Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Accidentally Married to a Yakuza Boss (Tagalog)

Nang malaman ni Marissa na ikakasal siya sa hindi pa niya nakikilala na groom. Labis ang lungkot niya dahil may boyfriend siya na mahal na mahal niya. Nagulat si Marissa sa sampal ng daddy niya at binantaan siya nito na papatayin ang boyfriend niya. Kaya wala siyang choice kundi sumangayon sa kasal na hindi niya inaasahan. May nalaman si Marissa kay Austin na lubos niyang kinatakot. Pero habang tumatagal natutunan na niya mahalin ang asawa niya. Magiging masaya kaya sila sa huli?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
318 viewsOngoing
Read
Add to library
Giving Him An Heir (Filipino)

Giving Him An Heir (Filipino)

Akala ni Donna ay pagiging isang kasambahay lang ang magiging trabaho niya ngunit hindi pala. Kailangan niyang bigyan ng anak ang amo niyang lalaki na si Dave kaya pumayag naman kaagad siya sa kagustuhan nito. Wala siyang ibang choice kundi ang pumayag. Crush niya rin ito. May nobya ito na pakakasalan nito sa mga susunod na buwan ngunit dahil sa hindi na ito puwedeng magbuntis ay nagdesisyon ang nobyo nito na si Dave na gumawa ng paraan upang magkaroon ng anak sila at 'yon nga ang naging desisyon niya—ang makipagsex kay Donna para magkaroon siya ng anak. Hindi naman niya puwedeng hiwalayan ang nobya niya dahil pagagalitan siya ng daddy niya. Habang ginagawa nilang dalawa ni Donna ang bagay na 'yon ay unti-unti silang napapalapit sa isa't isa hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon. 'Pag ba nabigyan na ni Donna ng anak ang lalaking amo niya na si Dave ay tapos na rin ba ang namamagitan sa kanilang 'yon? Paano kung ayaw niya na itigil 'yon? Paano kung ayaw na rin ng lalaking amo niya na si Dave? Paano ang babaeng umaasa na pakakasalan ito? Ano'ng gagawin nila sa resultang 'yon?
Romance
9.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to the Lost Heiress

Married to the Lost Heiress

“Habang patuloy na ipinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko…” Mahirap para sa isang Camilla Torres ang relasyon nila ng kaniyang Boss na si Herald Benedict Fonteverde. Hinahayaan niya kasi ang sarili na alipinin nito sa kama kahit alam ng lahat na kasal ang lalaki. Gusto ng kaniyang isip na makawala, ngunit ayaw ng kaniyang puso. Hanggang sa dumating sa punto na natatakot na siya, hindi para sa sarili kundi dahil sa anak niya. Paano na lang kung magkaisip ito at malaman na ang kaniyang ina ay isang kabit? Magawa kayang isakripisyo ni Camilla ang kaniyang kaligayahan? O magpapatuloy na lang kahit marami siyang maapakan? Paano kung pumabor nga sa kaniya ang kapalaran at sa oras din na dumating iyon ay siyang pagbunyag ng katotohanan na ang buong pagkatao niya ay isang malaking kasinungalingan lamang?
Romance
10714 viewsOngoing
Read
Add to library
Contract and Marriage

Contract and Marriage

Si Sarina ay isang probinsyanang nurse na mas pinili ang maging private nurse dahil na rin sa laki ng sahod kay Maximus Lardizabal. Isang kilalang negosyante sa bansa at playboy na rin. Mayroon siyang kasintahan ngunit mahilig pa rin siya sa babae. Nang maaksidente ito sa ibang bansa at bumalik ng Pilipinas ay bulag na ito at nakatali na sa wheelchair na naging dahilan upang tuluyan na siyang iwan ng kasintahan. Samantalang bigla na lang nag-offer ang binata sa dalaga na hindi mapaniwalaan ni Sarina at mabilis niyang tinanggihan. Ngunit dahil na rin sa pangangailangan ng pamilya niya ay nagbago din ang kanyang isip at pumayag na maging parausan ni Maximus sa loob ng isang taon sa halagang 10 milyon. Ang hindi alam ng dalaga ay may mga iba pang kasunduang kalakip ang kontrata nila at sa pagsasama nila ay malalaman niya ang lihim na itinatago ng binata.
Romance
9.91.6M viewsOngoing
Show Reviews (118)
Read
Add to library
Gracie Ollagan
This story is somewhat very realistic and true to life. The character's role were very intense. You will feel mix emotions while reading as if you are just part of the story looking at these characters right here. I recommend this story as it is full of life and a bit of comedy. Not for young adults
MysterRyght
Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagsuporta. Sana po ay makasama ko po kayo sa aking writing journey. Sa mga likes, comment, gem votes, ratings at lalo po sa gift-share. Sobrang thank you po sa inyo. I will pray na lagi po kayong pagpalain at samahan ng Panginoon sa bawat araw. God bless us!
Read All Reviews
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Arranged Marriage with the Ruthless CEO

