MY SECRET CRUSH IS A BILLIONAIRE
Si Bonita Georgina Martinez aka Borge ay isang scholar student sa High East International University at nagmula sa probinsiya ng cebu. Dahil panganay sa pitong magkakapatid at nagmula sa mahirap na pamilya ay nagsumikap siya. Bukod sa pagiging scholar ay working student din siya. Para makapag- padala ng pera sa kanyang mga magulang at makatulong sa mga ito. Minsan din ay sumasali siya sa mga beauty pageant para may ipangdadag sa kanyang mga pambili ng mga projects. Morena beauty, matangkad at matalino. Dahil sa nag- iisa lang siya sa maynila ay wala siyang masyadong kakilala kundi ang kanyang mga professor at mga kaklase. Dahil sa kapabayaan ng isang tenant ng kanyang bording house na inuupahan ay nasunog ang kanyang tinutuluyan. Kaya naman nang malaman ng isa sa kanyang professor na si Mrs. Trina Cruz ang kanyang sitwasyon ay inalok siya nitong tumira muna sa kanyang bahay dahil wala naman daw siyang kasama sa bahay. Dahil ang kanyang mga anak ay sa condo unit nakatira. Pero hindi niya naman aakalain na ang isang anak nito ay isang sikat na celebrity ng bansa at ang kanyang ultimate happy crush! At nakilala niya ng personal si Kristoff Dale Cruz aka Toffy Cruz ang kilabot ng mga kolehiyala dahil sa galing nitong kumanta at umarte sa harap ng camera. Modelo at endorser ng iba’t – ibang mga sikat na produkto sa bansa. Dahil sa isang kontrobersiyal na kinasangkutan nito ay nagpahinga muna ang binata sa showbiz at maninirahan kasama ang kanyang ina.
Matatagalan kaya ni Borge na tumira sa bahay ng kanyang professor kasama ang kanyang ultimate happy crush…??? Paano kung ma- inlove sa kanya ang isa Toffy Cruz??? Paano niya haharapin ang mga fans ng loveteam nito na magiging bashers niya?....