Married with a Stranger

Married with a Stranger

last updateLast Updated : 2022-02-25
By:  The Unknown SideOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
20Chapters
10.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.

View More

Chapter 1

Prologue

Prologue

Ada’s Point of View

Naglalakad ako sa isle habang nakatitig sa lalaking nag-aantay sa dulo ng simbahan na nakasuot ng puting gown na pangkasal at hindi maalis ang gulat sa emosyon ng mukha ko, nang makilala ang lalaking pakakasalan ko.

Si Nik, ang lalaking nagligtas sa akin nang may magtangkang g******a sa akin sa party ng matalik kong kaibigan na si Jane at hindi ako makalaban dahil sa kalasingan, ang lalaking nakasama ko sa pagbabakasyon sa La Union ng isang gabi at ang unang lalaking nakahalik sa akin.

Ngayon ko lang nakilala ang mapapangasawa ko sa araw pa mismo ng kasal ko dahil matapos ipagkasundo ni Papa sa Tatay ng mapapangasawa ay hindi man lang nag-aksaya ng oras ang lalake, na makipagkita para makilala ako ng personal. Kaya ngayon ay nagulat siya na iisa pa lang ang lalaking hinahanggaan at ang mapapangasawa ko.

Nang makalapit na kami ni Papa kay Nik ay inabot ni Papa ang kamay ko sa kaniya na tinanggap naman niya. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo pa at seryosong nakatitig sa akin si Nik.

“Ingatan at alagaan mo ang anak ko,” bilin ni Papa kay Nik kaya napatingin ako sa kaniya.

“Opo,” tipid na tugon ni Nik.

Tumingin sa akin si Papa at nakangiti siya saka hinaplos ang pisngi ko dahilan para makadama ng lungkot dahil ngayon ay ikakasal na ako at mapapalayo na kay Papa. Hindi man ganoon kabuting ama si Papa sa amin ni Ate Anastasia ay mahal na mahal ko pa rin siya. Lumaki ako na hindi naramdaman si Papa dahil lagi siyang abala sa trabaho at sa tuwing makakasama ko siya ay parang tau-tauhan niya kami ituring na laging pinapasunod sa lahat ng gusto niyang gawin.

Kagaya na lang ang pagpapakasal ko sa anak ng matalik na kaibigan ni Papa. Ipinagkasundo na lang niya ako na hindi man lang inaalam sa akin kung papaya ba ako o hindi subalit dahil wala naman akong magagawa ay umayon na lang din ako na walang kahit anong narinig sa akin si Papa. Napabuntonghininga ako at doon na kami iniwan ni Papa.

“It’s nice to see you again.”

Napalingon ako nang marinig ang pagsasalitang iyon ni Nik at napansin ang nakangising labi niya sa akin.  Hindi siya mukhang masaya sa kasal na ito kagaya ko at mas nakikita niya na parang galit o disappointed siya sa kinahinatnan ng buhay nila ngayong araw. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil nag-umpisa na ang pari sa pagsasalita habang dama ko ang ilang habang patuloy ang kasal naming ngayong araw.

Sa isang beach resort kami nagpunta matapos ang kasal kasama ang kanilang mga magulang at pati na rin ang mga imbitado. Lahat ay masaya maliban lang sa aming dalawa ni Nik na hindi man lang nag-usap at puro pekeng ngiti lang ang ginawa ko sa mga imbitadong bumabati sa kanila.

Nakakapagod ang buong maghapon at matapos ng kasal ay sa penthouse sa hotel din na alam kong pagmamay-ari ng pamilya ni Nik kami dumiretso. Napuno ng kaba ang dibdib ko dahil ngayon ay kaming dalawa na lang ang magkasama sa isang lugar at hindi ko alam kung paanong magsisimulang kausapin si Nik.

“Are you hungry? We can order food,” alok sa akin ni Nik dahilan para mapatingin ako sa seryosong mukha niya.

