Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Babysitter's Hot Deal with the Jerk

Inosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
Romance
107.0K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Captivate the Mafia Boss

Captivate the Mafia Boss

Lil_Simple9
Farrah Louise Alvarez, a 23 years old optimistic woman who fell in love with a mafia boss. Nasaksihan niya kung gaano ka-brutal pumatay ng tao ang taong nagugustuhan niya, ngunit mas lalo pa siyang nahulog dito sa halip na katakutan niya ito. Siya rin ay gumaganap na isang ina sa isang batang kan'yang inampon. Grayson Harvey Lewis, the 28-year old Mafia boss, and the ruthless man that can kill anyone except the innocent ones. Kaya niyang patayin ang sinumang humarang sa kan'yang mga plano at ang mga traydor sa kan'yang paligid. Lalo pa't kailangan niyang malaman ang nangyari sa kan’yang ama at hanapin ang bangkay nito. Sa pagku-krus ng landas ng dalawa ay parehong nag-iba ang takbo ng kanilang buhay. Humingi ng pabor si Gray kay Farrah na magpanggap na asawa nito kapalit nang pananatili niya sa bahay nito upang hindi makuha ng kan’yang madrasta ang lahat ng pinaghirapan ng kan’yang ama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagpapanggap ay hindi inaasahan ng dalawa na magkakaroon sila ng mas malalim pang ugnayan. Lalo na’t isa sa layunin ni Farrah ay ang mabihag ang puso ni Gray. Magpatuloy pa kaya si Farrah na pa-ibigin si Gray sa kabila nang mga darating na mga problema sa buhay nila? Ang pagpapanggap ba nila ang magiging susi tungo sa inaasam nilang layunin?
Romance
1.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

When Love Lost Its Way : The Billionaire's Mistake

Pagkatapos ng tatlong taong pagpapakasal, Ryah Zovee realized her husband, Grayson Kai Sandoval, true priorities lay with his first love, Zoe Klein. Hindi maramdaman ni Ryah ang pagpapahalaga sa kaniya ni Grayson kahit sa family gathering o business magmula noong dumating si Zoe. Tanging kay Zoe siya nakatuon. Isang araw ay sinabi ni Grayson na si Zoe ang dapat mamahala sa kumpanya at siya ang may karapat-dapat sa posisyon kaysa kay Ryah. Dahilan iyon para masaktan siya ng lubusan at gumawa ng desisyon na umalis. “Kaya kong buhayin ang anak ko. Our paths have diverged, and it's best if we part ways.” Pagkatapos ng maraming taon, binago ni Ryah ang kaniyang pamumuhay. Mabilis siyang umangat sa kaniyang negosyo at nagkaroon ng koneksiyon sa iba't ibang tao, lalo na sa isang CEO na siyang may-ari ng pinakamalaking kumpanya. Kalaunan, biglang dumating si Grayson na humihingi ng kapatawaran. Bumungad sa kaniya ang nagtatanong na si Ryah. “Para saan pa? Grayson? ” Ngunit hindi inaasahan ay dumating ang CEO, claiming Ryah and their daughter as his own. "You're too late," the CEO declared, his possessiveness unmistakable. "She's mine, and I'll do whatever it takes to keep her and our daughter safe." Mapapatawad nga kaya ni Ryah si Grayson? O mananatili nang sarado ang puso ni Ryah para kay Grayson dahil sa pagkakamaling nagawa nito?
Romance
10608 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

INSTANT BILLIONAIRE (Tagalog)

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
1027.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
ONE NIGHT: MAFIA BOSS

