Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi

The CEO’s Secret Heir: Ang Lihim ng Isang Gabi

Warning: Contains steamy scenes and emotional rollercoaster rides. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang lihim na hindi habambuhay na maitatago. Limang taon na ang nakararaan, nagpadala si Mia sa init ng isang gabi sa piling ng estrangherong si Gabriel Altamirano. Kinaumagahan, tumakas siya dala ang isang sikreto: ang bunga ng kanilang pagnanasa. Sa loob ng limang taon, namuhay si Mia nang tahimik bilang isang single mother sa anak nilang si Gabby. Sinikap niyang burahin si Gabriel sa kanyang alaala. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila. At nang makita ng ruthless billionaire ang batang kamukhang-kamukha nito, sumabog ang galit at pagdududa. Hinarap ni Gabriel si Mia dala ang isang malamig na ultimatum: "Be my wife on paper, or you will never see our son again." Walang pagpipilian, pinasok ni Mia ang isang contract marriage. Mula sa simpleng buhay, natagpuan niya ang sarili sa marangyang penthouse ng bilyonaryo, nakakulong sa piling ng lalaking galit sa kanya pero tila obsessed sa bawat galaw niya. Sa likod ng saradong pinto ng Master's Bedroom, ang kanilang kasunduan ay magiging laro ng apoy. Ang galit ay magiging pagnanasa. Ang sumbat ay mapapalitan ng mainit na mga halik. Pero paano kung bumalik ang nakaraan para sirain sila? At paano kung marealize ni Gabriel na hindi lang ang anak ang gusto niyang angkinin... kundi pati na ang puso ng inang pilit siyang tinatakbuhan? "You ran away with my heir, Mia. Now, you will pay for those five years... in my bed."
Romance
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Bilyonaryong Kapitan (SPG)

Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon. Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya. Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang. Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood. At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro. Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?
Romance
10143.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The writer's Temptation (SSPG)

The writer's Temptation (SSPG)

At the age twenty-one, she lived a quiet, carefully crafted life and she only spent her days writing stories. Sa mata ng ibang tao ay isa lamang siyang simpleng dalaga na maraming pangarap sa buhay. But under a pen name known only to millions of readers, she was a celebrated novelist, an erotic writer whose real identity remained a mystery. But everything shattered that night... when she accidentally witnessed a crime she was never meant to see. Nakita niya ang grupo ng kalalakihang tinatapon ang katawan ng mga tao sa isang malawak na lawa. Pero bago pa man siya makaalis ay isa sa mga lalaki ang nakakita sa kanya at hinabol siya. What follows is a desperate chase for survival... until fate intervenes in the most dangerous way. Running blindly through the dark, she bumps into a stranger. Niccolo Madrigal. Hindi niya ito kilala, pero himingi pa din siya ng tulong sa binata para lang makatakas. At walang pag-aalinlangan ay sumang-ayon si Niccolo. What she doesn’t know is that the man she stumbled into is far more dangerous than the ones chasing her. Because he is known as the leader of a dangerous and untouchable group... He is a gang leader and has been obsessed with one person for years. The mysterious erotic novelist. The woman whose identity the world has never seen. And now, without realizing it, Caroline has placed herself directly into his arms. As secrets unravel and bloodstained truths surface, her peaceful life collides with a world ruled by violence, obsession, and control.
Romance
468 viewsOngoing
Read
Add to library
My Lover is a Mafia Boss

My Lover is a Mafia Boss

Akala ko simpleng gabi lang ‘yon. Pero isang sulyap sa kanya—at tuluyan nang nagbago ang mundo ko. He’s the kind of man everyone fears—cold, powerful, dangerously irresistible. CEO sa umaga, mafia boss sa gabi. Isang titig pa lang, alam kong delikado siya. Pero paano kung ‘yung panganib na ‘yon ang siya ring nagbigay-buhay sa’kin? Sabi niya, “Stay away.” Pero sa bawat halik, bawat haplos, lalo lang akong nilalapit sa kanya. Sa mundo niya, walang puwang ang kahinaan. Pero sa piling niya, natutunan kong minsan, ang pag-ibig mismo ang pinakamapanganib na armas. Sa mata ng iba, isa siyang halimaw—walang puso, walang awa. Pero ako lang ang nakakakita ng lalaking may sugatang kaluluwa, na marunong magmahal kahit mali, kahit masakit. Ngayon, nahulog na ako nang tuluyan. At alam kong wala nang balikan. Dahil sa puso ng isang mafia boss, pag pag-ibig ang pinag-usapan… wala nang ligtas. “My Lover Is a Mafia Boss” — isang dark romance na puno ng pagnanasa, lihim, at pag-ibig na handang lumaban kahit sa dilim.
Romance
598 viewsOngoing
Read
Add to library
The Disguised Billionaire

The Disguised Billionaire

Sa mismong araw ng masaya niyang kaarawan, excited si Jessica na ianunsyo ang kanyang engagement. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang magiging fiancé, ngunit nang dumating ito, hindi siya nag-iisa. Sa harap ng lahat, ipinakilala ng lalaki ang babaeng kasama niya—hindi bilang fiancée, kundi bilang kanyang tunay na kasintahan. Napahiya at pinag-usapan si Jessica ng kanyang mga bisita. Dahil sa matinding kahihiyan, tumakas siya palayo. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang malayong probinsya, kung saan nakilala niya ang isang simpleng mangingisda na si Darius. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unting gumaan ang kanyang loob kay Darius. Dahil sa kabutihang ipinapakita nito, hindi niya napigilang mahulog sa kanya. Ngunit isang araw, natuklasan niya ang matagal nang lihim ni Darius—isang rebelasyong lubos na ikinagulat niya. Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jessica ang pagmamahal sa lalaking bumago sa kanyang buhay? O tatakasan niya ito, tulad ng pagtakas niya sa kanyang engagement party?
Romance
1097.0K viewsOngoing
Read
Add to library
A Mistress's Revenge

