Alipin Ng Tukso
“Paing, ‘yon talaga ‘yon. Kumbaga, pinagte-training nila tayo para makatagal tayo sa laban. Kapag kasi napapalaban siya, tayo ang una niyang ibabalandara. Para tayo ang unang mamamatay, ganoon.”
“Gets ko na.”
“Saka, hindi mo ba naisip na kahit wala ka pang alam sa pakikipaglaban ay kinuha ka agad? Si Nolan kasi, basta malaki ang katawan at matangkad, kinukuha na niya agad para mabilis siyang nakakapagtago sa likod para hindi siya ang unang mamatay. Ikaw, gaya mo, kaya ka niya kinuha ay dahil matangkad at malaki ang katawan mo. Shield lang talaga ang habol niya sa atin, ‘yon lang ‘yun. Handa siyang bumayad ng malaki para sa atin dahil buhay niya ang nakataya sa bawal laban na magaganap sa buh
Hot Chapters