Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kung Isusuko ko ang Langit

Kung Isusuko ko ang Langit

Sapphire Dyace
Napag alaman ni Gerald na ang anak ng family friend nila, ay ipapakasal sa isang matandang triple ang edad dito, para lang mabawi ang dangal na sinasabi ng tatay nito, dahil daw isang disgrasyada ang kanyang anak. Dahil dito, napilitan siyang itakas si Janna. Subalit isa pala itong malaking pagkakamali, dahil ang hiniling sa kanya ng tatay ng babae, ay ang pakasalan niya ito upang maahon sa mas lalo png kahihiyan ang pamilya ni Janna. Dahil dito, nakiusap siya kay Lizzy, ang kanyang fiance, na kung maaari ay pakakasalan muna niya ang batambatang si Janna, at hihiwalayan na lang after 3 years, para sa gayon ay nasa tamang edad na talaga itong magdecide para sa sarili, at makatapos muna ng pag aaral. Ayaw sanang pumayag ni Lizzy, ngunit dahil sa assurance na ibinigay niya, pumayag din ito kalaunan. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro.. Dahil ang isang pagpapanggap, ay nauwi sa isang makatotohanang gawi, dahil na rin sa taglay na katangian ni Janna, na hindi niya kayang tanggihan. Hindi niya alam, kung tama ba, na samantalahin niya, ang puso ni Janna, gayong ang pgkilala nito sa kanya, ay isang kuya lamang? paano siya aamin kay Lizzy? siya rin kaya ay gugustuhin ni Janna?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Owning the Lycan King's Daughter (Tagalog)

Owning the Lycan King's Daughter (Tagalog)

Holly Wood
Si Francine Forenbach ay ang Prinsesa ng Green River Pack. Ang dakilang anak na babae ng Lycan King. Sa edad na katorse anyos, ang pamilya Forenbach ay nakilala ang isang hindi kilalang sibilyan. Binigyan siya ng pamilyang Forenbach ng mga kasuotan, pagkain, at tirahan. Laging malungkot ang buhay ni Azure mula nang siya ay isilang. Ngunit sa pagpasok niya sa Pack, sinimulan niyang pag-isipang muli ang desisyon na laging bumabalot sa kanyang isipan. Nagkaroon ng damdamin si Francine para kay Azure. Habang sila ay lunalaki, nakita ni Azure ang kanyang sarili na mahinang lalaki pagdating kay Francine. Napagtanto na ang kanyang damdamin para sa kanyang "kapatid" na babae ay hindi resulta ng kanilang pinagsamang pagkabata. Ngayong pareho na silang nasa tamang edad, dapat alamin ng dalawa kung paano mauunawaan ang kanilang nararamdaman bago pa maging mas kumplikado ang mga bagay-bagay. Imposibleng mahalin siya nito. Bawal niyang mahalin si Francine. Kasalanan ang mahalin ang dalaga. Si Francine ang kanyang nakababatang kapatid na babae. Pero ang tanong... paano niya malalabanan ang inosenteng kulay tsokolate na mga mata nito?
Other
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Seeking For His Heir

Seeking For His Heir

DimpleEver
Princess Symphony Tejana came from an average and simple family, she's being hate by her own mother dahil sya ang sinisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Kinailangan nyang suportahan ang sarili upang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng pait ng kanyang kapalaran. Mabuti na lamang at palaging nasa tabi nya si Arc, ang kanyang bestfriend. Archie Damian Esquivel, a hot bachelor at his age, he's been very obidient to his parents. Ngunit dumating ang puntong nagsawa na syang sundin ang kagustuhan ng mga ito, dahil kahit na ang pagpili ng kanyang mapapangasawa ay pinanghimasukan na ng mga ito, kaya naman napilitan syang umalis sa poder nila at iwan ang karangyaan. He lived independently at naging masaya sya kasama ang matalik na kaibigan. Ngunit tila napasukan ng masamang hangin ang utak ng kanyang kaibigan. She wants to have a child, but don't want to have a relationship with any man. At sya pa talaga ang pinapahanap nito ng lalaking pwedeng makasama hindi lamang isang gabi, kundi hanggang sa makabuo ito ng sanggol sa sinapupunan nito. Will he allow the craziness she had in her mind? Papabayaan nya bang basta na lamang anakan ng kung sino ang babaeng pinahahalagahan nya na higit pa sa sariling kapatid? Dahil sa pag-aalala sa kabaliwan na naisip ni Pris ay nawalan sya ng choice kundi i-offer ang sarili sa dalaga. It would be better kung sa kanya manggagaling ang semilyang itatanim dito. Magtatagumpay ba ang kanilang gagawin para sa sariling kapakanan ni Pris? Kung magkakaanak nga sila, Is he willing to be treated only as co parent? No strings attached. Papayag ba sya sa gusto nito na angkinin ang anak na sarili nya lamang, mula sa apelyido hanggang sa pagbuhay dito? As if he never contributed anything to their child?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Contract of the Heart (Kontrata ng Puso)

