Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Anim na taon nang tapat sekretarya si Samantha Hernandez ng CEO – pinagkakatiwalaan, iginagalang at itinuturing na rin na parang isang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng kapusukan ang siyang nagbago ng lahat. Sa kanyang paglalasing matapos ang hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo, natagpuan niya ang sarili sa bisig ni Theo Buendia – ang arogante, mapusok at black sheep na kapatid ng CEO. Ang isang pagkakamaling gustong kalimutan ni Samantha ay naging simula ng pagkahumaling ni Theo sa dalaga. Ngayon ay nagbalik na siya…hindi lamang sa buhay ni Samantha kundi pati na rin sa opisinang pinagtatrabahuhan niya, bilang kanyang temporary boss. Gusto niyang kalimutan ang binata ngunit lubos naman ang paghahangad nito sa kanya. At sa kagustuhan niyang takasan ito ay mas lalong nagiging malinaw na ayaw siya nitong pakawalan pa.
Romance
1010.6K viewsOngoing
Read
Add to library
 Dangerous Love

Dangerous Love

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK| THIS STORY CONTAINS RATED SPG | Si Bonie Ignacio o kilala sa tawag sa kaniya sa niya trabaho bilang Lily, isang police detective agent ng isang organization na kung saan si Bonie ang gumagawa ng mga inside job mission kung saan ito magaling. Siya ay nagtatrabaho Crime Detective Operation o CDO. Si Bonie ay laking ampunan at pinalaki ng mga madre, ito ang tumulong sa kaniya upang makapag aral ng high school at kolehiyo bilang isang pulis, pero dahil sa isang pangyayari ay pinili niya ang trabaho na siya mismo ang makakahanap ng taong pumatay sa kinalakihan niyang pamilya. Iba't-ibang mission na ang nagagawa niya, isa si Bonie sa mahusay na agent pero laging lihim ang trabaho niya upang hindi siya balikan ng mga taong pinababagsak niya, buhay man o patay. Nakakatanggap lang siya ng misyon na gagawin niya bilang pag-iingat sa identity niya, at ang bagong misyon na iniatas sa kaniya ay ang mapatay ang isang malaking mafia druglord sa bansa. Bonie starts her mission, she gathers information about her target, sa kaniyang misyon ay makikilala niya si Primo Ferrer na hindi niya maiiwasang mahalin. Paano niya maipagpapatuloy ang kaniyang nararamdaman kay Primo kung ito ang magiging dahilan upang hindi matapos ni Bonie ang kaniyang mission. Bonie as Rose, a secret police detective agent, will try to finish her mission as she falls in love with Primo who is dangerous for her and for her mission.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Deathly Fate Two: Faith

Deathly Fate Two: Faith

charmainglorymae
Ang pagtakas ni Raven mula sa masasakit na pangyayari sa buhay niya ay siyang nagbigay ng dahilan upang magbago ang dating Raven. Ilan taon ang nakakaraan, ang dating Raven na kilala ng lahat ay malayo na sa kanilang inaakala. Ang mabait at inosente ay hindi na mahagilap sa pagkatao ni Raven. Ang kataksilan ni Vander ang maghimok kay Raven para magbago. Pero paano niya haharapin kung ang Vander na kilala niyang taksil ay patuloy pa rin sa pagpapanggap bilang isang mabuting tao at niloloko ang lahat? Pero kung maloloko ni Vander ang lahat, hindi niya maloloko si Raven. Hinding hindi niya mapapatawad si Vander, kahit malaman pa niya na siya ang kanyang amour. Pinapangako ni Raven na hindi na titibok ang puso niyang ginawang bakal kay Vander.
Sci-Fi
1.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE

Si Mildred ay pwersahang ikinasal sa isang bilyonaryong walang puso alam ni Mildred na hindi siya sasaya sa lalaking maitim ang budhi kaya naman tumakas siya,ngunit hindi siya nagtagumpay sa pagtakas at tuluyan itong ikinasal sa bilyonaryong lalaki at doon nagsimula ang pagbabago ng kaniyang buhay sa isang iglap nagbago ang lahat.
Romance
1033.4K viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with Mr. Billionaire

