Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bound to the CEO’s Revenge

Bound to the CEO’s Revenge

Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Romance
10179 viewsOngoing
Read
Add to library
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
BLOOM TRANSMAN

BLOOM TRANSMAN

Gahala
Ang kuwento na ito ay tungkol sa isang tao na maraming natuklasan ukol sa kanyang kasarian. Na humantong sa isang desisyon na hindi niya pinagsisihan.
LGBTQ+
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
His Obsession

His Obsession

"When I said no, then no." Said he. "But—" "No buts, Anna. Hindi ka lalabas, kasama ng mga kaibigan mo." -------- In her 18th birthday, when Anna Grideon turned 18, his step-brother changed. Nililimitahan nito ang pakikipagusap niya sa mga kaibigan niya, lalo na sa mga lalaki. Pinagbabawalan siya nitong lumabas kasama ang mga kaibigan niya. LAHAT ng mga kilos niya ay binabantayan at nililimitahan nito. And that changed her life.
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Hiding the Miracle Heiress

Hiding the Miracle Heiress

Dahil sa isang gabing pagkakamali ay ipinakasal si Liyanna Torres sa kanyang matalik na kaibigan na si Carlos Ballarta. Isang gwapong bilyonaryo si Carlos Ballarta. Dahil sa aksidenti niyang nagalaw ang kanyang kaibigan ay pinilit silang ipinakasal ng kanilang mga magulang. May pag-ibig kayang mabubuo? Hanggang kailan ka dapat manatili sa isang relasyon na sa simula pa lang ay ipinilit lang?
Romance
10117.1K viewsCompleted
Show Reviews (27)
Read
Add to library
CALLIEYAH JULY
Hi po ito po ang list ng mga COMPLETED STORIES ko. Baka gusto niyo po subukan. THANK YOU PO <3 1. My Secretary is a Single mom (COMPLETED) 2. Loving, Mr. Che (COMPLETED) 3. MR. BLAKE, The Mysterious Billionaire (COMPLETED) 4. HIDING THE MIRACLE HEIRESS (COMPLETED) 5. Professor's Maid (COMPLETED)
XienneGutierrez
Sooo Much Worth the Read , Not just a great story but a story to always bear in our daily lives... The Lesson.. The Reason... It's all way of life not to give up....instead always stay on the right track of life,believe in miracles and have faith in God! Congrats Author Callie. Two Thumbs Up!
Read All Reviews
Toque Lujurioso (Lustful Touch)

Toque Lujurioso (Lustful Touch)

Dahil sa bet na pinangako ng kaibigan, pumayag si Celestine sa dare ng mga kaibigan niya na halikan ang lalaking kanilang natipuhan para sa kaniya. Without hesitation she kissed the gorgeous looking man. Ang dare na dapat ay halikan lang ay nauwi sa pagtatalik sa condo unit ng binata. It was good night for Celestine, a memorable memory she ever experienced...until she meet her new boss.
Romance
10696 viewsOngoing
Read
Add to library
In Ninong Santino's Bed

In Ninong Santino's Bed

Hindi naging madali ang buhay ni Cataleya Lorenzo. Lumaki siyang walang ina at ang tanging pamilya niya ay ang ama niyang palaging abala pero kailanma’y hindi siya pinabayaan. Sa Amerika siya nagkaisip, malayo sa mundong tunay niyang pinagmulan. Pagbalik niya sa Pilipinas, isang linggo pa lang ang lumilipas nang ipakilala sa kanya ng ama ang matalik nitong kaibigan—si Santino Rosales. Matagal na niyang naririnig ang pangalang iyon, pero hindi siya handa sa kung anong klaseng presensya ang sasalubong sa kanya. Walang nabanggit ang ama niya tungkol sa lalaking may tinging kayang tumagos sa laman, tinig na malamig pero nakakakuryente, at lakas ng loob na hindi mo puwedeng bale-walain. Si Santino Rosales ay isang kilalang propesor, negosyante, at taong hindi basta nalalapitan. Pero habang tumatagal, lalong nahuhulog si Santino sa bitag ng sarili niyang damdamin. At nang biglang bawian ng buhay ang ama niya sa isang aksidente, naiwan siyang walang mapuntahan kundi ang bahay ni Santino. Sa huling hiling ng ama niya, ito na ang magiging tagapangalaga niya. Ngunit sa bawat araw na magkasama sila, sa bawat tahimik na gabing sila lang ang naroroon, mas lalong humihigpit ang tali ng damdaming hindi dapat umusbong. Anong gagawin niya kung ang nag-iisa niyang tagapagtanggol ay siya ring lalaking unti-unting bumibihag sa puso niya?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
Romance
10562 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Zander Frovizo

Chasing Zander Frovizo

youreminestrawberry
Zander Frovizo was her besfriend since his day one in the orphanage. Bata pa lang, hinahangaan na ng babaeng si Novelyn Basañes ang kaibigan na lalaki. Malapit sila sa isa't isa at palaging pinoprotektahan ni Zander ang kaibigan niyang babae. Hindi sila mapaghiwalay. Magkasama sa hirap at ginhawa. Ngunit, ang maginhawang buhay ni Novelyn kasama ang kanyang pinapangarap na makasama habang buhay ay sa isang iglap, napalayo sa kanya. She thought she lost him at hindi na niya maibabalik iyong pagkakaibigan nila. After several years of carrying the pain, nagpakita sa kanya ang kaibigan niya at minuto pa lang ay napaibig na siya nito ulit. She became more possessive and obsessed with him. Ang gusto niya lang ay makuha ang lalaki at maitali na sa kanya habang buhay. Ngunit, makakaya niya nga ba ang kagustuhan sa isang tao na nalimutan na siya at ang pinagsamahan nila? Zander couldn't remember her or their past. Ni pangalan niya ay hindi maalala nito. Magtatagumpay kaya siya sa pag angkin rito kahit na hindi siya maalala ng lalaki? O susuko nalang siya at aalamin ang mga nangyari sa kaibigan noong hindi sila magkasama?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status