The Ceo's Gentle Offer (Tagalog)
Mira Dela Cruz, isang determined pero struggling IT graduate mula sa probinsya, ay halos mawalan na ng pag-asa matapos ang sunod-sunod na job rejection—hanggang sa isang araw sa park, isang lalaking presentable at gwapo ang nagkamali ng akala sa kanya. Akala’y isa siyang bayarang babae.
“Hi miss, if you’re available tonight... I’ll pay—just once.”
Ito ang unang katagang binitawan ni Ethan Alexander Reyes—ang CEO ng isa sa kilalang successful IT company sa bansa. Isang lalaking seryoso, focused sa trabaho, at ni minsan ay hindi pa nagmahal.
Hindi niya inakalang ang babaeng inalok niya ng isang gabi sa hotel ang magiging simula ng kanyang unang pag-ibig.
Isang malakas na pagtangi ang tinanggap ni Ethan mula kay Mira nang hindi siya maniwala na isa siyang matinong babae.
“Layuan mo ako! Kadiri ka. Baboy mo!”
Ang hindi alam ni Mira ang lalaking iyon din pala ang magiging bago niyang boss, at siyang magbibigay sa kanya ng panibagong pag-asa.
“I’ll match whatever the other companies offer, even higher—just say yes. I need someone like you here, Miss Mira Dela Cruz.”
Ayaw man ni Mira na makatrabaho si Ethan, wala na siyang nagawa. Malaki ang oportunidad na dumating, at hindi niya ito kayang palampasin.
Naniniwala si Ethan na ito’y tadhana—lalo’t pareho sila ng mundo. Simula pa lang, may naramdaman na siya.
Love at first sight? Maybe.
"Do you believe in destiny? Because I do. I just hope this time, I get it right."