Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Chasing Storms

Chasing Storms

PanitikANNA
Paano kung ang dating hinahabol ay siya na ang naghahabol? Ganito ang sitwasyon ni Alissa Mercado o Ali, isang training manager. Head over heels siya kay Leighton Correa, ang basista ng bandang Poison Ivy. Naging mapusok siya sa binata na may nangyari sa kanila nang dalawang beses. Huminto ang kanyang obsesyon nang nagtapat siya sa binata at siya'y ni-reject. Dito tuluyang tumigil ang kanyang kahibangan at sinabing itigil na ang kanilang ugnayan. Sa kanyang pagsisimula, nagdadalang-tao ito. Dahil sa nangyari, tinago niya ito kay Leighton at hindi na nagpakita. Tila mapaglaro ang tadhana. Nagkrus ang landas nila anim na taon nang nakalipas. Ang dating hinabol ay siya na ang naghahabol. Makuha kaya ni Leighton ang puso ni Ali na tinawag niyang bagyo sa kanyang nirvana?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Manang at Pikon ( Filipino )

Manang at Pikon ( Filipino )

Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully. Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin. Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan. Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya. Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang. Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa? Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito? Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
YA/TEEN
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?
Romance
779 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secrecy of Mr. Walton

The Secrecy of Mr. Walton

heartbutterfly
Si Clark Walton ay Pangalawang anak ng Walton Family, pinalayas sa takot na maagawan ng posisyon ang panganay na Anak ng pamilya walton na paborito ng kanyang lola. May tawag mula sa kanyang cellphone ang kanang kamay ng pamilya Walton na si Warren. "Young Master Clark" Kailangan mo bumalik sa mansyon ang iyong ama ay nasa Hospital na may malubhang sakit, at iyong panganay na kapatid na si Jared ay nakakulong. Wala ng ibang Magpapatakbo ng negosyo ng Pamilya Walton kundi ikaw. "Young Master Clark nakikiusap ang iyong lola na bumalik kana sa Forbes Mansion"
Urban
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
GAME OF LOVE: Olivia Reid

GAME OF LOVE: Olivia Reid

"I don't do love. Ang pag-ibig ay tanda ng kahinaan. At hindi ako mahina. I am Olivia Reid!" Siya si Olivia Ried, palaban at mala-diyosa ang angking kagandahan; Kinaiinggitan ng mga kababaihan, kinababaliwan ng mga kalalakihan. Ngunit sa likod ng kanyang tapang at ganda ay may isang nakaraang pilit nyang tinatakasan. Ang nakaraan niyang iyon ang dahilan kung bakit isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig kahit na kailan. Kaya naman kahit na marami ang nahuhumaling sa kanya, binabasted lamang niya ang mga ito. Ngunit isang lalaki ang mukhang hindi tinatalaban sa taglay niyang ganda. Si Gabriel Craig na umpisa pa lang ay halata na ang pagkadisgusto sa kanya. At isang malakas na sampal iyon sa pride ni Olivia Reid. Kaya ang plano niya:: Paibigin si Gabriel Craig at pagkatapos ay iwanang luhaan! Ngunit hawak ni Gabriel ang alas tungkol sa tunay niyang pagkatao. At iyon ang ginagamit nitong panakot para maging sunod-sunuran siya sa bawat naisin nito. Pero gaya nga ng mantra niya sa buhay; She is Olivia Reid. Matalino, madiskarte at hindi palulupig. Sa labanan ng talino at patusuhan, sino ang magwawagi? Si Olivia Reid na ginagamit ang taglay na kagandahan para makuha ang lahat ng gusto sa buhay? O si Gabriel Craig na nakakaalam ng kanyang kahinaan?
Romance
1026.7K viewsCompleted
Read
Add to library
HOT BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

HOT BILLIONAIRE'S CONTRACTED WIFE

Arielle Sarmiento was supposed to marry her long-time boyfriend, Lucas De Leon, but he didn’t show up on their wedding day. And the most painful part? She caught him in bed with her best friend, Bianca Yllana. Walang ibang nagawa si Arielle kundi magpakalasing sa bar. Doon niya nakilala ang isang lalaking estranghero. Silas Ferrell. Siya mismo ang nagyaya ng one-night stand dahil gusto niyang makaganti at gusto niyang makalimot. Silas didn’t hold back. They shared a night of heat, desire, and reckless abandon. That night, she gave him everything... pati ang pagkabirhen niya. Kinabukasan ay umalis siya sa condo ni Silas nang walang paalam. Pero pagpasok niya sa bago niyang trabaho, isang gulat ang bumungad sa kanya. Ang lalaking naka-one-night stand niya ay ang boss niya—si Silas Ferrell. Sa parehong araw, dumaing ang mundo niya. Ang ama niya ay na-diagnose ng congestive heart failure, at kailangan ng emergency surgery. Malaking halaga ang kailangang ilaan. Agad. Doon siya inalok ni Silas ng sampung milyong piso, kapalit ng kasal. Tinanggap niya ang alok dahil kailangan niya ng pera. Pumirma siya sa kontrata nang hindi binabasa. Ikinasal sila sa huwes. Pero nang mabasa niya ang kontrata sa bandang huli, natigilan siya. Walong buwang pagsasama bilang mag-asawa. May walong buwan din siyang obligasyon sa kama. Pero paano kung may mabuo sa pagitan nila? Paano kung mabuntis siya? Tatanggapin ba ni Silas ang bata, kung simula’t simula pa lang ay katawan lang niya ang habol nito, at malinaw sa kontrata na hindi siya puwedeng mabuntis?
Romance
337 viewsOngoing
Read
Add to library
TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART

Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
Romance
102.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Cold Boss, My Secret Husband

My Cold Boss, My Secret Husband

Sa mata ng lahat, isa lang akong ordinaryong secretary na walang halaga sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Tahimik akong gumagalaw sa opisina habang pinapanood ang mga kasamahan kong halos sambahin ang malamig, makapangyarihan, at walang pusong CEO—si Evander de la Cruz. Para sa kanila, siya ang lalaking hindi kailanman bababa sa antas ng isang tulad ko. Pero ang hindi nila alam… asawa ko siya. Isang taon na mula nang ikasal kami nang palihim. Sa harap ng lahat, ako’y parang alipin lang ng trabaho, at siya nama’y boss na ni hindi ako pinapansin. Pero sa likod ng saradong pintuan ng kanyang opisina, nagbabago ang lahat. Doon, siya ang lalaking sabik sa aking haplos, handang lumuhod para lamang maramdaman ang init ng aking pagmamahal. Pinili kong itago ang aming kasal upang patunayan na kaya kong magsikap gamit ang sarili kong pangalan. Ngunit habang tumatagal, mas nagiging lantad ang pag-aangkin ni Evander—at mas nagiging mapanganib ang mundo sa paligid namin. Lalo na nang magsimulang gumalaw si Clarisse Montenegro, ang ambisyosang team leader na gagawin ang lahat para siraan ako at mapasakanya si Evander. At mas lalong lumala ang lahat nang pumasok sa eksena si Alessandro Cortez, ang tuso at mapanganib na CEO ng partner company na nahulog sa akin at handang gamitin ang negosyo para agawin ako mula kay Evander. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at laban sa kapangyarihan, isa lang ang malinaw: kapag ang malamig na CEO ay umibig, hindi siya uurong sa digmaan. At ako ang dahilan ng digmaang iyon.
Romance
10394 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10273 viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
10867 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status