Dahil sa kawalang bayag ng kaniyang ama at pang-aapi ng kaniyang madrasta, napilitan si Natalie na magpakasal kay Mateo Garcia, isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa San Jose. Sa araw ng kanilang kasal, natuklasan ng kaniyang asawa na hindi na siya birhen bago pa man sila ikasal, na siyang nagpatibay ng paniniwala nito na isa siyang maduming babae na may magulong buhay. Matapos dalhin ang bata sa loob ng kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan, iniluwal ni Natalie ang kaniyang anak, pinirmahan ang annulment papers na inihain sa kaniya ng kaniyang asawa, at saka naglaho na parang bula. Makalipas ang ilang taon, nagbalik si Natalie sa San Jose kasama ang isang bata. "Mr. Garcia, balita ko ay naghahanap kayo ng personal doctor?" Malugod na pumayag si Mateo. "Tanggap ka na." May bali-balitang kumakalat na walang asawa, ni kalandian si Mr. Garcia. Ngunit para siyang Isang tutang naglalambing sa kaniyang personal doctor at itinuturing ang anak nito, na hindi pa alam kung sino ang tunay na ama, na parang sarili niyang anak.
Romance
8.45.4M viewsOngoing
Show Reviews (1097)
Read
Add to library
Aira Canono
maganda ang kwento kaso humaba na ng humaba dahil sa paikot ikot , naisip ko tuloy si coco martin ang may gawa nito e hehe chariz!...sana malaman na ni mateo ang lahat ng katotohanan lalo na ung sya pala ang ama, at si nat na si mateo ung kasama nya sa golden palace that night, kakaawa na si nat e ...
Jury Badong
hays Sayang Ang oras,, Sayang Ang pera lipat na Tayo sa iba ......... mas exciting pa,,thanks author pero mas mabute pang magpahinga kana pagod kana siguro sa paulit ulit ...‍...️ hays akala kopa Naman exciting tong kwento Kaya na curios akong magbasa pero dyos me!!! ilang taon pa sigurong ila²bs Ang Bata
Read All Reviews
Loving you in Contract

Loving you in Contract

Sachi
Si Danielle Tina Fajardo ay ampon ng mga Fajardo. Sa kabila ng masamang pagtrato ng magulang nito sa papel ay nandyan naman si Madam Anna, ang kanyang lola, na mahal na mahal at tanggap siya kaya kung ituring niya ito ay ang kanyang hero. Ngunit isang araw, bigla na lamang ito namatay na nagpaguho sa mundo ni Danielle. Ang taong tumanggap sa kanya, ang taong nagbigay ng pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang nawala. Paano na ito sa kamay ng kanyang masamang magulang? Ngunit sa araw na rin iyon ay halos gumuho ang mundo nito nang makatanggap ito ng kontrata na iniwan sa kanya ng kanyang lola at isa itong Arrange Marriage Contract! Mas gumuho ang mundo nang malaman na ipapakasal pala ito sa kanyang childhood crush na si Aries Florenzo. Ang the most handsome and most wealthiest man in the Philippines! Naging mag-asawa ito ngunit hindi maramdaman ni Danielle ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman kay Aries kaya isa na lang pag-asa niya, ang malaman ni Aries na magkakaanak na sila. Ngunit bago pa niya sabihin ito ay halos madurog ang kanyang puso nang inabot ni Aries ang divorce paper dahil sa pagdating ng kanyang ex-lover, ang totoong mahal niya. Dahil sa bigo at sakit na idinulot ni Aries kay Danielle ay napagpasyahan nitong umalis at magpakalayo-layo ngunit sa hindi inaasahan, dumating ang isang lalaki na tutulong sa kanya upang magbago ng tuluyan ang kanyang buhay.
Romance
10657 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling to the Virgin Single Mom

Falling to the Virgin Single Mom

Isang malaking aral sa buhay ng isang tao na dapat huwag mong husgahan ang iyong kapwa ayon sa nakikita mo lamang. Kung hindi mo kilala ang kanyang tunay na pagkatao mas maigi kung mananahimik ka at huwag kang magbitaw ng mga nakakasakit na salita. Huwag mainggit sa tagumpay ng iba. Kung nais mo rin na magtagumpay kagaya ng kapwa mo. Isaisip mo na kung kaya niya kakayanin mo rin na pagtagumpayan ang narating niya. Maaaring mabilis ang pag-angat niya dahil mas maabilidad siya kaysa sa'yo. Dahan-dahan ka lang, balang araw may mararating ka rin. Kahit gaano man ka bagal ang lakad ng isang pagong kung dala niya ang kanyang sapat na determinasyon makakarating parin siya sa kanyang paruruunan. Ang pagkakaroon ng matatag, matapang at mapang-unawa na katuwang sa buhay ay isang biyaya ng panginoon. Ako ay matatawag na nagmula sa madilim na nakaraan. Mula sa sirang pamilya, kinamumuhian ang haligi ng tahanan dahil pinagpalit niya kami sa kanyang kabit. Maswerti na rin kami dahil may matapang at matatag kaming ina na nagsumikap para kami ay gabayan. Napakaswerti rin niya ng muling nakatagpo ng kabiyak na handang tumayo bilang aming ama. Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gagayahin ang aking ama. Pinangako kong panindigan ko ang pamilya bubuuhin. Ngunit sa isang kapusokan nakagawa ako ng isang kasalanan na lingid sa aking kaalaman. Tanadhana ng diyos na mapalapit ako sa babae na kapatid ng aking nagawan ng kasalanan. Minsan kong hinusgahan sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naging roller coaster ang buhay pag-ibig namin. Pero sabi nga nila gaano man kalakas ng bagyo at unos sisibol parin ang isang liwanag na magbigay pag-asa na tapos na ang kalamidad.
Romance
8.819.3K viewsOngoing
Read
Add to library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2425262728
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status