Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
A NIGHT OF DECEPTION

A NIGHT OF DECEPTION

Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
Romance
106.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Deck Of Cards (Filipino)

Deck Of Cards (Filipino)

Red Auza
Si Azrael na kindhearted. Si Alexa na seryso at apo ng sindikato. Kailangan ni Alexa na makahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon para sa kanya ibigay ng kanyang Lolo ang posisyon bilang susunod na Queen ng Shadow Syndicate. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Azrael na isang side walk vendor. Pinaimbestigahan niya ang lalaki at napag-alaman na akma ito upang maging asawa niya. Sa isiping mapapaikot niya ito gamit ang pera ay inalok niya ang binata na pakasalan siya. Ngunit mabilis itong tumanggi at sinabing maghanap na lang siya ng iba dahil may iba ng nagmamay-ari ng puso niya. Lahat ginawa ni Alexa para mapa-oo si Azrael dahil kailangan na niyang magpakasal bago dumating ang takdang araw. Ngunit lagi siyang nabibigo dahil bukod sa ayaw nito sa kanya, may mahal na rin itong iba. Pero buo na ang desisyon ng dalaga na kukunin niya si Azrael sa kahit anong paraan. Dahil pa rin ba sa posisyon kaya gusto ni Alexa na makasal kay Azrael o may ibang hinahangad ang dalaga bukod sa titulong Queen ng sindikatong kinabibilangan niya na kay Azrael lang niya nakita?
Other
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mayor's Paragon

The Mayor's Paragon

Nang maligaw si Elisha Hamandre sa maynila. Samu’t sari ang kamalasan na siyang naging isa sa pinakamalaking nagpapahirap sa kaniyang batang edad. Ngunit ng mangailangan siya ng Pera upang magamot ang kaniyang ina ay nangahulugan na kailangan niyang maghanap ng trabaho. Subalit ng siya ay makapag hanap ay laking pagkadismaya niya ng bigla na lamang siyang tinanggal sa trabaho, kahit labag sa kanyang kalooban ay nagsimula na lamang siyang maghanap muli. Pahanggang sa napadpad siya sa Isang signboard na may open hiring, pero Hindi niya expected na ang naghahanap ng karagdagang trabahador ay Ang bagong itinalagang Mayor sa kanilang Lugar. Kaya naman ay hindi na siya nagpatumpik tumpik pa ipinasok niya agad ang kaniyang pangalan bilang Isa sa mga Housemaids na kailangan mismo ng Mayor. Hindi niya aakalain na sa kaniyang pagpapasa ay biglang magbabago ang takbo ng kaniyang buhay Isang empleyado. Sapagkat mistulang kakaiba na Mayor ito na dahilan ng pagkakaroon niya ng sensual na sensation sa tuwing niyang napapansin. Laman din ng kaniyang imahinasyon ngunit pobre ang mayor. Masungit pero gwapo ngunit ito ay may anak pero hiwalay sa asawa. Ano nalang kaya ang mangyayare kung nagkaroon ng kakaibang tagpo na dahilan upang mas mainam na iwasan ito ni Elisha? kase kung Hindi siya hihinto ay paano na niya magagawa ang tanging puno’t dulo ng kaniyang determinasyon sa paghahanap ng trabaho at para sa kanyang Ina na may sakit at paano nalang ang kaniyang buhay kung Ang boss niya ay pilit siyang ginugulo? Not your typical Love Story.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Endless life with my Billionaire Lover

Endless life with my Billionaire Lover

Sa walong taon ni Jhaxien Montejas sa dating ay ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kanit anong pagtingin sa mga taong nakakameet niya, dahil na rin sa kagustuhan ng kanyang Tiya Veron na makaahon sila sa hirap ay hinanapan siya nito ng lalaking kayang ibigay ang karangyaan sa kanila. until she meet Exell Fabillos isang Mayaman na hari ng mga Sanggano na kung tawagin nila ay mga Mafia ng Eresalve land, na ang sabi nila ay pagmamay-ari nito. unang kita pa lang niya kay Exell ay nakaramdam na siya na hindi sila magkakasundo, dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, na malayo sa crush niyang si Lexford Guevarra na isang mayaman rin na may ari ng isang coffee shop na malapit sa pinagtatrabahuhan niya. Ngunit makakatanggi nga ba siya sa sapilitang kasal agrisibo at sangganong leader ng Mafia.
Mafia
457 viewsOngoing
Read
Add to library
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.4K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My One and Only Love

My One and Only Love

Alexander Romano. Istrikto, dominante, at walang puso. Sa kabila ng ilan sa mga negative na ugali nito, marami padin ang nahuhumaling sa lalaki. Bakit ba naman hindi, bukod sa pagiging panganay na anak at taga pag mana ng Romano Corp. (isa sa pinaka malaki at kilalang kumpanya sa bansa), si Alexander ay marami na ding napatunayan sa sarili niya. Graduate ng Magna Cum Laude sa kursong BS Management Engineering at nakakuha ng maraming awards sa iba't ibang sports ng University na pinasukan, tulad ng swimming, lawn tennis at marami pang iba. May tangkad na 5'11, makakapal na kilay, mga matang kulay kape na tagos hanggang kaluluwa kung tumingin, ilong na makipot at matangos, at mga labing maninipis na ni minsan ata ay hindi dinapuan ng ngiti ngunit lalong bumagay sa pangahan nitong muka na nagbibigay ng 'mysterious' effect sa pagkatao nito. Maraming kababaihan ang nahuhumaling dito at inggit naman sa kalalakihan. Mga bagay na hindi alintana ng binata ngunit wala naman siyang pakielam sa mga opinyon at nararamdaman nito. Namumukod tanging si Jessica Pantaleon lang ang nakakakausap ng maayos dito bukod sa pamilya niya. Si Jessica ang kababata at bestfriend na din ni Alexander. Alam nito lahat ng pinagdaanan ng binata sa unang babaeng minahal na si Mara, kaya siya lang din ang nakakaintindi sa binata. Boyish pero maganda at sexy si Jessica. Natural na straight at itim ang kanyang buhok na hanggang bewang. Bagay sa balingkinitan na katawan, morenang kutis at 5'6 na height niya. NBSB siya at hindi din nagpakita ng interes sa mga nagtangkang manligaw dito. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagising nalang si Jessica sa tabi ni Alexander. Pareho silang walang suot na damit. Paano nalang ang mangyayari sa kanila lalo na ngayong bumalik na si Mara sa buhay ni Alexander?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status