Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

LYNN
Jervis Dean Pendleton successful businessman and owner of Pedle/Vie pharmaceutical company met Adelyn Axelle Dela Fuente na isang pharmacist, Para makuha ang babae ay gumawa ito ng kontrata. babayaran niya ito kapalit ng serbisyo nito para maging babae niya. sa unang paghaharap nila ay tila hindi nito nagustuhan ang offer ni Jervis hanggang sa magkasakit ang ama niya, kailangan nila ng malaking pera para matustusan ang dialysis nito tatlong beses sa isang linggo. Pumayag siya sa offer ni Jervis. nung una nga ay sumusunod lang siya sa gusto nitong mangyari hanggang sa may nangyari na sa kanila, unti unti na siyang nahuhulog dito at minahal na nga niya ang lalaki na ganun din naman ang nararamdaman sa kanya, hahadlangan nga yun ni angelica na gagawin ang lahat para makuha si Jervis, Sisirain niya ang reputasyon ni Adelyn bilang isang lisensyadong pharmacist. Sisirain niya ito sa trabaho kay Jervis at sa magulang nito nang magtagumpay sa paninira si angelica ay nagpakalayo layo si adelyn kasama ang magulang at ang magiging anak nila ni Jervis na nasa sinapupunan niya pa. Nang malaman ni Jervis ang paglayo ni adelyn ay halos ikabaliw niya ito pinahanap niya ang dalaga na inabot ng taon. at nang matagpuan ito ay dinakip niya ito at dinala sa maliit na isla ng balabac, dito nga ay ipaparamdam niya sa babae ang sobrang pagmamahal at obsession na nararamdaman niya
Romance
788 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
|nlove with My Enemy

|nlove with My Enemy

GeLienaMo
Mahirap ang mawalan ng mga dahilan mo para mabuhay yung mga nagpapasaya sayo pero ngayon hindi mona alam kase hindi muna ii.sila pwedeng pang makasama Muli. Lalo na pag naalala mo ang lmga bagay na ginagawa nyo nuon ang tangi mong magagawa ay umiyak lamang ganyan ang buhay ngayon ni hilary simula nang mawala ang mga mmagulang nya ang tangi nalang meron sya ang mga kaybigan nya ni Minsan hindi sya iniwan iihanggang sa dumating si Blue sa buhay nya ... Ano kaya ang magiging papel nya sa buhay ng dalaga
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mission Wedding

The Mission Wedding

Mula pagkabata ay pinangarap na ni Summer ang maging isang civilian agent. Dahil narin siguro sa palagian niyang panonood ng mga pelikulang may kinalaman sa mga misyon tulad ng mga pelikulang Mission Impossible, Charlie's Angels at iba pa. Tagumpay ang kauna-unahang misyon at kaso na hinawakan ni Summer dahil narin sa tulong ng kanyang mga kasama. Kaya naman nabigyan agad siya ng ikalawang misyon. Misyon na magpapabago sa kanyang buhay...Ang paibigin at pakasalan ang nag iisang apo ng matandang Buenavista. Si Brent Michael Buenavista. Magtagumpay kaya si Summer sa kanyang ikalawang misyon?
Romance
3.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

Ms. Melody—isang maganda, palaayos sa sarili, mayaman at isang ‘CEO’ ng malaking kumpanya. May boyfriend ito na nagngangalang Grabriel, ang lalaking pumunta ng US upang doon ipagpatuloy ang trabaho nito. Ngunit isang araw, gumuho ang mundo ni Melody; sapagkat nalaman n’yang may ibang babaeng iniibig si Grabiel sa US. Kasabay ng araw na ’yon ang pagtawag at pagtatapat mismo ng lalaki sa kanya nang hindi personal, sa pamamagitan ng video call, “I’m sorry for this melody…..” paunang salita nito. " We have to break," sunod pa nito. Pagkatapos marinig ang mga katagang iyon binaba na nito ang cellphone. Mabuti na lamang ay nand'yan ang isang lalaki upang damayan at saluhin s’ya. Si David na matagal na n’yang secretary. Pogi at maskulado ito. Isang billionaire man. Ngunit nang mamatay ang mga magulang nito sa murang edad n’ya ay nalugi ang kanilang negosyo. He didn't know how to manage it at that time. When David was already twenty-two years old, he applied as a secretary in a company owned by the Fuentes family, where Ms. Melody Fuentes was a member. Nang gabi ding iyon niyaya ni Melody si David na uminom para na rin mabawasan ang sakit sa puso n'yang dulot ng pag-ibig nito sa lalaking si Gabriel. Habang umiinom ang dalawa patuloy na humahagulhol ng iyak si Melody. 'Di naman gano’n kadaling mag-move on. PRETENDED COUPLE Habang nagpapanggap ang dalawa bilang magkasintahan, hindi ito naging madali para itago. May mga time pa nga na naghahalikan sila sa harap ng iba para mas mapatunayan nilang mag-couple talaga sila. Marami pa silang pinagdaanang problema bago sila ikasal. Nagkaroon ng dalawang anak at nalimutan ang mga bad past scenario. ”Dahil sa pagpapanggap, nagkaroon ng pag-asa ang puso kong nasugatan, ngunit agad na humilom noong dumating ka…….. David." -Ms. Melody.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Brother's Girl Bestfriend

My Brother's Girl Bestfriend

AKHIRAH MIAMOR
Dahil sa pagkamatay ng ama ni Dos Del Mundo ay nag pulis ito para maipaghiganti ang ama niya sa mga terorista. Pero paano kung sa pagkakahanap nito sa mga terorista ay mahuhulog siya sa isa sa kanila? Paano reresolbahin ni Captain Dos ang pag-iisa ng dalawang panig na mortal na magkaaway?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
An Affair With My Stepbrother

