Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Wrong becomes Mr. Right

Mr. Wrong becomes Mr. Right

YNAH MENDOZA
"Willing to wait and still hoping na makilala si Mr. Right! kahit na trenta anyos na ako ay hindi ako kinakabahan na hindi makapag-asawa! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may inilaan si Lord sa akin hindi ba?" ALYANNA Paano mo masasabi kung ang isang lalake ay ang siyang nakatadhana para sa iyo? Ito ang ang palaging tanong ng marami, pero sa katauhan ni Aya na isang probinsiya at hindi hinahanap ang pag-ibig ay bigla na lang itong nanghina ng makita ang isang lalakeng inakala nitong dayo sa lugar nila. Ito ay si Marcus Napoleon, ang anak ng gobernor sa Ilocos Sur. Isang modulo sa Manila na napilitan lang umuwi ng Ilocus Sur dahil sa pakiusap ng ama nito. Pero hindi nito inakala na sa pag-uwi muli nito ay makilala nito si Aya Ramos. Maganda at simpleng dalaga pero brusko ang dating. Hindi maganda ang pagkikita ng dalawa ng sa unang beses na magtagpo ang mga landas ng mga ito ay parang mga aso't pusa ang dalawa. Pero sa muling pagkikita ni Marcus at Aya ay biglang maiiba ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng spark at liwanag ang paligid ni Aya na hindi nito maintindihan sa tuwing makikita nitong nakakatitig dito si Marcus. Ito na kaya ang pinakahihintay na pag-ibig ng dalaga o mag-iiwan lang ito ng isang masakit na alala sa buhay ni Aya? Sabay-sabay nating abangan ang kuwento ni Marcus at Aya, at kung paanong ang isang tao na inakala mong mali para sa iyo ay magiging siyang pinaka tamang tao na inilaan ng Diyos sayo.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

INDAY AND HER LEGENDARY PANTY

Mapili si Patrick Santiban sa babae. Dapat may breeding, mahinhin, etiquette, hindi malakas tatawa, hindi magaslaw, elegante at lalong hindi easy to get. Tumama naman s'ya sa huli. Ngunit sa lahat ng ayaw n'ya ay ang pagiging hindi easy to get lang ang nakuha ng dalagang si Inday. Si Melanie, o mas kilala sa palayaw na Inday. S'ya ng gusto ng mga magulang ni Patrick para maging asawa nito. Niligtas ng magulang ni Inday ang ina ni Patrick mula sa kamatayan, at halos mag buwis ng buhay ang magulang n'ya. Sa galak at awa narin sa dalawang matanda ay inalok sila ng magulang ni Patrick, at iyon nga ay ang nakatakdang pag pa-pakasal sa dalaga upang mabigyan ito nang magandang kinabukasan ng kanilang anak. Masagana sa lahat ng bagay ang binata. Ngunit mahirap itong pakisamahan, malupit ito lalo na sa taong hindi niya gusto. Baon ang pangarap, pangaral at ang tatlong legendary panty n'ya na pinag lumaan na ng panahon. Gagawin ni Inday ang makakaya n'ya para pakisamahan si Patrick, na kahit butas-butas man ang panty n'ya at wala ng garter. Sinisiguro niya na mai-inlove parin sakaniya si Mr. Patrick Santiban.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Zara Luxx The Daughter

Zara Luxx The Daughter

Lahat ng lugar na nagamit sa kwentong ito ay kathang isip lang ng writer kung meron man kapareho ng mga pangalan ng lugar sa Pilipinas ay para bigyan lang ng sense of direction at reyalidad ang mga kwento sa nobelang ito. Ang mga pangalan ng mga tao ay parehong valing lang sa imaginatio ng author. Kinidnap ng hindi nakikilalang mga tao ng siya ay 1 year old pa. After 17 years nagbalik siya na isang maganda at masayahing dalaga na hindi kumpleto ang memorya. Nakabalik nga siya sa kanila ngunit meron na silang Prinsesa. Si Kendra naging adopted ng kanyang mga magulang na si Henry at Maritoni Luxx isa sa pinakamayaman pamilya sa buong Taguig City. Meron siyang Tatlong kapatid na lalaki si Arn, Jims and Zeke. Si Arn ay isang Doctor specializing in Medical Biology and Mental Energy, si Jims naman ay isang Engineer na mahilig sa mga cars at si Zeke ay isang Business Management Student sa De La Salle University sa Manila, at ang kanilang kapatid na babae ay si Kendra na ngayon ay grumadyet na ng Senior High at papasok na ng university at plano niya na doon sa school ng kanyang kapatid na si Zeke. Dahil sa selos ay binubully ni Kendra palagi si Zara pero most of the time ay si Kendra ang nailalim always sa hindi magandang sitwasyon. Kakayanin kaya niya mabuhay kasama ang kanyang mga magulang at mga kapatid including si kendra who happens to be the Princess of the Luxx family? Tunghayan ang buhay ni Zara Luxx habang kasama niya ang pamilya niya
Romance
10506 viewsOngoing
Read
Add to library
PLEASE HUSBAND,  LET ME GO