Sa taong 2030, sa lungsod ng Maynila, magtatagpo ang dalawang taong galing sa magkaibang mundo. Elaine Santos—isang simpleng babae mula sa isang maralitang pamilya, determinadong gawin ang lahat para mailigtas ang kanyang kapatid na may malubhang karamdaman. Nang mawalan ng pag-asa at pagkakakitaan, mapipilitan siyang tanggapin ang isang alok na magbabago sa kanyang kapalaran. Aidan Velasquez—isang batang negosyante at bilyonaryong kilala sa kanyang lamig, determinasyon, at pusong sarado sa pagmamahal. Sa mata ng publiko, siya ay perpekto. Ngunit sa loob, siya'y wasak—binuo ng pagkabigo, at nilason ng isang nakaraang hindi niya matahimik. Ang kanilang landas ay magtatagpo sa pamamagitan ng isang kasunduan—isang isang-taong kasal kapalit ng tulong pinansyal para sa kapatid ni Elaine. Sa simula, malinaw ang mga hangganan: walang damdamin, walang komplikasyon, isang kontrata lang. Pero sa bawat araw ng pagiging "asawa" ni Aidan, mararamdaman ni Elaine ang paglamlam ng kanyang mga pader. Unti-unti, binubuksan niya ang pintuan ng kanyang puso—hindi lang kay Aidan kundi sa lahat ng taong nakapaligid dito. At si Aidan, sa kabila ng kanyang malamig na maskara, ay masusubok harapin ang katotohanan ng kanyang nakaraan—lalung-lalo na ang sakit na iniwan ni Selene Navarro, ang babaeng minsan niyang minahal. Habang tumatagal, mas lumalalim ang komplikasyon. Lilitaw ang mga lihim. Mabubunyag ang mga sugat. At masusubok ang tibay ng damdamin sa gitna ng mga kasinungalingan, takot, at responsibilidad. Sa huli, ang tanong: Ang pag-ibig ba ay kailangang ikontrata—o ito'y malayang nararamdaman sa tamang panahon?
Romance
618 viewsOngoing
Read
Add to library
KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret

KARMA'S REVENGE: A Billionaire's Regret

Isang gabing bangungot ang naganap sa buhay ni Krystal .Dahil sa kanyang trabaho napagsamantalahan siya ng isang lalaki na hindi man lang niya nakita ang mukha nito . Ang masaklap limang daang libo lang pala ang bayad ng kanyang dangal . Hindi niya lubos matanggap na ganung paraan nawala ang iniingatan niyang dangal . Kinamumuhian niya ang misteryosong lalaki na nanghagasa sa kanya at dahil sa nangyari halos gusto na niyang kitilin ang buhay na meeon siya . Paano niya mahahanap ang lalaking sumantala sa kanya gayong walang nakakaalam kung sino ito . Mabibigyan ba niya ng hustisya ang nangyari sa kanya o ililibing nalang sa limot ang lahat ? Dahil sa nangyari sa kanila ng lalaking misteryoso nagbunga ng dalawang sanggol .Sa una hindi niya matanggap ang bunga ng pagsasamantala sa kanya .Pero dahil sa tulong ng mga taong nasa paligid ay unti unti na rin niyang natanggap ang mga ito. Dahil hindi siya nakapagtapos ng pag aaral .Nagpursigi parin siyang makahanap ng magandang trabaho dahil kailangan na niyang tustusan ang pangangailangan ng mga bata .Lumalaki na ang kambal niyang anak at may pinapasahod pa siyang tao na nagaalaga sa mga anak niya ,kaya naisipan niyang mag apply sa isang sikat na kompanya . Dito nakuha siya bilang secretary ng president ng kompanya. Nakuha parin siya dahil maganda ang kanyang background pagdating sa akademya . Ang ganda at talino na meron si Krystal napaibig sa kanya ang boss nito . Matatanggap kaya ni Krystal ang pagibig na alok ng lalaking nagugustuhan niya rin pero may alinlangan dahil may babaeng nakalaan para dito !!! lalo't wala siyang laban dahil isa siyang single mom . Warning this is SPG 18+ only
Romance
79 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
Romance
9.8234.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My stepbrother