An Affair With My Stepbrother

LUZVIMINDA
Sa unang pagtatagpo nila Elyse at Zach ay hindi maikakaila ang isang napaka-pamilyar na pakiramdam. It was lust at first sight. Unang titig pa lamang ng lalaki sa mga mata nito ay umusbong na agad ang kaniyang pagnanasa na maikama ang babae. At, ng mismong gabi ring 'yon ay ibinigay nga ng dalaga ang matagal na nitong iniingatang pagka-birhen. Sa kabila nito ay pinilit niyang kalimutan si Zach. Mabuti na nga lamang at hindi niya naman naibigay ang buong detalye ng kaniyang pagkatao. Kapag nagka-ganoon ay siguradong may posibilidad na hanapin pa siya nito. Ngunit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Nakita niyang muli ito sa hindi inaasahang lugar. Elyse can't deny her feelings as of that moment. Sa totoo lamang ay may parte ng kaniyang puso na hinahanap ang presensiya ng lalaki. His scent, his husky voice, his long manhood that once bring her to heaven. Maging ang simpleng pagtitig nito sa kaniya ay hinahanap-hanap niya. But then she found out a shocking piece of revelation. Kapwa nagulat silang pareho ng ipakilala siya nitong "Stepbrother" ng Ina ni Elyse. Hindi siya makapaniwalang ito ang lalaking naka-devirginize sa kaniya. Ngunit, paano kung mali siya? Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Naging dahilan ito upang magsama sa iisang bubong sina Zach at Elyse na kalaunan ay nagbunga ng isang pagkakasala. Piliin kaya ni Elyse ang maging moral? O magpapaalipin siya sa kasalanan kasama si Zach?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Langit Sa Piling Mo (S.P.G)

Ang book na ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi angkop sa mga batang mambabasa. Ito ay kwento ng magkapatid, magkaibigan at magpinsan. Sina Devine Joy at Devine Marie ay ang kambal na lumaki sa isang kumbento. Makilala ang mga lalaking mayaman ngunit babaero. Si Jhaina na pinsan nila Mark At Yosef ay may pusong lalaki ngunit mapipikot ni Zoe na isang maginoo ngunit medyo bastos. At si Khalid na isang manyak na kaibigan ni Mark ay iibig sa isang babaeng nagpapanggap na lalaki. Isang mainit na romance ang inyong matunghayan sa bawat kwento ng ating mga bida. Tunghayan kung paano mapaamo at matutong magmahal ang taong nerd, takot sa obligasyon, mapagpanggap, tigasin at mga babaero.
Romance
1084.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Hidden Heirs

The Billionaire's Hidden Heirs

Warning: This story is not suitable for young readers. It includes scene of abuse, violence, self harm and sexual assault. If these topics are triggering for you, please skip this story. Reading discretion is strongly advice. Eummeriah Ferrer, isang sikat at magaling na artista ng bansa. Masunurin din siya at palakaibigan. Lumaki siyang may pagmamahal sa mga tao, sobrang galing makisama. Ngunit hindi niya akalain na ite-take advantage ang kabaitan niiya. Makikilala niya si Gabrielle Sanchez, siya ang dahilan sa lahat ng gulo na nararanasanan niya. Ngunit ito din ang katuwang niya upang malaman ang totoong kulay ng mga taong minahal niya ng sobra. Makikilala nga ba ni Eumerriah ang tunay na katauhan ng mga tao? Maniniwala pa nga ba siya sa mga pinapakita ng mga ito o magsisimula na siyang pagdududahan ang lahat? Maniniwala pa ba siya sa pagmamahal pagkatapos malaman na kaya siyang pagtaksilan ng mga taong minahal niya ng sobra? Makukuha ba ni Gabrielle ang pusong sugatan ni Eumerriah para pagalingin? O maninindigan si Eumerriah sa bagay na alam niya ay tama.
Romance
108.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

The CEO's Ex-Wife Is Now A Doctor

“Kahit minsan ba nagawa mo akong mahalin sa tatlong taon nating pagsasama?” Pinahid ni Felicia ang mga luhang walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata at nagpatuloy. “Kahit katiting lang?” Batid ni Felicia na sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay itinapon na niya ang lahat ng kanyang natitirang dignidad. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa ginagawa niyang kamartiran. Hindi ito deserve ni Xander dahil sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Subalit tila ba may sariling buhay ang kanyang puso sapagkat kahit na anong gawin ng lalaki sa kanya ay nangingibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal para rito. Marahas na binawi ni Xander ang kanyang braso. “What do you think, woman? What do you think is my answer?” Napalunok si Felicia. “N-Nainitidihan ko,” she answered softly. “Xander… I am sorry if my love made you this miserable.” ************* Sa loob ng tatlong taon, umasa si Felicia na matututunan din siyang mahalin ni Alexander Buenaventura. Subalit ni katiting na pagmamahal ay hindi siya tinapunan ng lalaki. Sa halip, matinding galit at pagkapoot ang namayani sa puso ng binata dahil sa paniniwala nitong minanipula ni Felicia ang kanyang lola upang sila'y maikasal. Finally, Felicia had enough. She left Xander and moved on with her life. Ipinagpatuloy ni Felicia ang naudlot niyang pangarap, ang pagdo-doktor. Pinilit niyang kalimutan ang lalaking dumurog sa kanyang puso, kasama ang naging bunga ng kanilang una’t huli pagniniig, si Caleb. Sa loob ng anim na taon, naging mapayapa ang buhay ni Felicia. Subalit isang araw, muling nag-krus ang mga landas nila ni Xander. At sa pagkakataong ito, gagawin ni Xander ang lahat upang bumalik siya sa kanya.
Romance
560 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status