Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Kathnisse Garcia is a club dancer and a waitress since she was 18 years old, nagtrabaho na ito sa murang edad para mabayaran ang pagkakautang ng tatay niyang sugarol. Sa edad niyang 22 ay nakilala niya si Alejandro Vautier, isang bilyonaryo. Binili siya nito sa club at binigyan ng isang kontrata na maging baby maker ng lalaki. Paano kung unti-unti itong nahuhulog sa lalaking hindi makalimutan ang namayapang asawa?
Romance
1071.9K viewsCompleted
Show Reviews (15)
Read
Add to library
Gene Darden
Sobrang ganda ng story.... I can't get over it sobrang nakaka inlove. Ito yong gusto kung story di nakakastress at isa lang ang kontrabida. Kakaenjoy basahin♡♡♡Ang galing mong magkwento Ms. Author sana marami ka pang story na malikha. God bless you♡♡♡ I can give this story a hundred stars(:
top13Arida
Hello po! Since this is my birth month, I am planning to post a special chapter for The Billionaire's Baby Maker. 2 to 5 chapters lang naman ^_^ Naalala ko lang na meron akong nakalimutan na scene. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya ipo-post. Stay safe and dry po. Thank you all!
Read All Reviews
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVING HER HUSBAND|Filipino|

LOVING HER HUSBAND|Filipino|

eleb_heart
Simple lang ang buhay ni Alliyah hanggang sa nakilala niya si Philip Singson a businessmen na may ari ng isang kompanya. Hanggang sa kailangan ni Alliyah na sumugal para sa kompanya ng tiyo niya at si Philip ang solusyon sa problema. "Fill my empty bed..." "Be my lover..." Papayag ba siya sa kasunduan nito upang maisalba ang kompanya ng Tito niya?
Romance
1012.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract marriage (Tagalog)

Contract marriage (Tagalog)

si louisse ay ipinagkasundo sa anak ng kaibigan nang kanyang ama. Subalit Hindi nito kayang pakasal Ang binata.Dahil sa gusto Muna niya makapag- aral at maabot Ang kanyang pangarap. Ngunit sa kanyang pagbabalik.Doon niya mapagtatanto na mahal Pala niya Ang binata. At Ang binata Ang magpapahirap sa kanya.Dahil sa gusto niyang ipadama Ang sakit na kanyang naranasan noong iniwan siya nito.Ngunit sa huli pala ay sila Rin Pala Ang magkakatuluyan NG binata.
Romance
1073.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss

Dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
Romance
1028.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy

Nakakulong sa isang kasal na puno ng takot at kontrol, alam ni Calista "Cali" Montenegro na hindi siya basta-basta makakatakas kay Devin Vasquez—isang lalaking sabik sa kapangyarihan at hinding-hindi siya pakakawalan. Matagal na niyang tinitiis ang kalupitan nito, iniisip na wala na siyang ibang pagpipilian. Pero nang magdesisyon siyang maghain ng diborsyo, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan—hindi siya basta-basta palalayain ni Devin nang walang laban. Doon dumating si Lewis Alcaraz. Mapanlinlang, makapangyarihan, at ang taong pinaka-kinaiinisan ni Devin. Inalok niya si Cali ng proteksyong matagal na niyang hinahanap. Pero ang tulong na ito ay may kapalit—isang kasunduang magdudugtong sa kanilang dalawa sa paraang hindi niya inaasahan. Habang ang takot at galit ni Cali ay tuluyang nagtulak sa kanya na lumaban, natagpuan niya ang sarili sa mas kumplikadong sitwasyon kasama si Lewis. Ngunit sa kabila ng panganib, ang pag-aalaga at kapanatagang ibinibigay nito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa sa pag-ibig. Sa laban ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagtataksil—sino ang pipiliin ni Cali? Ang asawang gagawin ang lahat para maangkin siyang muli, o ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
HUSBAND FOR HIRE (The Luther's Empire Series)

HUSBAND FOR HIRE (The Luther's Empire Series)

Iza Wan
"We have that one rule in business, Lady. At iyon ang makasal ang babaeng tagapagmana bago makuha ang buong kapangyarihang pamahalaan ang kompaniya." Kailangang maikasal ni Infinity bago makuha ang pamamahala sa kompaniya ng kaniyang ama. Subalit paano siyang magpapakasal kung No Boyfriend Since Birth ang peg niya? The answer to her problem is to hire a husband—lalaking papasa para maging kabiyak ng buhay niya. Then this man came from nowhere—lalaking sobrang ingay, na siyang kinaiiritahan niya dahil gusto niya ng tahimik na buhay. Tatanggapin niya ang makasal kahit walang pagmamahal, ngunit hindi kay Teranusjulio 'Ranus' del Prado. Hindi kailanman! For Pete's sake! Ayaw niyang matetano sa lalaking iyon! But does she have a choice? Pipili pa ba siya ng iba kung ang binata na mismo ang nag-aalok sa sarili nito? Afterall, Teranus is a good choice; guwapo, matipuno, at matalino. At higit sa lahat, handa itong sumunod sa lahat ng ipag-uutos niya. Ngunit paano kung ang paglapit nito sa kaniya ay isang malaking palabas lamang pala? Mapapatawad ba niya ang binata sa ginawa nitong pagpapaikot sa puso niya?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Love by Chance (The Billionaire's Forgotten Love)

Conrad Lexus Farris. All he wanted is to skip his toxic life away from the city for a while. Dawn Zelena Augustino. All she wanted is to finish her studies and find a great job to achieve her dreams in life. But when their paths crossed, kapwa nagulo ang payapa nilang buhay. Hindi man maganda ang una nilang pagtatagpo, naging daan naman iyon upang makilala nila ang isa't-isa. But the summer that made their heart extremely happy, was also the summer that made their heart empty. Akala ni Dawn, kaya niyang ibaon sa limot ang lahat. Ngunit paano niya magagawa iyon gayung sa init na kanilang pinagsaluhan, may nabuong sanggol na mag-uugnay sa kanila ng lalaking bigla na lamang siyang iniwan sa ere at naglaho na parang bula? At sa di inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Yun nga lang, hindi siya nito kilala. Malamig at arogante ito makitungo sa kanya na parang hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal niya limang taon na ang nakararaan. Ayaw niya na sanang ipaalala ang masaya at mapusok na pinagsaluhan nila noon. Ayaw niya sanang umeksena sa buhay nito lalo pa't nalalapit na itong ikasal sa ibang babae. Kaso nang makita ni Conrad ang anak niya, di maipagkakaila na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. At ang masaklap pa nito, ang bata mismo ang umamin sa lalaki. "You're my dad right? Mama has many photos of you together and told me a lot of stories about you!" Connor screamed in excitement. Napaawang si Conrad at di makapaniwala sa natuklasan! At nang magtama ang mata nila ng lalaki, alam ni Zele na ito na ang magiging simula ng kalbaryo niya.
Romance
1022.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Bound to the CEO’s Revenge

Bound to the CEO’s Revenge

Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Romance
1060 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status