My stepbrother

Dom'z Asuncion Amansec
My Possesive billionaire Step brother. Chapter 1 Isang araw mayroong dumating na bisita sa pamamahay nila Julia laking taka ng dalaga dahil masaya itong sinalubong ng kanyang butihing ina, ang lalaking papalapit sa kanilang pintuan.Mas nagulat lalo ang magandang dilag ng niyakap ng kanyang ina ang isang gwapong lalake na kung iyong titingnan mga 40 years na ang idad nito.Nang makapasok na sa kanilang tahanan agad na binati ng lalake ang dalaga. Magandang hapon saiyo hija!’bati ng lalaking kakapasok lamang. Magandang hapon din po Ginoo! Anak siya nga pala si Mr rosales!” at siya ang aking kasintahan hindi lamang iyon dahil malapit na kaming ikakasal. Nang marinig ng dalaga ang sinabi ng kanyang ina napatayo ito sa kanyang kinauupuan. Mom! nasa tamang pag iisip pa ba kayo? ilang buwan pa lang nawala ang dad nakahanap agad kayo ng bagong mapapangasawa?”pahay­ag ng dalaga sa may kalakasan na tuno. Julia ang bibig mo! Wala kang Karapatan na sigawan ako,baka nakakalimutan mong ina mo ako?”bulyaw ng ina sa dalagang anak. Walang makakapalit kay dad sa buha natin! Dahil nag iisa lang ang aking ama. Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal kami ni Mr Rosales,ang dapat mong gawin ihanda ang iyong sarili dahil nais kang ipakilala ng iyong tito hector sa kanyang nag iisang anak na lalake.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
842 viewsOngoing
Read
Add to library
He's Still The Man I Love

He's Still The Man I Love

Archidenife
Javi, a simple young girl who dream to be a doctor. Kung kailan desidido at nakaplano na ang lahat biglang nagparamdam ang kaibigan ng kuya n'ya na si Louie, isang civil engineer graduate na matagal nang may gusto sa kan'ya at nag aantay lang ng tamang panahon para ligawan s'ya at magkaroon sila ng relasyon. Taon ang lumipas nang magkita ulit sila para sabihing nagkaroon sila ng anak nang huli silang magkita. Paano kung ang ama ng kan'yang anak ay alam na may anak sila? Paano kung malaman nito na s'ya pa din ang tinitibok ng puso ni Javielle? Will they be happy together? Will they have a happy ending?
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
CURSED BY THE MOON

CURSED BY THE MOON

s4ucevenomous
Years passed, the Academy went well. A war that happened five years ago that was forgotten. No one remembers except the Royal Families. Five years have passed, the said princess of the prophecy was never been found. The last magus user of the forgotten Empire in Azaleus, the Zaffiro Empire. The Magic Realm went well but not the other Realm. The Astral Realm, where werewolves exist. In Magic Realm, werewolves are just a myth, it doesn't exist. A myth that everyone knows. Until it happened. Sa kabilang panig ng mundo, nagkakagulo ang mga mamayanan ng Amavasya. Ang Amavasya ang lugar kung saan naninirahan ang mga lobo sa mundo ng Astral. Sa kabilang panig naman ay ang mga itim na mangkukulam ang naninirahan sa lugar ng Hexe. Mainit ang dugo sa bawat panig na naninirahan sa mundo ng Astral. Matagal ng gustong makamit ng mga sorcière ang buong Astral ngunit pilit na nilalaban sila ng mga Lykos. Naging sakim ang mga sorciere lalo na noong nalaman nila ang naka saad sa propesiya na may isang sanggol na may dugong bampira at lobo ang mag hahari sa buong Astral na walang sino mang nilalang ang makakahigit doon. Isang balita na nagdulot sa mga sorciere upang patayin ang mga bagong silang na sanggol. Hindi naniniwala ang mga Lykos sa nasabing propesiya dahil alam nilang hindi totoo ang mga mga bampira, kung totoo man ito alam nilang nasa ibang dimensyon ito at malabo na makapasok sa kanilang mundo. Ngunit nag bago ang lahat ng malaman nilang isang bampira ang binigay ng Diyos ng Buwan na maging kabiyak ng kanilang Alpha. Isang bampira na may dugong bughaw. Pero imbis na itakwil nila ito, tinanggap nila ito ng buong puso at pinangakuang poprotektahan nila ito hanggang sa huling hininga. Ang bampirang lobo sa mundo ng Astral.
Fantasy
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status