Ang gwapo pa rin niya kahit seryoso ang mukha niya at bumagay sa katawan niya ang suot nitong blue na suit na kanina ay hindi ko masiyadon napansin.

“H-hindi. Busog ako,” tanggi ko. “N-Nik, kilala mo na ba ako bago nangyari ang kasal—“

“No. I was also surprised to see you earlier. You will be my wife, the woman who agreed to the agreement to marry me,” tugon sa akin ni Nik.

“B-bakit kasi hindi ka nagpakilala noong una pa lang na ipinagkasundo tayo para sana hindi tayo nagkagulatan,” tugon ko naman.

“Dahil wala akong pakealam sa babaeng mapapangasawa ko,” walang gatol na sabi ni Nik sa akin.

Gulat na napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan na diretsahang sasabihin niya sa akin ang katagang iyon at parang wala siyang pakealam sa mararamdaman ko.

“I know that the reason why she will marry me is because of my wealth and my name. So do you think I will be interested in getting to know you?” dagdag pa ni Nik na may halo nang pang-iinsulto sa kaniya.

“N-nagkakamali ka. H-hindi ako ganoong klase ng babae,” nauutal kong tugon.

“Bakit natatakot ako? Hindi ko dapat maramdaman ang takot dahil iniinsulto ako ng lalakeng kaharap ko at dapat matapang kong ipaglaban ang sarili ko,” sigaw ng isip ko.

“Hindi ba? Kung ganoon bakit ka nagpakasal sa akin? Ang sabi ni Dad ay wala ka man lang naging pagtutol sa kasal na ito at pumayag ka kaagad?” tanong ni Nik sa akin.

“D-dahil wala rin akong magawa! Hindi ko kayang tutulan ang gusto ni Papa—“

“Iyan naman ang dinadahilan ng lahat ng mga babae. Wala silang magawa dahil mahina sila,” putol ni Nik sa sasabihin ko sana.

Nasaktan ako sa lahat ng mga sinasabi ni Nik ngayon sa akin at nagbago ang tingin ko sa kaniya dahil nakilala ko siyang mabait at gentle man na tao noon kahit pa saglit na pagsasama lang nila iyon.

“I was disappointed to know that you are just like other women whose only desire for a man like me is wealth, so even if they don't know who to marry, they will still marry just for wealth. Behind your gentle face hides an ambitious woman.”

Nakagat ko ang aking labi upang pigilan ang luhang maaaring pumatak sa mga mata ko dahil sa masasakit na salitang narinig ko mula kay Nik.

“Pero dahil nandito na rin naman tayo ay tatanggapin ko na rin. Since you have already chosen to agree on this marriage agreement, I hope you are also prepared for the consequences that you will face. And I was hoping you could make me happy tonight on our honeymoon,” sabi pa ni Nik na ikinalaki ng mga mata niya.

Pero mas nagilalas ako sa unti-unting pag-alis ni Nik sa mga saplot niya habang matiim ang pagkakatitig niya sa akin na may halong pagn*n*sa sa mga tingin niya sa akin.

“Sulitin natin ang gabing ito dahil bukas ay aalis ako at magpupunta ng Russia para asikasuhin ang negosyo ko.”

“Aalis siya iiwanan niya ako?” hindi makapaniwalang tanong ko sa isip.

Matapos ang gabing ito ay iiwanan ako ni Nik para sa negosyo. Ganoon ako kaayaw ni Nik na makasama kaya kinabukasan ay aalis siya at hindi man lang nila magagawang kilalanin ang isa’t-isa lalo pa at mag-asawa na kami.

