Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10505 viewsOngoing
Read
Add to library
Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)

Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)

Ang kamangmangan at kahirapan ang naging dahilan upang masadlak si Thalia Alvarez sa isang nakakapanghilakbot na pangyayari. Paano niya ipagtatanggol ang sarili na inosente siya gayung sa nakakatakot na tingin ng isang napakagwapong bilyonaryo na si Maximus Villaroman ay isa siyang kriminal? "Mamamatay kang mabubulok dito. Pero bago mangyari yun, papakinabangan ko muna ang katawan mo." NOTE: THIS BOOK CONTAINS SEXUAL AND ABUSIVE CONTENT. THIS IS A DARK ROMANCE AND NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. PLEASE BE GUIDED.
Romance
9.9155.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Revenge of Iza

The Revenge of Iza

Iza, isang matagumpay na negosyanteng babae na tila nasa kanya na ang lahat - isang mayaman na asawa, isang pamilya, at isang maunlad na karera. Sa araw kung saan nalaman nyang buntis sya ay wala na syang maihihiling pa. Gayunpaman, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya na ang kanyang asawa, si Roman, at ang kanyang kapatid na si Rebecca, ay may lihim na pag-iibigan at nagtaksil sa kaniyang likuran. Hindi makapaniwala si Iza at luhaang umalis sa unit ng asawa, hanggang sa maganap ang aksidenteng babago sa kaniyang buhay. Matapos ang anim na taon, nagpasya si Iza na tanggapin ang mga bagay sa kanyang sariling mga kamay. Taglay ang matibay na determinasyon, masinsinan niyang pinaghandaan ang kanyang paghihiganti laban kina Roman at Rebecca. Habang mas lumalalim ang kanyang paghahanap ng kasagutan, natuklasan niya ang lihim at nakatagong motibo na sumagot sa lahat ng inaakala niyang alam niya tungkol sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat niyang harapin ang sariling mga desisyon at makipagbuno sa kumplikadong pag-ibig at pagpapatawad. Sa paghihiganti na hinahangad ni Iza, mahahanap ba niya ang pagmamahal at hustisyang hinahanap, o uubusin siya ng pagkauhaw niya sa paghihiganti, na hahantong sa kanya sa landas na walang kasiguraduhan?
Romance
9.639.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Witchy tale: The Oracle's Dream

Witchy tale: The Oracle's Dream

Nadia Lucia
There was this man na sa hindi maintindihang dahilan ay palagi na lang napapanaginipan ni Phoebe. She was special alam niya `yon hindi nga lang niya alam kung bakit niya nakikita ang isang lalaking `ni minsan ay hindi pa niya nakikilalaUntil she her dreams saw the man's life in danger, sa huli hindi na rin niya napigilan ang sarili na tulungan ang lalaking hindi naman niya kilala. Pero paano kung lahat ay may dahilan? Magagawa kaya nitong tanggapin siya sa kabila ng katotohanang magkaiba ang uri nilang dalawa?
Paranormal
1011.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Hey, I Think I Love You

Hey, I Think I Love You

Babidi
Sabi nila magpa-kasal tayo sa taong minamahal natin. Ano pa ang dahilan ng pagpapa-kasal kung sa hindi mo naman minamahal ang iyong pakakasalan? Dare? Responsibility? Or for business purposes only? Isasakripisyo ba ang mga sarili para sa iba? O mas pipiliin ang sariling kasiyahan? Keziah Arwen, 21, is married to Noah Oliver, 22, his best enemy since childhood. The only connection they have aside from being married is that they definitely hate each other. There is no day that they won't argue. It would be a miracle if they didn't. Can love be taught? Will they be able to meet someone they truly love?
Romance
93.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
217 viewsOngoing
Read
Add to library
Friday Loop

Friday Loop

miss rishel
"I can go against the destiny just to be with you again" After losing his boyfriend Benj decided to come out to his room and visit Nick on cemetery 2 years after he died. Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ni Nick kaya kahit sa burol nito ay hindi siya pumunta. August 13 2012 isang batang babae ang kanyang iniligtas na mabubundol sana ng sasakyan na magbibigay rin sa kanya ng pambihirang pagkakataon na bumalik sa nakaraan para iligtas si Nick sa pamamagitan ng isang loop. Loop unfold darkiest secrets Through loop he found out that Nick is killed by someone Kakayanin ba niya ang katotohanan na kanyang malalaman at maliligtas ba niya si Nick mula sa taong gustong pumatay dito?
LGBTQ+
2.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Status: Enemies with Benefits

Status: Enemies with Benefits

Para kay Evelyn ay immortal enemy na niya si Terrence Montemayor. As in, hindi kailanman mawawala ang galit niya para sa lalaki. Ngunit sa kanilang muling pagkikita ay magiging amo niya ito kasabay ang pangangailangan niya ng pera para sa kanyang comatose na ina and Terrence is offering her help kapalit ng kasal at wala siyang choice kung hindi ang pumayag. Mabago kaya ng pagsasama nila ang tingin ni Evelyn kay Terrence? Mapigilan kaya niya ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking sinumpa na niyang maging kaaway hanggang kamatayan kung sa bawat pang-aakit nito sa kanya ay unti-unting nanlalambot ang kanyang mga tuhod? They’re enemies and they benefited from each other. Status: Enemies with Benefits.
Romance
106.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
Romance
8.44.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Strangers Got Married (Tagalog)

Strangers Got Married (Tagalog)

Malaking gulo ang nagawa ni Liam na maaaring magdulot ng pagbagsak ng kanilang kumpanya at malagay ang kanyang ama sa kapahamakan. Kaya kailangan niyang gawin ang lahat upang mailigtas ito, kahit pa ang magpakasal sa isang taong hindi niya kilala. Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagtulak kay Crystal upang makilala ang sikat na tagapagmana na si Liam Spencer. Ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal kapalit ng malaking halaga ng pera. Noong una ay nag-dalawang isip siyang tanggapin ang kanyang alok, ngunit nang marinig ni Crystal kung magkano ang kayang ibayad nito sakanya ay agad rin siyang sumang-ayon, dahil matagal na niyang hangad ang pamumuhay na mas marangya at komportable kumpara sa kasalukuyan niyang kalagayan. Kahit na walang alam ang dalawa tungkol sa isa't isa, at hindi isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng isang mahalagang desisyon, ang dalawang hindi magka-kilalang tao ay lumagda sa isang kasunduang kasal. Ngayon, kailangan nilang mabuhay bilang mag-asawa upang maiwasan na madungisan ang reputasyon ng Spencers.
Romance
1038.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status