Ang Lihim Na Kambal Ng Bilyonaryong Piloto
Sa mismong gabi ng engagement niya, nahuli ni Althea Solene ang kanyang fiancé at sariling stepsister na nagtataksil sa kanya. Masakit pa rito, pinagtulungan siya ng sariling pamilya, inalisan ng mana, at pinalayas na parang basura. Sa tindi ng sakit at kagustuhang makalimot, nagpakalunod si Sol sa alak at binalot ng init sa piling ng isang misteryoso at guwapong estranghero. Pero bago pa sumikat ang araw, tumakas siya nang walang paalam.
Makalipas ang isang buwan, isang malaking sorpresa ang bumago sa kanyang tadhana—buntis siya sa kambal. Upang iligtas ang mga sanggol mula sa kanyang mapagsamantalang pamilya, pinili niyang maglaho at magtago sa malayo.
Pagkalipas ng limang taon, nagbalik si Sol bilang sekretarya sa isang sikat na airline company. Ngunit laking gulat niya nang mapag-alaman na ang bilyonaryong CEO at Senior Captain na matagal nang naghahanap sa kanya ay ang lalaki noong gabing 'yon—si Captain Tyler Jaxith Arevalo.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata, hindi lang si Sol ang nakita ni Jax, kundi ang dalawang batang kamukhang-kamukha niya.
Mapoprotektahan pa ba ni Sol ang kanyang lihim, o tuluyan na ba siyang mahuhulog sa mga kamay ng bilyonaryong piloto na walang balak pakawalan siya muli?