LOGINIsang pirma. Isang apelyido. Isang kasunduang tuluyang babago sa buhay ni Celestine Ramirez. Walang kaalam-alam sa galaw ng mga makapangyarihang tao, napilitang pumayag si Celestine sa isang kasal na hindi niya ginusto—isang papel na dapat sanang gampanan ng kapatid niyang tumakas sa responsibilidad. Ang lalaking pinakasalan niya? Si Lucas Arguelles Sevllia. CEO ng Arguelles Holdings. Kilalang malamig, walang puso, at kayang pabagsakin ang sinumang hindi sumunod sa kanya. Akala ni Celestine, tatlong buwan lang ang lahat—hanggang makansela ang kontrata. Pero paano kung ang lalaking walang pakialam ay unti-unting nagiging protektibo, mapagmasid, at... mapagmahal? At paano kung sa likod ng tahimik nitong pagkilos, ay ang matagal nang lihim—na hindi aksidente ang pagkakapili sa kanya? "Hangga’t dala mo ang apelyido ko, akin ka," bulong ni Locas sa kanyang tainga. "At hindi ko hayaan na maagaw ka ninuman." Pero sa mundong puno ng lihim, kasinungalingan, at makakalaya pa ba siya sa isang pangalang hindi niya pinili… ngunit minahal na niya?
View More**KABANATA 25Isang Umagang May Pangako**Kinabukasan, nagising ako na may bahagyang ngiti sa aking mga labi.Hindi ko man namamalayan, pero parang may liwanag na dala ang umaga—hindi lang dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng kurtina, kundi dahil sa mga alaala ng kagabi na paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.Ang mga halik ni Lucas.Ang mga yakap niya.At ang mga salitang binitiwan niya na simple pero tumimo sa puso ko.Marahan akong bumangon mula sa kama, maingat upang hindi magising si Lucas. Ngunit nang bumaling ako sa kabilang panig, napansin kong wala na siya roon. Bahagya akong napangiti—tila sanay na akong hanapin ang presensiya niya tuwing umaga.Pumasok ako sa banyo upang mag-ayos.Habang dahan-dahan akong naghihilamos at nagsisimulang maglagay ng kaunting makeup, napatingin ako sa sarili ko sa salamin. May kakaiba sa repleksiyon ko—isang ningning sa mga mata, isang ngiting hindi ko mapigilan kahit hindi ko sinasadya.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ito n
KABANATA 24 Paglabas ko ng banyo, hindi ko na mahagilap si Lucas. Wala na ito sa ibabaw ng kama.“Hmm… nasaan kaya siya?” bulong ko sa sarili habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya.Umupo ako sa harap ng salamin upang suklayin ang aking buhok. Tahimik ang silid, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.Ngunit napatigil ako sa pagsusuklay nang makita ko, sa repleksyon ng salamin, si Lucas na papalapit mula sa veranda ng aming silid.Hindi ko alam kung bakit tila naging eslomostion ang lakad nito at para kung ano nararamdaman ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. May kung anong bigat sa mga mata niya hindi galit, hindi rin malamig malamlam ang titig niya tila may gusto sa bihin.Lumapit siya sa aking likuran at marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Hmm,” sambit niya. “Ang bango naman ng misis ko.”Napahagikgik ako nang mahina dahil sa dampi ng maliit niyang balbas sa leeg ko.“Lucas nakikiliti ako sa balbas mo,” sambit ko habang inilalayo ko
Kabanata 23“Ayos ka lang ba talaga?”Marahan ang boses ni Regina habang inalalayan niya akong maupo sa mahabang bench sa gilid ng court. Ramdam ko pa ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa adrenaline na dahan-dahang humuhupa mula sa katawan ko.Katatapos lang ng interview sa akin ng reporter. Naka-off na ang mga ilaw ng camera, at ang kaninang nakakasilaw na spotlight ay napalitan na ng mapurol na ilaw ng arena. Unti-unti nang humihina ang ingay sa paligid. Ang malakas na sigawan at palakpakan ng libo-libong manonood ay napalitan ng mabababang usapan ng mga staff, ng kaluskos ng mga kagamitang nililigpit, at ng paulit-ulit na yabag ng mga taong palabas na ng venue.Ako ang tinanghal na VIP Player of the Night.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyari.“Oo, ayos lang ako,” tugon ko, pilit na nakangiti habang pinupunasan ang pawis na patuloy pa ring bumabagsak mula sa aking noo.Napabuntong-hininga
KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.