ONE NIGHT: MAFIA BOSS

MAAGANG NAULILA, NAGHIRAP, AT TANGING TAGPI-TAGPING YERO LANG ANG TINUTULOYAN. Kahit ganito ang naranasan ni Magdalena, hindi ito naging hadlang upang itaguyod ang kanyang limang taong gulang na kapatid. Sa murang edad, naranasan ni Magdalena ang magtinda ng iba't ibang bagay. Kahit na dose-anyos pa lang siya, mayroon na siyang alindog na nais makamtan ng mga masamang taong nakapaligid sa kanya. Isang araw, habang naglalako kasama ang kanyang kapatid upang magkaroon sila ng makakain araw-araw, hindi inaasahan ni Magdalena ang munti na itong magahasa sa kanya. Ngunit buti na lang, mayroong isang mabuting binatilyo na tumulong sa kanya. Mula noon, laging iniisip ni Magdalena ang kanyang naging hero sa buhay. Ngunit hindi alam ni Magdalena na ang taong tumulong sa kanya ay isang malupit na Mafia Boss. Lumipas ang maraming taon, naging ganap nang dalaga si Magda, tanging elementary lamang ang kanyang natapos. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, may masamang nangyari sa kanyang bunsong kapatid. Sa halagang kalahating milyon upang mailigtas ang kapatid, nagawa niyang ibenta ang katawan sa makapangyarihang tao na magbubukas ng bagong yugto sa buhay ni Magdalena. Ngunit hindi niya alam na ang taong kanyang pinag-alayan ng kanyang puri ay isang Mafia Boss na tinuring niyang hero ng kanyang buhay.
Urban
925.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Bought by the Devil

Bought by the Devil

Alexandra Wang
"Oh princess... love was never my religion but I'd devote my whole life to you." Lumaki si Amira na hindi man lang naranasan na makatanggap ng pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Palibhasa ay madalas nauutal at tahimik, mas pinapaburan ng kanyang mga magulang ang kanyang Ate Alysa, na maliban sa napakaganda ay napakatalentado pa. Kaya hindi na nagtaka ang dalaga nang sa halip na ang kanyang nakakatandang kapatid ay siya ang ipinagbili ng mga ito, upang masagip ang papaluging kompanya ng kanilang pamilya. At para siyang papanawan ng ulirat nang malaman niyang ipinagbili siya ng kanyang magulang kay Yasir Reza, ang pinakamayaman-at pinakawalang-puso-na lalaki sa buong siyudad. Alam niyang panganib ang hatid ni Yasir. Kung hindi kamalasan ay higit lang na pasakit ang kanyang matatanggap. Walang puso ang pagkakakilala ng mga tao sa lalaki, at halos lahat ng mga napapangasawa nito ay namamatay, kung hindi man nakikipaghiwalay sa bilyonaryo. Nakikinita na ni Amira ang kahihinatnan niya. Ngunit kahit na alam niya ang peligro na bitbit ng kanyang asawa, hindi niya masawata ang pintig ng kanyang puso nang sa unang gabi nila ay masuyo siya nitong hagkan... Si Yasir na ba ang anghel na magpaparanas sa kanya ng walang katumbas na pagmamahal, o ito ang demonyong magdudulot ng higit pang pait sa puso niya?
Romance
1.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Stephanie, the Mafia Queen

Stephanie, the Mafia Queen

"I, Stephanie Orlov, promise in my faith that I will in the future be faithful to the Imperatum, never cause him harm, and will observe my homage to him completely against all persons in good faith and without deceit." To be a part of Imperatum, one of the most famous maf!a organizations in the world, the oath of fealty must be fulfilled. At hindi basta-basta kayang basagin ng kahit ano at kahit sino ang sumpaang 'yon, not even the maf!a lord himself. Bata pa lamang si Stephanie ay napilitan na siyang sumumpa dahil sa mga taong kumupkop sa kaniya. She picked a kn!fe on her first birthday instead of a toy, and learned to use a gün first instead of a pen. Miski and foster parents niya ay hindi inaasahan ang instinct nito lalo pa at hindi naman siya tunay na anak ng mag-asawa. Kaya naman napagdesisyunan nilang imulat ang munting bata sa mundo na kanilang kinalakihan. And when Stephanie turned twenty-four, binigay sa kaniya ang isang titulo na iilan lamang ang nakatatanggap-the title of a maf!a queen. She's now the leader of the fifth division directly under the Imperatum corporation. She was doing good in life. Proud ang parents niya sa naatim niya sa organization. She established a good relationship with different maf!a corporations. She was respected and feared at the same time. Ngunit sa pagdating ng isang hindi inaasahang tao sa buhay niya, magsisimulang matibag ang pundasyong tinayo niya. Will Ava Ramos, the most sought out billionairess in town, be able to tame the ruthless maf!a queen? O isa lang siya sa mga magiging laruan nito gaya ng iba?
Romance
105.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
TAKE ME BACK: The Engineer's Regret