Nakadama ako nang matinding lungkot. Hindi sana ako makakapasok sa ganitong sitwasyon kung hindi nagdesisyon si Papa na ipakasal sa lalaking hindi ko kilala at hindi sana sasama ang tingin sa akin ni Nik kung hindi kami umabot sa ganitong kasunduan. Muli ay unti-unting bumabalik sa alaala ko ang nakaraang pangyayari bago sumapit ang kasal naming ito ni Nik.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
valerianomonton1718
pa update nmn po pls thanks ...
2023-02-15 14:11:28
0
user avatar
Eileen Monced
pa update nmn po please
2022-12-12 16:27:42
1
user avatar
Eileen Monced
pa update namn po pls thank you ...
2022-12-03 18:06:27
3
user avatar
Lani Olaybar Barimbao
update pleasessss
2022-09-06 22:14:29
1
user avatar
sara zapata
en español por favor o ingles
2022-06-12 22:50:05
0
20 Chapters
Prologue
PrologueAda’s Point of ViewNaglalakad ako sa isle habang nakatitig sa lalaking nag-aantay sa dulo ng simbahan na nakasuot ng puting gown na pangkasal at hindi maalis ang gulat sa emosyon ng mukha ko, nang makilala ang lalaking pakakasalan ko.Si Nik, ang lalaking nagligtas sa akin nang may magtangkang gumahasa sa akin sa party ng matalik kong kaibigan na si Jane at hindi ako makalaban dahil sa kalasingan, ang lalaking nakasama ko sa pagbabakasyon sa La Union ng isang gabi at ang unang lalaking nakahalik sa akin.Ngayon ko lang nakilala ang mapapangasawa ko sa araw pa mismo ng kasal ko dahil matapos ipagkasundo ni Papa sa Tatay ng mapapangasawa ay hindi man lang nag-aksaya ng oras ang lalake, na makipagkita para makilala ako ng personal. Kaya ngayon ay nagulat siya na iisa pa lang ang lalaking hinahanggaan at ang mapapangasawa ko.Nang makalapit na kami ni Papa kay Nik ay inabot ni Papa ang kamay ko sa kaniy
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more
Chapter 1
Chapter 1Ada’s Point of ViewNgayong araw ay hindi ko naisipang lumabas ng bahay at ang tanging gusto ko lang gawin ay magbasa ng libro na hawak ko sa aking kamay habang kalmadong nakaupo sa malambong kong upuan at nasa lanai ng kwarto ko. Damang-dama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko at ang presko niyon dahil sa mga puno at halaman sa paligod ng aming bahay.Mahilig magtanim ang Mama ko noong hindi pa raw ako pinapanganak at lahat ng mga halaman at mga puno sa paligid ng bahay na may malawak na lupain ay si Mama ang nagtanim na mas matanda pa sa akin. Ang nagkwento niyon sa akin ay si Yaya Perla na nagpalaki na sa akin at itinuring ko ng pangalawang ina dahil pumanaw na si Mama sa pagkakapanganak sa kaniya.Ngayong naalala ko si Mama na maagang nawala sa buhay ko ay nakadama ako ng kalungkutan dahil sobrang pangungulila ang pakiramdam ko dahil wala akong ina at palagi pang wala si Papa at kung nandi
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more
Chapter 2
Ada’s Point of ViewPresent“What? Why are you now just stunned there? Shouldn't you be undressing now in front of me because tonight is our honeymoon?” untag sa akin ni Nik dahilan para bumalik ako sa reyalidad at matigil and pag-iisip ko ng nakaraan.Napatingin ako sa mukha ni Nik na nakangisi at hindi masayang makasama ako ngayong gabi sa hotel na ito at hindi masaya na ikinasal kami.“Sa tingin ko ay dapat na muna tayong mag-usap ng masinsinan, Nik—““Stop calling me Nik!” inis niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya.Nilapitan ako ni Nik at hinawakan ang dalawang balikat ko habang nakatitig sa mga mata ko na punong-puno ng pagnanasa pero may poot din sa bahagi ng emosyon ng mga mata niya ay iyon ang nakakapagpadama sa akin ng takot at nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ang Nik na ngayong kasama ko ay ibang-iba sa Nik na nakasama k