PLEASE HUSBAND, LET ME GO

Dahil sa isang pangyayari, napilitan si Aiden Moss Buenavista na pakasalan si Kate Alicia Maristela lalo pa at dinadala nito ang bunga ng isang gabing para sa kanya ay isang pagkakamali. Hindi maganda ang naging trato niya dito at nakuha pa niyang makipagrelasyon kay Charlene. Kinaya ni Kate na magtiis hanggang sa dumating na siya sa hangganan kaya nag-file na siya ng annulment para maging malaya na siya and at the same time, giving up her rights for their daughter Pauleen. Umalis siya ng bansa but when she came back, doon niya nalaman na hindi pa sila hiwalay ni Aiden at hinihintay nito ang kanyang pagbabalik.
Romance
1030.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Stepbrother’s Deception

My Billionaire Stepbrother’s Deception

"Sa ayaw at sa gusto mo, sa 'kin ka, kung ayaw mong masira ang dignidad ng pamilyang 'to." --- Pakiramdam ni Senra Lazurel ay nag-iisa na lamang siya sa mundo dahil hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isa siyang stripper sa kilalang club at doon din ay nakilala niya ang taong hindi niya inaasahan... Si Ivran Moredad. Si Ivran ay isang binatang bilyonaryo na nais angkinin ang dalaga, ngunit hindi magiging maganda sa paningin ng tao dahil ito pala ang kaniyang magiging stepsister. Dahil sa pagkahumaling sa dalaga, isang supling ang naging mitsa ng dignidad sa kanilang pamilya. Makakalaya ba sila sa mala-presong lihim na ito?
Romance
10253 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)

The Mafia Boss Pretending Wife (TagLish)

Nagbago ang buhay ni Elaine Natividad ng makilala niya si Louis Montemayor — a hot and handsome mafia boss. Para mabayaran ang utang na nangyari sa pagitan ng kanilang mga magulang ay nakatakda silang ikasal. Hindi naman tumutol si Elaine dahil maganda ang pinapakita sa kanya ng binata pero bigla na lamang ito nagbago. Louis still loves his first love, and they just need to pretend and have a child to get his inheritance. And, there’s a deep reason why Elaine Natividad is entangled with the mafia organization. A use, that’s why, Louis needs her. Pipiliin niya kayang manatili sa tabi nito o aalamin niya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao?
Romance
9.639.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Secretary Owns Me (Tagalog)

My Secretary Owns Me (Tagalog)

Si Kendra Buenavidez ay maganda, simple, masipag, matalino, madiskarte at mapagmahal sa pamilya. Ganyan inilarawan ng magulang ang sekretarya sa kanya. Hindi naman siya interesado dahil may nobya na siya. Pero hindi niya akalaing mai-inlove agad siya sa unang pagtatagpo. Unang pagkikita pa lang nila ng sekretarya ay nagkaroon agad ng apoy sa pagitan nila. Apoy na hindi na niya kayang iwasan. Pero kahit ganon, pilit niya pa ring tinatatak sa isip na mas mahal niya si Darlene, pero bakit ganon, iba ang sinasabi ng puso niya. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan niyang pumilli. Sa pagitan ng nobya at ng dalaga...
Romance
10345.7K viewsCompleted
Show Reviews (76)
Read
Add to library
Cheryl Muzones Nafuar
Bakit ganun walang closure yung kay Dave and Kirsten..pati yung kay Zyke and Diane..I mean di sila yung main characters pero sana may closure katulad nung main characters..anyare sa fiance ni Zyke, nagkatuluyan ba talaga sila eh bakit ganun sya umasta nung kasama ni Diane si Councilor?!..
Phaulyn M. Romano
Unang beses akong na Inlove sa story literally unang pangungusap palang kuhang kuha na ko,ni kendra dun ako nag bitaw ng salita sa isip i wont stop following this author until she decided na tumigil she's worth to follow and read her stories mahusay na manunulat at mahusay makibagay sa lhat, .........
Read All Reviews
HE IS OLDER THAN ME

HE IS OLDER THAN ME

Si Annie ay isang 16 years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang Papa. Na siyang binabantayan naman ng kanyang Kuyang si Edmon. Bagamat hindi naging maganda ang simula nang kanilang pagkikita ay nakadama parin siya ng kakaiba para sa binata. Sa hindi nila inaasahang pangyayari ay natagpuan si Annie sa silid mismo ni Dave sa mismong hotel kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magdudugtong pala sa kanilang mga puso at buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutuhan kaya nilang aminin ang mga damdaming nakatago sa kanilang mga puso? Magawa kayang ibigin at mahalin ni Annie si Dave kahit na ito ay mas matanda sa kanya ng labing anim na taon? Maamin naman kaya ni Dave ang tunay niyang damdamin para sa dalagang noon pa pala niya minamahal?
Romance
1071.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status