The Billionaire's Surrogate Bride
“She was untouched, innocent, and desperate.
He was ruthless, dominant, and determined to have an heir.”
---
Nang mag-apply si Solenne Villareal bilang maid sa mansyon ng isang bilyonaryo, ang tanging hangad lang niya ay magkaroon ng maayos na trabaho para maipagamot ang kanyang inang may sakit. Pero sa mismong araw ng pagpirma niya ng kontrata, biglang tumawag ang kapatid niyang si Julian—isinugod daw sa ospital ang kanilang ina matapos atakihin ng seizure. Sa sobrang kaba at takot, hindi na nabasa ni Solenne ang buong kontrata. Pinirmahan niya ito nang hindi iniisip ang magiging kapalit.
The next morning, she learned the devastating truth. She wasn't hired as a maid. She was chosen as a surrogate bride.
Ang kanyang employer, si Caelum Valtieri, ang cold at merciless billionaire, ay sinabi ang totoong nilalaman ng pinirmahan niyang kontrata. Siya ay magiging surrogate mother ng magiging heir nito at sa loob ng isang taon ay magsasama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Bilang kapalit, ipagagamot ang kanyang nanay na may sakit at tutustusan ang pag-aaral ng kapatid niya hanggang sa makapagtapos ito.
Gustong mag-back out ni Solenne nang malaman ito, pero nang makausap niya ang doktor na sumusuri sa kanyang Nanay Emilia ay sinabing kailangan nitong maoperahan kaagad, kung hindi ay baka manganib ang buhay nito. And with no choice left, she accepted the bargain that chained her to the man she feared the most.
Para kay Caelum, isa lang siyang kontrata—isang sisidlan para sa tagapagmana.
Para kay Solenne, siya lang ang natitirang pag-asa ng kanyang ina.
Ngunit sa kasal na sinelyuhan ng desperasyon at kapalit na buhay, posible kayang mamagitan ang pag-ibig sa pagitan ng isang ruthless CEO at ng inosenteng babaeng napilitang ibigay ang lahat?