A Night with Mr. Billionaire

Si Amethysts Quizon, isang dalaga na lumaki sa karangyaan, dahil sa di inaasahan pangyayari biglang nawalan ng lahat dahil sa isang trahedyang yumanig sa kanyang buhay. Sa desperasyon ng kanyang tiyuhin, binalak siyang ibenta, ngunit sa huling sandali nakatakas siya sa isang madilim na kapalaran. Sa kanyang pagtakas, nakilala niya si Zack Delgado, isang misteryosong billionaire na hindi lamang tumulong sa kanya kundi nagbigay din ng panibagong direksyon sa kanyang buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nauwi sila sa isang gabi ng pagnanasa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may isang tanong na bumabalot sa isipan ni Amethysts. Ano nga ba ang tunay na intensyon ni Zack? Dahan-dahang paghulog ng kanyang loob, ano ang magiging kapalit ng kanyang puso?
Romance
1035.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Trying To Escape From The Mayor's Son

Trying To Escape From The Mayor's Son

Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya Siya ay pumasok bilang isang kasambahay sa Mansion ng mayor ng kanilang bayan ang akala niyang tahimik ang kanyang magiging buhay dun ay nag kamali sya, Simulan ng umapak sya sa mansion na to ay nag bago ang kanyang puso na nananahimik ay bilang kumakabog pag nakikita niya ang anak ng mayor na si Kudos Rancano. Hindi n'ya alam bakit sa tuwing tinitigan sya ng binata ay may iba syang nararamdaman, pilit man niyang umiwas sa mata ng binata na mapanukso ay hinahanap naman din to ng kanyang mga mata. At kahit anong Iwas nya sa anak ng kanilang mayor ay hindi tumatabla pag lalo niyang iniiwasan ang binata ay mas lalo sya nitong ginugulo Dumating ang panahon na naging marahas na sa kanya ang binata na si kudos nakielam ang binatang kudos sa relasyon nila ng kaniyang boyfriend dati na si trent Nang dahil kay kudos ay naghiwalay sila Si kudos mismo ang nag utos na makipag hiwalay kay trent Galit ang nangibabaw sa puso niya.
Romance
1039.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
955 viewsOngoing
Read
Add to library
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1021.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Langit Sa Piling Mo

Langit Sa Piling Mo

(WARNING: MATURED CONTENT!) Buong akala niya ay nagawa niya nang kalimutan ang kanyang ex boyfriend nang iwan niya ito para makipag sapalaran sa ibang bansa. Ngunit nang hindi sinasadyang magkita sila ulit ay hindi na niya nagawa pang pigilin ang sarili nang minsang may mangyari sa kanila, isang gabi lamang noong una, hanggang sa sumunod na gabi, namalayan niya na lamang na ang bawat gabi sa piling nito ay unti-unti niya nang nakasanayan. Ngunit paano kung isang araw, malalaman nila pareho na nakatakda na palang ikasal ang kanilang mga magulang? Paano kung isang araw ay malaman niyang nakatakda silang maging magkapatid? Magagawa niya kayang patuloy na mahalin ang lalaki, gayong sa mata ng lahat ay bawal ang relasyong namamagitan sa kanila?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, an outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. Napakarami nila at silang lahat ay lumalapit sa kanya ng kusa. Dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. Subalit, paano na lamang ang reputasyon ng kanyang ama? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan gayong ang babaeng pinili niyang pakasalan ay hindi nila kauri. At ayon sa kanyang ama ay magdadala ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan. Nakahanda ba siyang manindigan para sa nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya? Willing ba siyang kalabanin ang kaniyang ama kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng lahat ng mayroon siya at lahat ng pinaghirapan niya? Susugal ba siya para kay Lara na walang alam sa tunay niyang pagkatao? Ano nga ba ang kinabukasan ng isang pagmamahalang sa simula pa lang ay puno na ng kasinungalingan at pagpapanggap?
Romance
1024.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status