Bound by Fate: A Love Rekindled (TAGALOG)
Isang pamilyar na boses ang narinig niya, isang boses na matagal niyang hindi narinig.
"Thalia, ikaw na ba talaga 'yan?"
Napalingon siya, at sa gulat, natigilan siya.
Isang matipunong lalaki ang pumasok, may matikas na tindig at nakangiting lumapit sa kanya. Si Nathan, isang matagal na niyang kaibigan na may-ari ng gym sa kabilang kalsada. Noon pa man, magkaibigan na sila, at madalas siyang nililibre nito ng kape sa tuwing napapadaan siya sa gym.