TAKE ME BACK: The Engineer's Regret

Nang malaman ni Christelle Alessandra Galvez na s'ya ay nagdadalang tao ay excited s'yang ibalita ito sa kanya nobyo, kay Mir Leonel Alejandro, she wanted to surprise him on their fourth year anniversary but fate twisted when she caught her boyfriend cheating on her with her school mate, Sabrina. Nakipag hiwalay si Leonel kay Christelle at dahil nga buntis si Christelle ay nagmakaawa ito kay Leonel na wag itong ipagpatuloy, ngunit kahit sinabi na ni Christelle na buntis ito ay tuluyan  pa ding nakipag hiwalay si Leonel matapos ang masasakit na salitang binitawan nito kay Christelle. ------- Walong taon matapos ang nangyari at muling nagkita sina Christelle at Leonel sa isang coffee at dahil gustong makabawi ni Christelle ay nagkunwari itong hindi kilala si Leonel. Leonel couldn't accept the fact that Christelle denied him so, he did something unbelievable ---- He kidnapped Christelle and brought her in the middle of the sea where they are the only people there. Christelle got mad at him and to ease Christelle's anger Leonel brought up an agreement, they will stay together on the yatch for a week nang hindi nag-aaway and after that, the agreement was off and Christelle can go back to her old life. Pumayag si Christelle sa paniniwalang wala namang ibang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo. but the question is... What could possibly happen for week? Can she really hold her anger towards him until the end of their agreement?
Romance
107.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)

Atty. Roxanne Gomez thought she had it all — a thriving career and a peaceful life ahead. Pero isang gabi, gumuho ang lahat. Pag-uwi niya mula sa panalo niyang kaso, natuklasan niyang may ibang minamahal ang asawa niya — isang matandang lalaki na matagal nang kaibigan ng pamilya nila. Doon niya nalaman ang matinding katotohanang ginamit lang siya ni Julian bilang panakip sa tunay niyang pagkatao. Sa gitna ng sakit at pagkadurog, pinili ni Roxanne na magpakalayo at magpakalunod sa alak. Ngunit pagmulat ng mata niya kinabukasan, natagpuan siya sa piling ng isang lalaking hindi niya inakala na magiging bahagi ng kanyang buhay — si Mateo Ramirez, ang tiyuhin ng asawa niya. Isang gabing puno ng luha at kalasingan ang nagbunga ng isang kasalanang hindi niya matatakasan. Parang gumuho ang mundo ni Roxanne nang malamang siya ay buntis. At ang ama ng dinadala niya ay ang mismong tiyuhin ng asawa niyang minsang sumira sa kanya. Habang sinusubukan niyang takasan ang nakaraan, unti-unti namang tumitibok ang puso niya para kay Mateo — ang lalaking hindi niya dapat minahal, ngunit hindi rin niya kayang talikuran. Ipaglalaban ba ni Roxanne ang bawal na pag-ibig, o susunod sa katahimikan at reputasyon ng lahat? Paano kung ang tanging kasalanan niya… ay ang magmahal ng maling tao sa tamang panahon?
Romance
10808 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3334353637
...
44
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status