A Mistress's Revenge

Paano nga ba maging masaya lalo na kapag nalaman mong isa ka na lang kabit ng lalaking unang nangako sa'yo ng kasal at pagmamahal? Si Joy Fuego, isang simpleng babae na masaya at kuntento na sa buhay pag-ibig niya kay Ricks Gregorio-- ang kan'yang nobyo dahil kahit na mahirap lang sila pareho ay responsable at mapagmahal naman ito sa kan'ya. Hindi man nito naibibigay sa kan'ya ang lahat ay alam niyang mahal na mahal siya nito at kahit na kailan ay hindi siya nito magagawang lokohin. Pero paano na lang kapag dumating ang isang malaking pagsubok sa pagsasama nila at malaman niyang kasal na pala ito sa iba? At ang masakit pa ay bago lamang nito nakilala ang babaeng pinakasalan. Matitiis ba niyang maging isang kabit lang ng lalaking pinakamamahal alang-alang sa magiging anak nila o nakahanda na siyang palayain ito at hayaang lumigaya sa piling ng babaeng pinili nitong pakasalan?
Romance
106.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Awakened as the Billionaire's Wife

Awakened as the Billionaire's Wife

Isang trahedyang gabi ang nagtapos sa buhay ni Elena Marquez, isang babaeng nabuhay na puno ng pagsisisi at mga pangarap na hindi natupad. Sa kanyang huling hininga, iisa lamang ang hiling niya ang mabigyan ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga maling desisyon ng nakaraan. Ngunit ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya ay higit na mas kumplikado kaysa sa inaasahan niya. Nagising si Elena sa katawan ni Aurelia Deveraux, ang asawa ng isang makapangyarihang bilyonaryong si Sebastian Deveraux. Ayon sa lahat, dalawang taon nang comatose si Aurelia matapos ang isang malubhang aksidente, kaya’t ang bigla nitong paggising ay itinuring na isang himala. Ngunit para kay Elena, ito ay isang bangungot na puno ng tanong at takot—sapagkat siya ay nabubuhay sa katawang hindi kanya, sa isang buhay na hindi niya pinili. Habang sinusubukan niyang umangkop sa marangyang mundo ng mga Deveraux, unti-unti niyang natutuklasan na ang aksidenteng naglagay kay Aurelia sa coma ay hindi isang simpleng trahedya. Sa likod ng mga ngiti at pakikiramay ay may mga taong may itinatagong ambisyon at lihim lalo na ang babaeng matagal nang nagnanais na mapalapit kay Sebastian. Sa kabila ng pagdududa at emosyonal na distansya, unti-unting nabubuo ang isang kakaibang koneksyon sa pagitan ni Elena at ni Sebastian isang damdaming hindi batay sa alaala ng nakaraan, kundi sa taong unti-unti nilang nakikilala sa kasalukuyan. Ngunit hanggang kailan kayang itago ni Elena ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao? At kapag nalaman ni Sebastian ang lahat, pipiliin ba niya ang babaeng minahal niya sa alaala o ang kaluluwang minahal niya sa kasalukuyan? Isang kwento ng ikalawang buhay, lihim, at pag-ibig na susubok sa hangganan ng katawan, kaluluwa, at kapalaran.
Romance
153 viewsOngoing
Read
Add to library
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
Romance
6.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Married to My Scumbag Ex-Fiancé’s Rival

Labindalawang taon ng pag-ibig, katapatan, at pangako—winasak sa isang iglap ng putok ng baril. Buong akala ni Andrea, alam na niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa loob ng higit isang dekada, ibinigay niya ang lahat—tiwala, pasensya, at sarili sa lalaking tinawag niyang fiancé. Para sa kaniya, ang pag-ibig ay pananatili. Pagpili araw-araw. Kahit masakit. Hanggang sa Araw ng mga Puso. Habang nasa bingit sila ng kamatayan, isang baril ang nakatutok at sa sandaling iyon, malinaw na malinaw kung sino ang pinili ni Edward. Hindi si Andrea. Kundi ang ex niyang si Margaret. Siya ang niyakap. Siya ang pinrotektahan. Si Andrea ay iniwang duguan, sugatan, at parang hindi kailanman minahal. “You almost died!” sigaw ni Lira. “And he didn’t even look at me,” sagot ni Andrea, basag ang boses. “Parang wala lang ako.” Sa pagitan ng wasak na puso at natitirang dangal, gumawa si Andrea ng isang desisyong walang atrasan. Pinakasalan niya ang pinakamakapangyarihang kaaway ni Edward, ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo na si Dylan Reed Romero, bilang paghihiganti. Ngunit si Dylan ay hindi simpleng rebound. Siya ay dominante. Mapanganib. Mapang-angkin. At sa kabila ng lamig niya ay may isang uri ng proteksiyong hindi kayang ibigay ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, nahaharap si Andrea sa pagitan ng isang pag-ibig na bumigo sa kaniya, at isang lalaking maaaring humingi ng higit pa kaysa sa kaya pa niyang ibigay. Sa huli, magiging una na ba siya sa puso ng isang tao—o tuluyan na niyang mawawala ang sarili habang sinusubukang magmahal muli?
Romance
107.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status