Kakaibang Init (SPG)
May asawa na si Ralia, pero pakiramdam niya, parang wala rin. Bakit? Uuwi lang kasi ang asawa niya para matulog sa bahay, kumain at pagkatapos, wala na puro work na lang ang importante rito. Simula nung malaglag ang first baby nila, parang nawalan ng gana ito sa kaniya. Sinisisi si Ralia ng asawa niya dahil pabaya raw ito at walang kuwentang ina at asawa.
Dahil sa pagiging cold ng asawa ni Ralia, nakagawa tuloy siya ng maling desisyon. Pumatol at sinamahan niya sa kama si Aleron—bestfriend ng asawa niya. Matagal na niya kasing pansin na parang trip siya nito. Matagal na rin siya nitong nilalandi, iniiwasan lang niya dahil may asawa na siya.
At dahil napuno na siya at nanlamig na rin sa totoong asawa niya, nademonyo na siyang pumatol dito, hindi lang isang beses kundi maraming beses pa.
Natuklasan pa niya na allergy si Aleron sa mga spicy food. Na kapag kumain siya ng kahit anong maanghang na pagkain, ganado at talaga namang naglilibög ng husto si Aleron. Kapag ganoon, mas lalo itong wild sa kama, bagay na lalong kinakaligaya ni Ralia sa kaniya.
Hanggang isang araw, nalaman ni Ralia na nabuntis siya, hindi ng asawa niya kundi ni Aleron na kabit niya.
Sinong pipiliin niya—asawa niyang napaka-cold sa kaniya at sinisisi sa pagkawala ng first baby nila o si Aleron na sobrang sarap sa kama, mahal na mahal siya at binibigay ang lahat ng gusto niya?