Anna
Siguro marami rami na din ito, tinago ko ulit ito baka makita pa ni kuya Angelo at hiramin.
KINAUMAGAHAN ay busy na ang lahat sa kanya kanyang trabaho. Si itay mangingisda. si ate Anne magbibinta sa palengke, si kuya Angelo naman ay magkakargador si ate Ariana naman ay raraket daw at kami ni nanay maglalabada na naman. Ang maiiwan nalang sa bahay ay si April at Ian.
"Mga anak, aalis na ako malapit ng sumikat ang araw. April anak. Bantayan mo si Ian hindi puro lakwatsya ang inaatupag." Sermon nito kay April. Umirap lang ang huli.