THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME
Isang gabing hindi inaasahan ang tuluyang nagbago sa buhay ni Janella Caballero. Mula noon, pinili niyang bumangon at baguhin ang sarili—hindi para sa kahit sino, kundi para sa sarili niyang kapayapaan.
Ngunit sa kaniyang pagbabalik, may isang lalaking hindi siya kailanman nakalimot… isang lalaking handang guluhin muli ang mundong pilit niyang inayos.
Sa gitna ng muling pagkikita, muling iigting ang damdaming pilit nilang ikinubli. Pero paano kung may mga taong handang sirain ang anumang meron sila? Kakayanin ba nilang ipaglaban ang isa’t isa, kung sa simula pa lang ay nabuo ang lahat sa isang kasinungalingan?
At sa bawat hakbang palapit sa katotohanan, unti-unting mabubunyag ang mga lihim ng nakaraan—mga lihim na maaaring maglapit… o tuluyang magwasak sa kanila.
Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban… kung ang katotohanan mismo ang susubok sa kanilang dalawa?