Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Walang ibang hinangad si Naya Diaz kundi ang maayos na pagturing sa kanya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang ina. Ngunit tila ba kahit anong gawin niya ay hindi pa rin sapat para sa kanila ang kanyang pagpupursige. Kaya naman nang pilitin siya na makipagkasal sa kaibigan ng kanyang ina na mas matanda sa kanya ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili. Nagpasya siyang lumayas. Nang malaman ni Xavier Iglesias ang nangyaring iyon, ang kanyang boss at ang kanyang long time boyfriend, ay labis ang pagkasuklam at galit nito sa kanila. Sa ilang taong pagsasama nila bilang magnobyo ay pagod na siyang nakikita ang kanyang nobya na nahihirapan dahil sa sarili nitong pamilya. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ayain at ituloy ang kasal na matagal niya nang binabalak para sa kanilang dalawa. Naya agreed to marry him, but there's a condition. Xavier respects her decision. Ngunit kahit na pilitin niya ang kanyang sarili na tanggapin ang kondisyon na iyon ng asawa ay sawa na siya sa pagtatago. Kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon na makaharap ang pamilya ni Naya ay hindi na siya nagdalawang-isip na isakatuparan ang kanyang plano. Kung ang mga taong kinamumuhian niya ang magiging daan upang masabi niya sa lahat ang tungkol sa relasyon nila, kukunin niya ang oportunidad na iyon. He will pursue his plan, even though there's a hundred percent chance that they'll use him for their own benefit.
Romance
9.25.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Lean on me, Daredevil

Lean on me, Daredevil

COMPLETED. WARNING: Mature Contents! Lumaki ng magkasama si Amelia at Kraner ngunit hindi 'yon naging dahilan para maging malapit sila at ituring na kaibigan ang isa't isa. Kulang na lang ata ay magbuga sila ng apoy sa tuwing nagko-cross ang landas nilang dalawa ngunit sa kabila ng ipinapakita nilang pagkadisgusto sa isat' isa ay nakakubli roon ang tototoo nilang nararamdaman. Protect Amelia at all costs. Kraner vowed to his former police partner, Lucas, that he'll protect Amelia but while carrying out his mission, Kraner falls harder for her. The feelings that he's been hiding for years become more evident. *** Isa lang ang misyon ni Amelia at iyon ang hanapin ang pumatay kay Lucas. Hunting criminals became Amelia's hobby for the last 3 years. She faced countless scoundrel for a much bigger catch–her brother's killer. Nang malaman ni Kraner ang ginagawa ni Amelia ay gumawa s'ya ng paraan para pigilan ito. Kraner stole Amelia's notebook that contained all of the information she gathered for the last 3 years regarding the alleged perpetrator who killed Lucas.
Romance
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
One Night Mistake with a Billionaire

One Night Mistake with a Billionaire

“ANO!? SIRA ULO!? Hindi mo ba kilala kung sino ang magiging ka-One Night Stand mo?” “Hindi eh, kasi ang nag schedule ng aking One Night Stand ay kaibigan ko at ang sabi nya lang sa akin ay may babae na papasok sa aking room number at yun ang magiging ka-One Night Stand ko… At ikaw ang pumasok sa aking room number.” Si Rogelyn ay isang babae na pinanganak ng mahirap at ang kanyang Mama na nag-ngangalang Rose ay nagkaroon ng comatose saka matagal ng patay ang kanyang Papa. Nung 20th birthday ni Rogelyn ay kanyang nahuli ang kanyang BF na may kasiping na ibang babae kaya sya ay naglasing at pumunta sa isang hotel. Sa hotel room na napasukan ni Rogelyn ay may hindi ina-asahang nangyari sapagkat isang binata na nag-ngangalang Sean ang sumiping sa kanya. Walang nagawa si Rogelyn kundi kalimutan ang nangyari sa kanila ni Sean. Isang araw, isang babae na nag-ngangalang Sarah ang nagbigay ng offer kay Rogelyn upang maging personal assistant para sa kanyang anak at ang kapalit nito ay si Sarah mismo ang magbabayad sa lahat ng bayarin sa Private Hospital. Tinangggap ni Rogelyn ang offer ngunit ang anak pala ni Sarah ay si Sean. Si Sean ay may fiance na nag-ngangalang Cyrell at sya rin ang babae na simuping sa bf ni Rogelyn. Sa pag-tra-trabaho ni Rogelyn bilang personal assistant para kay Sean ay nagkaroon sila sa isat-isa ng pa-unti-unting pagmamahal. Ngunit kaya ba nila Rogelyn at Sean ipaglaban hanggang sa wakas ang pag-ibig na nabubuo sa kanila.
Romance
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
His Inevitable Obsession

His Inevitable Obsession

AtengKadiwa
Wala ng mahihiling pa si Candice Gonzales, dahil sa kaniya na lahat. Subalit isang araw, kinausap siya ng kaniyang magulang na ipapakasal siya sa anak na lalaki ng kaibigan ng kaniyang ina. Hindi iyon nagustuhan ni Candice Gonzales, lalo at may kasintahan siya! Pero hindi niya akalain na ang lalaking ipapakasal sa kaniya ay ang antipatikong lalaki na nakabangga sa sasakyan niya at humalik sa kaniya. Pero, pumayag din siya magpakasal. Dahil ba iyon sa halik na pinagsaluhan nila na nagdala sa kaniya sa alapaap kaya siya pumayag?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire's Bridesmaid