last updateLast Updated : 2022-01-21
Read more
Chapter 3
Ada’s Point of ViewFlashbackNakatanggap ako ng tawag mula sa matalik kong kaibigang si Jane. Pinaalalahanan ako ni Jane sa kaarawan niya na sa susunod na araw gaganapin at sa bahay niya pagdarausan kaya ako tinawagan. Nakapagpaalam na ako kay Papa at pinayagan naman niya ako subalit dahil sa nalaman kahapon ay bigla akong nawalan ng gana hanggang ngayon para lumabas ng bahay o makisaya kasama ang mga kaibigan.“Ano? Ipinagkasundo ka ng Papa mo kung kaninong mayaman na lalake?” hindi makapaniwalang sabi ni Jane nang maekwento ko ang nangyari kahapon.“Oo at hindi ko nagawang tumanggi dahil sa takot ko kay Papa,” malungkot na tugon ko.“Sana tumanggi ka? Ipinaglaban mo ang karapantan mo!” Mataas na ang boses ni Jane at halatang hindi rin gusto ang naging desisyon ni Papa para sa akin.“H-hindi ko kaya.”“Iyan ang problema sa’yo
last updateLast Updated : 2022-01-28
Read more
Chapter 4
Ada’s Point of ViewNagpunta ako sa opisina ni Papa sa bahay sa gabing iyon dahil gusto ko sana siyang makausap at magpapaalam na rin na magbakasyon kahit isang lingo lang kasama si Jane. Sinabihan kasi ako ng kaibigan na magbakasyon na muna habang inaayos pa lang naman ang kasal ko at para na rin kahit paano bago ako ikasal sa taong hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala ng personal sa akin ay makapagliwaliw na muna raw ako.Naisip ko rin na magandang ideya iyon para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nadarama rito sa puso ko lalo pa at tanggap ko na ang katotohanang ikakasal na ako at sa taong hindi ko pa kilala. I will marry a stranger because of the agreement between my Dad and his best friend, and I can't object to that agreement. I don't have the right to do that.Napabuntonghininga ako saka kumatok sa pinto ng opisina ni Papa.“Come-in,” nag-uutos na boses ni Papa ang narinig ko kaya pinihit ko na ang pinto
last updateLast Updated : 2022-01-31
Read more
Chapter 5
Ada’s Point of ViewNagulat ako at bumalik sa reyalidad nang maramdaman ko ang kamay ni Nik sa isa kong dibdib at minasahe iyon. Napatingin ako sa kamay niya at naramdaman ko ang init ng kamay niyang humahagod nang marahan sa dibdib ko.“Tell me if you don't want to do it? By the time you told me you didn't want to, I would stop what I was doing,” mahinahong sabi sa akin ni Nik kaya napatingin ako sa malamig niyang mga tingin sa akin.If I tell him to stop because I don't like what he's doing, will he change his mind about me? Will his anger go away and be replaced by happiness like when we first got together that night?Hindi ko na namang napigilan ang mga luha ko sa pagtulo at pinahid niya iyon saka inalis ang kamay niya sa dibdib ko.“Hindi ako namimilit ng babae kaya kung ayaw mong magtalik tayo ay hindi kita pipilitin,” malamig na sabi ni Nik sa akin saka umalis sa pagkakadagan sa katawan ko.
last updateLast Updated : 2022-02-02
Read more
Chapter 6
