Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
Romance
10580 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Fling

The CEO's Fling

LalaRia
Dahil sa kahirapan at pang aalipusta ng abusadong tiyahin na umampon kay Nicole nang mamatay sa aksidente ang mga magulang ay pinilit niyang maka pag tapos ng pag aaral sa kursong aeronautical engineering. Dahil na rin marahil sa kaniyang sipag at tiyaga at dahil na rin sa angking talino ay isa siya sa mga mapalad na mag aaral na naka pasok sa study now pay later program ng isang malaking aircraft company. Itinuring ni Nicole na isang malaking oportunidad ang mabigyan siya ng pagkakataon na maka pag tapos ng pag aaral kahit pa nga ma higpit na tinutulan iyon ng kaniyang tiyang Norma na siyang tinutuluyan niya mula pa noong walong taong gulang pa lamang siya. Ngunit dahil na rin siguro sa kagustuhan niyang maka alis sa puder ng mapang abusong tiyahin at sa mapanakit na mga anak nito ay hindi niya pinakingan ang pag tutol ng mga kamag anak na mag aral siya, sa halip ay pinag buti niya hangang maka kuha siya ng magandang trabaho sa kumpaniya na nag paaral mismo sakaniya matapos maka pag tapos sa kolehiyo at maka kuha ng pinaka mataas na parangal sa uniberidad bilang summa cum laude sa kanilang batch. Buong akala ni Nicole ay magiging maayos na ang lahat lalo pa at nag karoon na rin ng bunga ang ilang taon niyang pag titiis ngunit hindi naging madali. Na in love si Nicole sa kaniyang masungit na boss na hindi niya maintindihan ang tunay na nararamdaman para sakaniya, nagkaroon sila ng hindi maayos na relasyon siya ay in love ang kaniyang boss naman ay ginawa lamang siyang fling nito. Noong una ay nagagawa niya pang pigilan ang pag ka hulog sa CEO ng kumpaniyang pinapasukan ngunit nang lumaon ay naging napaka hirap para kay Nicole, paano ba naman niyang magagawang mag paka civil sa harap ng kaniyang boss gayong bukod sa may nangyayari sa kanila sa loob at labas ng opisina ay mahal niya rin ang CEO. Ang kaniyang CEO.
Romance
108.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
232425262728
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status