Billionaire's Bridesmaid

Magkaibang magkaiba ang mundong kinalakihan at ginagalawan ni Sofia at Catherine. Sa panahon ng kanilang kabataan ay madalas si Sofia ang naging tagapagtanggol at taga salba ni Catherine makaraos lamang ng pagaaral. Matalik silang magkaibigan at halos magkahawig. May bulong bulungan nga na sila ay magkamaganak pero ayaw iyong bigyan ng pansin ni Sofia dahil mataas ang tingin nito sa sarili. Samantalang si Catherine naman ay idolo ang matalik na kaibigan. Matagal na nagkahiwalay ang dalawa matapos ang high school dahil napilitan na si Catherine maghanap buhay dahil wala ng pangtostos sa koliheyo. Baon na siya ng utang at utang na loob kay Sofia. Hanggang isang hapon isang pakiusap ang hiningi ni Sofia kay Catherine at dahil baon sa utang at utang na loob walang paraan para makatanggi ang dalaga. Pinangakuan pa siya ng kabigan na tutulungang makabili ng mga binhi sa bukid at sa palayan ang magulang kapag sumunod siya kaya lalong nahirapan si Catherine na tumanggi. Ang pakiusap kase ng kaibigan ay siya ang magpanggap na si Sofia sa araw ng kasal nito at hindi lamang iyon. Mananatili siyang asawa ng lalaki sa loob ng anim na buwan.
Romance
1015.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Memory Forest

Memory Forest

Si Kyle Joseph Alonzo ay isang pet lover at isang manlalakbay kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit sa kanyang paglalakad, naligaw siya sa gitna ng kagubatan at napahiwalay sa kanyang mga kasama. Sa kalagitnaan ng kanyang pangamba dahil siya ay nag-iisa na lang ay nakasalubong niya ang isang babae na nababalot ng kulay puting damit. Sila ay nagkagulatan kaya napatulog siya nito at nang muli siyang magising ay iba na ang kanyang kapaligiran at tila siya ay napunta sa isang lugar na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya.
Fantasy
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Mukha ng Pag-Ibig

Ang Mukha ng Pag-Ibig

Maria Angela Gonzales
Nang iwanan si Zak Zapanta ng asawa niyang si Irene, isinumpa niyang hindi na siya maniniwala at magtitiwala sa kahit na sinong babae pero, bakit kinain niya ang kanyang sinabi ng makita niya si Candelaria Ynares, ang asawa ng kanyang kaibigan? At bakit nakikita niya rito si Irene gayung ibang-iba naman ang hitsura nito sa kanyang ex?
Romance
5.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Alexaiver Martinez: My boss My secret Lover

Lahat ay kayang gawin ni Chartlotte Fuentes, na kahit sariling katawan ay kaya n'yang ibenta, para lamang gumaling ang kanyang inang may sakit na leukemia. Kasama na roon ang alok ni Alexaiver Martinez. Nagkrus ang landas nila ni Alexaiver Martinez sa kinuha n'yang raket na stag party ng kaibigan ni Alexaiver na ikakasal. Inalok siya ng binata maging personal assistant at sa condo ni Alexaiver siya titira. Purely lust, no string attached. No love. Bawal din malaman ng ibang tao. Kahit magulang pa ng binata at magulang ni Chartlotte. In short, lihim na relasyon lamang ang gusto ng binata. Subalit sa tagal nilang nagsama ni Alexaiver, hindi napigilan ni Chartlotte mahulog at umibig sa binata. Sino nga ba ang hindi maiinlove rito? Siya lang naman si Alexaiver Martinez, the elusive and most handsome in showbiz entertainment industry. Isa sa anak ng business tycoon na nagmamay-ari ng isa sa sikat na TV station ng bansa. Kaya nagpasya si Chartlotte na iwanan ang binata kahit na ito ang magiging dahilan ng kabiguan niya.
Romance
1021.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Fiancee

The Billionaire's Fiancee

Mahal na mahal ni Hannah si Jared. Sampung taon na silang magkasintahan at ikakasal na, pero may ibang pakiramdam si Hannah sa kanyang fiancee. Pakiramdam niya ay m ay iba na ito kaya malamig na ang pakikitungo ni Jared sa kanya. Lalo pa siyang nag-isip nang makilala niya si Jane, ang buntis na kaibigan ni Jared.
Romance
9.612.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Boy Best Friend

My Billionaire Boy Best Friend

Isang masayahin at palakaibigan na dalaga si Bella. Matalik niyang kaibigan na lalaki si Vin simula pagkabata. Magkapitbahay lamang sila at madalas na magkasundo sa lahat ng bagay. Naging magkaklase sila ni Vin simula elementarya hanggang high school. Sobrang close nila sa isa't isa kaya madalas silang magkasama. Ngunit pagdating ng college ay kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bella na nagmula si Vin sa mayamang pamilya kaya hindi na sya nagtaka nung kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Lumipas pa ang mga taon ay bumalik na si Vin sa Pilipinas at nalaman eto ni Bella. Nang magkrus ang kanilang landas ay nagtaka si Bella kung bakit parang iba ang pakikitungo ni Vin sa kanya at madalas ay iniiwasan pa nga siya. Doon na nalaman ni Bella na may nararamdaman na pala si Vin sa kanya. Higit pa sa matalik na magkaibigan. Sobra ang tuwang nadama ni Bella dahil napagtanto nyang mahal na rin nya ang binata. Ngunit isang araw ay napalitan ng lungkot ang saya na nadarama ni Bella nang makita nya si Vin na may kasamang ibang babae, si Nicole, at napag-alaman nyang ikakasal na ang mga eto. Labis na nasaktan si Bella. Akala nya kasi ay si Vin na ang nakalaan para sa kanya pero may ibang plano pala ang tadhana para sa kanila. Magagawa pa kayang ipaglaban ni Bella ang pagmamahal nya kay Vin? O hahayaan na lamang nya etong magpakasal sa ibang babae.
Romance
9.340.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status