusto ko iyong pagka-Freya mo noong gabing buohin natin ‘yang anak ko na nasa sinapupunan mo ngayon.”  “Naka-drugs ako noon…” pabulong niyang sabi. “Hindi ako ang Freya na iyon. Kung ano man ang nangyari sa akin dahil sa droga ay hindi ko ginusto iyon.” I smirked as I cupped her left jaw with my right hand. I stared into her eyes. “That night, Freya...That night I decided to make you my woman. Make you my bitch…” I grinned. “Kaso nabuo man ang panganay ko. Siya ang nagdesisyon na pakasalan kita and that makes you... luckier.”  ****** ALGUIEN ESPOSITO is a mafia boss who doesn’t care to any woman in general. He was raised to be ruthless and focused to be the leader of their organization, EXCELLANTE. Para sa kaniya ay wala siyang pakialam sa kahit sinong babae. But one night, Alguien ended up in bed with FREYA - a poor woman, who was a payment for him because of the latter's boyfriend's debt. Intrigue. Conspiracy. Deception. When Alguien wanted to make his marriage with Freya work, Freya found her true identity and worth. While Alguien wanted to keep Freya as his wife, Freya found a reason to leave him and face her life. As Alguien needs to stay as the leader of Excellante in the underground society, Freya becomes a princess and a true blue-blood royalty. ****** This is a story that is close to a real mafia way of life. If you are a sucker for romance and simple plot, better not read this!!!
9.618.0K viewsOngoingAdded to Library 396 Times as panliligaw noon
Read
+Library
His Forbidden Maid

His Forbidden Maid

Si Cyzrie, simpleng probinsyana, ay napunta sa mansyon ng lalaking kinatatakutan ng lahat—si Luiz. Marangal at masipag sa trabaho, tahimik siyang sumusunod sa bawat patakaran.Pinili na lamang ni Cyzrie na umaktong walang nangyari at iwasan si Luiz hangga’t maaari. Nagtiis siya sa sitwasyon, ngunit nang matuklasan niyang buntis siya, napagdesisyunan niyang tumakas— sana. Kasabay nito, nalaman din niya ang delikadong mundong ginagalawan ng kanyang boss—kaya lalo siyang natakot na madamay, lalo na ang batang dinadala niya. Nalaman ni Luiz na buntis pala si Cyzrie. Nag-alok siya ng kasal para protektahan ang pamilya ng kanilang magiging anak at nangako ring tulungan siya sa utang at lupa ng pamilya sa probinsya. Dahil dito, pumayag si Cyzrie —bagama’t natatakot, wala na siyang ibang pagpipilian. Unti-unti rin niyang nakikilala ang totoong Luiz: ang lalaking dati’y mabigat ang aura at bihirang ngumiti ay naging mahinahon at gentle, lalo na para sa baby. Ngunit dumating si Belle, fiancée at greatest love ni Luiz, at sinubukang sirain ang kanilang mundo. Isang gabi, muntik pang mapanganib ang baby nila dahil sa galit at inggit ni Belle—at dito sumiklab ang galit ni Luiz. Mula noon, hindi na niya iniwan si Cyzrie, at unti-unti niyang na-realize na minamahal na pala niya ang babaeng dati’y simpleng maid lamang— sa paraan na alam niya.
163 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as panliligaw noon
Read
+Library
After Divorce: Lost in Lust and Love

After Divorce: Lost in Lust and Love

Gray Series 5 (Arison Gray's Story-Eldest Son of Jett Jamison Gray and Arya Armani) Dahil sa sakit na endometriosis ni Serene Choi ay niloko siya ng ex-husband niyang si Dylan West. Nagawa pa nitong buntisin ang babae nito kaya walang pag-aalinlangan siyang nakipaghiwalay rito. Dala ng pagkapoot sa dati niyang asawa ay nagpunta sa bar si Serene. Nagpakalasing siya at nakipagniig sa isang lalaking hindi niya inaasahan--si Arison, ang binatang dati niyang tinuruan na nagmula sa mayamang angkan ng mga Armani at Gray. Sampung taon ang agwat nila sa isa't-isa pero dahil sa nangyari sa kanila ay hindi na rin nagawang iwasan ni Serene ang lalaking may malaking pagkagusto sa kaniya noon pa man. Mas nagulantang ang mundo niya nang malaman niyang nagdadalang-tao siya! Hindi lang isa o dalawa kung hindi tatlong sanggol ang nasa sinapupunan niya at sa mas hindi inaasahang pagkakataon ay inaya siya bigla ng kasal ni Arison--bagay na mas ikinagulat niya. Magiging maayos kaya ang pagsasama nina Serene at Arison sa kabila ng malaking agwat nila sa edad? Talaga bang may happily ever after matapos ang pakikipag-diborsyo niya sa maling tao? Matatanggap kaya siya ng buong angkan ni Arison? Magtutuloy-tuloy na kaya ang kaniyang kaligayahan o patitikimin lamang siya ng kaunting ginhawa kapalit ng mas miserableng buhay?
4.8K viewsOngoingAdded to Library 173 Times as panliligaw noon
Read
+Library
Turn Into Bad boy

Turn Into Bad boy

Rty
"Please...!' Let me explain,...." Pagmamakaawang pakiusap pa ng dalagang si Zairyl sa kanya habang pinipiit siya nito na wag umalis at pakinggan ang kung anung kasinungalingan pang balak nitong sabihin sa kanya,. Ngunit bigo ang dalagang si Zairyl na muling mabilog pa nito ang kanyang ulo dahil nakapagpasya na siya at walang kapatawaran ang sakit na ginawa nito sa kanya. Matapos siya nitong paglaruan at paibigin ay ipinagkalulu siya nito at ipinahamak kay Don Mariano ang taong tumulong at nagtiwala sa kanya, isa pang mas dumurog sa kanyang puso ng maspinili ng dalaga ang makulong siya kasya pumayag ito na magpakasal sa kanya dahil lingid sa kaalaman niya na meron pala itong ibang Mahal at pinaglaruan lamang nito ang isang katulad niya. Matapos pa siya nitong hayaang makulong ay ipinabugbug pa siya at walang awang ipinapatay nito para lamang tuluyang mawala siya sa landas nito upang walang maging hadlang sa pagpapakasal nito sa isang mayamang negosyante, kaya mula noon ay pinatay narin niya ang kanyang sarili maging ang kanyang katauhan at pinaltan niya ang kanyang buong pagkatao. Kaya halinat subaybayan natin ang sakit na idinulot ng dalagang si Zairyl sa Binatang Si Tom Walter kung muli ba siya nitong maibabalik at sa dating siya at mapapalambot pa Kaya nitong muli ang kanyang damdamin. Thank you and God bless.
1.6K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as panliligaw noon
Read
+Library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
101.4K viewsOngoingAdded to Library 31 Times as panliligaw noon
Read
+Library
PREV
1
...
2223242526
...
31
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status