Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Let's Play Hide and Seek

Let's Play Hide and Seek

Reynang Elena
"Parang awa niyo na itigil niyo na to."- pagmamakaawa ng isang dalaga Ngunit wala man lang siyang ibang narinig kundi puro tawanan. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga taong nasa harap niya ang mga ngisi sa kanilang mga labi. 'Kahit maubos pa ang boses mo kakasigaw Crystal walang makakarinig sayo dito hanggang sa mamatay ka."- nakangiting wika ng babae na nasa harapan niya. "Teka teka sandali! Sandali lang Yessie. Wala sa plano to."- pagpigil ng isa pang boses. Halos hindi na matingnan ni Crystal kung sino ito. 'And so? You think I care? She deserve it! Sge deserve to die!!."- puno ng kaseryosohan na saad ni Yessie. 'Sinusumpa ko maybabayad kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong to. Hindi ko kayo papatahimikin!'- nakakakilabot na sigaw ng dalaga kahit na nahihirapan na ito. 'Talaga? Sa tingin mo mangyayari pa yun? Sa tingin mo magagawa mo pa yun? Hahaha! Huwag kang magpatawa! Ito na ang huling gabing masisilayan mo ang mundo. Paalam Crystal! Rest well darling.'- ngising sabi nito at walang ka abog abog na hinampas ng kahoy ang kamay dahilan para mapabitaw ito at malaglag. Halos hindi ako makahinga sa nakita. I'm so sorry! Paano nga ba matatapos lahat ng to kung hindi nila alam kung sino ang totoong kalaban? Buhay ang kinuha at buhay din ang magiging kapalit. Pinaglalaruan ng isang tinig! Boses na nakakapangilabot. Paulit ulit na naririnig at kapag narinig mo ito magtago kana, dahil ikaw na ang susunod. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. isa, dalawa, tatlo. Pag nahuli ko ay papatayin ko" Pag narinig mo ang katagang yan ay magtago kana. Run and hide as fast as you can. Save yourself before it's too late. Killer is here, death is everywhere. Be careful who you trust. Tik tak Tik tak...
106.8K viewsOngoingAdded to Library 244 Times as sorry tagalog message
Read
+Library
CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

Ms. Melody—isang maganda, palaayos sa sarili, mayaman at isang ‘CEO’ ng malaking kumpanya. May boyfriend ito na nagngangalang Grabriel, ang lalaking pumunta ng US upang doon ipagpatuloy ang trabaho nito. Ngunit isang araw, gumuho ang mundo ni Melody; sapagkat nalaman n’yang may ibang babaeng iniibig si Grabiel sa US. Kasabay ng araw na ’yon ang pagtawag at pagtatapat mismo ng lalaki sa kanya nang hindi personal, sa pamamagitan ng video call, “I’m sorry for this melody…..” paunang salita nito. " We have to break," sunod pa nito. Pagkatapos marinig ang mga katagang iyon binaba na nito ang cellphone. Mabuti na lamang ay nand'yan ang isang lalaki upang damayan at saluhin s’ya. Si David na matagal na n’yang secretary. Pogi at maskulado ito. Isang billionaire man. Ngunit nang mamatay ang mga magulang nito sa murang edad n’ya ay nalugi ang kanilang negosyo. He didn't know how to manage it at that time. When David was already twenty-two years old, he applied as a secretary in a company owned by the Fuentes family, where Ms. Melody Fuentes was a member. Nang gabi ding iyon niyaya ni Melody si David na uminom para na rin mabawasan ang sakit sa puso n'yang dulot ng pag-ibig nito sa lalaking si Gabriel. Habang umiinom ang dalawa patuloy na humahagulhol ng iyak si Melody. 'Di naman gano’n kadaling mag-move on. PRETENDED COUPLE Habang nagpapanggap ang dalawa bilang magkasintahan, hindi ito naging madali para itago. May mga time pa nga na naghahalikan sila sa harap ng iba para mas mapatunayan nilang mag-couple talaga sila. Marami pa silang pinagdaanang problema bago sila ikasal. Nagkaroon ng dalawang anak at nalimutan ang mga bad past scenario. ”Dahil sa pagpapanggap, nagkaroon ng pag-asa ang puso kong nasugatan, ngunit agad na humilom noong dumating ka…….. David." -Ms. Melody.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as sorry tagalog message
Read
+Library
Too Late, Husband: I Don't Love You Anymore

Too Late, Husband: I Don't Love You Anymore

Too Late, Husband: I Don't Love You Anymore Nang mag-viral sa social media si Jam Gonzalez at pagbintangang kabit ng libo-libong netizens, ang kanyang asawang si Clint Hawthorne ay abala sa pagsundo sa babaeng matagal nang laman ng puso nito. Sa loob ng tatlong taon ng malamig na pagsasama, itinago ni Clint ang kanilang kasal sa publiko. Pinakasalan niya si Jam hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil perpekto itong gumanap bilang isang huwarang asawa. Tahimik, maunawain, at laging handang magsakripisyo. Kaya naman naniniwala ang lahat na kahit gaano siya masaktan o balewalain, mananatili siyang tapat kay Clint. Nang kumalat ang balitang gusto ni Jam ng diborsyo, walang naniwala. “Hindi niya gagawin iyon,” kampanteng sabi ni Clint. “Masyado siyang matino para iwan ako.” At nang sabihin ng iba na baka seryoso na si Jam, ngumiti lamang siya. “Nagpapahabol lang iyon.” Ngunit sa pagkakataong ito, nagkamali siya. Dahil imbes na magmakaawa, tahimik na tinalikuran ni Jam ang lalaking minahal niya nang buong puso. Bumalik siya sa industriya ng entertainment at muling binuo ang buhay na minsang isinuko niya para sa kasal nilang walang pagmamahal. Habang sunod-sunod ang kanyang mga proyekto, parangal, at tagumpay, lalo siyang nagniningning sa ilalim ng spotlight. Mula sa pagiging babaeng kilala lamang bilang asawa ni Clint Hawthorne, naging isa siyang bituin na hinahangaan ng buong bansa. At saka lamang napagtanto ni Clint ang isang masakit na katotohanan. Hindi si Jam ang masuwerte dahil naging asawa niya. Siya ang masuwerte noon dahil minahal siya ni Jam. Ngayon, handa siyang gawin ang lahat para mabawi ang babaeng binale-wala niya. Ngunit paano kung huli na ang lahat? Nang lumuhod si Clint at muling hingin ang kanyang pagmamahal, isang malamig na ngiti lamang ang isinagot ni Jam. “I’m sorry, Clint. Hindi ko na kayang magpanggap na mahal pa kita.”
1012.2K viewsOngoingAdded to Library 355 Times as sorry tagalog message
Read
+Library
PREV
1
...
333435363738
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status