HENDRIX LOVE
Si Hendrix Montenegro ay isang demonyong nagtatago sa katawan ng isang guwapong Business Tycoon. Bilang Mafia Boss, wala siyang sinasanto. Para sa kanya, ang pag-ibig ay isang malaking basura at kahinaan na sisira lang sa kanyang imperyo.
Pero nagbago ang lahat nang isang gabi, sugatan at halos mamatay na si Hendrix sa isang engkwentro. Sa madilim na parte ng eskinita, isang babaeng may mukha ng isang anghel ang sumagip sa kanya. Siya ang naging tanging ilaw sa madilim at madugong mundo ni Hendrix.
Hindi alam ng lahat, si Hendrix na kinatatakutan ng mundo ay unti-unting nababaliw sa pag-ibig sa babaeng ito. He will do everything to keep her, even if it means burning the whole world down just to see her smile.
Ngunit sa likod ng mala-anghel na mukha ng babae ay may isang madilim at masakit na nakaraan. Biktima siya ng sarili niyang ama—ang taong dapat sana ay nagprotekta sa kanya pero siya pang gumahasa at sumira sa kanyang pagkatao.
Ngayong nalaman na ni Hendrix ang sikretong ito, hindi lang basta pag-ibig ang nararamdaman niya. It is now a deadly obsession.
Hahayaan ba ni Hendrix na ang nakaraan ang sumira sa "ilaw" ng buhay niya? O ipapakita niya sa ama ng babae kung gaano kalupit maghiganti ang isang demonyong natutong magmahal?