Ada’s Point of ViewFlashback“Mukhang close na kayo ng gwapong kaibigan ni Kuya Loki,” nanunudyong pansin ni Jane sa akin nang makita niyang bumalik ako sa Cabin at inihatid ako ni Nik.Namula kaagad ang mukha ko sa panunudyo ni Jane at umiwas ng tingin sa matalik na kaibigan saka nagmamadali nang pumasok sa loob ng Cabin pero sinundan siya papasok ni Jane at umupo sa kama na inupuan ko.“Papasa siyang maging unang lalaking wawasak sa iyong kabirhinan,” nakangising sabi pa rin ni Jane dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.“Ano ka ba! Kung anu-ano na naman iyang lumalabas sa bibig mo!” sita ko kay Jane.“Bakit? Huwag mong sabihing ibibigay mo iyan sa lalaking hindi mo naman kilala na pakakasalan mo? Paano kung saksakan pala ng pangit iyon? Ibibigay mo iyan na sa ganoong tao?”“Oo. Asawa ko naman na siya dahil i
last updateLast Updated : 2022-02-04
Read more
Chapter 7
Ada’s Point of ViewPagsapit ng alas-siyete ng gabi ay sinundo na ako ni Nik, nakasuot siya ng khaki short na lagpas tuhod, kulay blue na polo at bukas ang apat na butones kaya kita ang balbon niyang dibdib habang siya ay floral dress na kulay red at bagay na bagay ang suot nilang parehas sa beach na kinaroroonan nila.Natawa pa kaming dalawa ni Nik nang makita naming ang halos parehong attire namin. Hindi naman kasi kami nag-usap ng susuotin subalit mukhang nagkasundo ang utak namin at pang-beach talaga ang naisip naming attire sa date naming dalawa.Inalalayan ako ni Nik na bumaba sa maliit na hagdanan ng cabin at naglakad na kami ng magkasabay sa buhangin ng beach.“So, saan mo gustong mag-date tayo?” tanong ni Nik sa akin.“Ikaw na ang bahalang mag-isip. Wala naman kasi akong ideya sa pakikipag-date dahil ngayon pa lang ako umu-o sa nagyaya sa akin,” tugon ko sa kaniya.“Gusto mo date
last updateLast Updated : 2022-02-05
Read more
Chapter 8
Ada’s Point of ViewONE YEAR LATERAbala ako sa ceramic shop ko dahil sa dami ng customer na dumarating ngayong araw. Nagkaroon kasi ng malaking sale sa mga produkto sa shop ko dahil isang-taong anibersayo ng pagbubukas ng Ada’s Ceramic Shop at bilang pagsasaya ay nagkaroon ng fifty percent sale at dahil magaganda at hindi talagang high class ang mga produkto na ako mismo ang gumawa ay talagang dinayo at binili ng maraming customer.Iba-ibang uri ng ceramic ang nasa shop ko. May plato, vase, tea cup at marami pang iba na gawa sa mamahaling clay na ako ang gumawa o hindi kaya ang binili ko sa iba’t-ibang bansa. Nakapagpatayo na rin ako ng pottery shop na pinapangarap ko at dahil na rin iyon sa tulong ni Nikola. Isang-araw na pamamalagi ko sa bahay niya ay pinuntahan ako ng tauhan ng asawa ko at sinabing mag-umpisa na magtayo raw ako ng negosyo na gusto ko.Naisip ko noon na maaaring natandaan ni Nikola ang pinag-
last updateLast Updated : 2022-02-06
Read more
Chapter 9
Ada’s Point of ViewNgayong gabi ay nasa maingay, amoy alak, sigarilyo at iba’t-ibang putahe ng pagkain sa paligid ang kinaroroonan ko ngayon. Dinala na naman kasi ako ni Jane sa isang bar at pang-apat na beses na iyon. Mabuti na lang, hindi araw-araw akong niyayaya mag-bar ni Jane at dalawang-beses lang sa isang linggo kaya hindi ako palaging puyat at naasikaso ko pa ang shop ko.Nasa upuan ako habang umiinom at si Jane naman ay nasa dance hall saka sumasayaw kasama ang lalaking nakilala lang niya sa bar.“Nag-iisa ka?”Nagulat ako na napatingin sa nagsalita saka umupo siya sa upuan sa harapan ko.“Loki?” gulat na sabi ko. “Anong ginagawa mo—“Napatingin ako kay Jane na masaya pa ring umiindak sa dance hall. Alam ko na kung bakit nandito si Loki at marahil dahil sa kapatid niya.“Paano mo nalaman na nandito kami?” tanong ko sa kaniya.Hindi nawa
last updateLast Updated : 2022-02-07
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status