Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
595 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as respeto quotes
Read
+Library
CHASING MR.ARROGANT MAYOR

CHASING MR.ARROGANT MAYOR

Si Mayor Lucas Monteverde ay hindi lamang ang pinuno ng buong Occidental Mindoro. Siya rin ang itinuturing na pinakamakapangyarihan, pinakamayaman, at walang duda, ang pinakamayabang na lalaki sa buong lalawigan. Sa kanyang murang edad, hawak niya ang respeto at takot ng bawat mamamayan. Ang bawat hakbang niya ay tila ba pag-aari niya ang bawat pulgada ng lupa, at ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay inaakalang batas. Malamig, seryoso, at napakahirap pakibaguhan—ito ang larawan ng lalaking para sa lahat ay sadyang napakalayo ang agwat. Lahat ay yumuyuko sa kanya. Lahat ay natatakot sa kanya. At lahat ay naniniwalang walang sinuman ang makapagpapabago sa kanya. Lahat, maliban kay Amara Cruz. Matalino, matapang, at puno ng paninindigan—si Amara ay hindi kailanman umatras sa anumang hamon. Mula sa araw na una niyang nakita ang hindi matitinag na Mayor sa gitna ng isang pampublikong okasyon sa bayan, isang bagay ang kanyang napagdesisyunan: gagawin niyang sa kanya lamang ito. Sinasabi ng lahat na siya ay nawawala sa katinuan. Ipinapayo nila sa kanya na huwag na siyang umasa, dahil ang puso ni Mayor Lucas ay tila gawa sa bato. Sinasabi nilang walang puwang ang isang katulad niya sa mundo ng lalaking iyon, at ang paghabol niya ay magdudulot lamang ng kahihiyan sa kanyang sarili. Ngunit hindi nakikinig si Amara. Hindi siya natitinag. Sinusundan niya ang Mayor saanman ito magpunta—mula sa munisipyo, mga proyekto sa kabundukan, mga pagtitipon, hanggang sa mga lugar na akala nito ay ligtas na siya sa abala. Ginagamit niya ang bawat pagkakataon upang kausapin ito, hanggang sa umabot sa puntong sinusubok na niya ang pasensya ng lalaki. Tinatawag niya itong "Aking Mayor" sa paraang nakakagalit dito, habang ang tanging isinasukli naman nito ay mga malamig na tingin, matatalim na salita, at walang humpay na pagtanggi.
89 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as respeto quotes
Read
+Library
THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

THE BILLIONAIRE EX-WIFE:Married A Zillionaire Big Boss

Sa ikatlong taon ng kasal ni Demux at Aimee. Hindi inakala ni Aimee na doon niya malalaman ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang asawa. Sa wakas natuklasan ni Aimee kung sino ang lihim at pinakatagong mistress ni Demux. Hindi na pala kailangan lumayo ni Aimee. Dahil ang babae ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang hipag. Si Bella pala ang babaeng matagal ng hinahanap ni Aimee na siyang nagpapahirap sa pagsasama nilang dalawa. Nang gabing pumanaw ang panganay na kapatid Aimee wala man lang makikita na awa, simpatsa, lungkot at malasakit sa mga mata ni Demux. Kahit pa kitang kita sa asawa nitong si Aimee ang labis na sakit at pangungulila dahil sa pagkawala ng kapatid nito. Mula ng araw na ‘yun prinotektahan ni Demux at Aimee ang asawa ng kanyang kapatid na si Bella sa lahat. Ngunit isang ahas pala ang inaalagaan ni Aimee ng lubos. Dahil sa nalaman ni nais ni Aimee na malaman mula sa dalawa ang totoo, kinausap niya ang mga ito. Nalaman ni Aimee na planado talaga ang lahat. Imbis na kalinawan ang makuha sa paghahanap niya ng katotohanan, sakit at kawalan ng respeto sa kanyang sarili ang kanyang nakuha. Demux proposes an urgent divorce. Dahil wala naman ng nakikitang bukas si Aimee sa lalaki agad niya itong sinang-ayunan. Walang nakuha si Aimee mula sa asawa. But Demux make sure na nakuha niya sa babae ang lahat. Ngunit sa likod ng kabiguan at betrayal na nakuha ni Aimee may isang lalaki ang nag-aabang ng tyempo para makamit na ang pangarap na kaligayahan kasama ang babae. Ang lalaki ay kilalang Big Boss sa business world. And that man named Eleazar Medrano. The man who can make the universe scream in so much fear, sa isang bitaw lang ng salita.
108.9K viewsOngoingAdded to Library 267 Times as respeto quotes
Read
+Library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status