Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
EX WITH BENEFITS (TAGALOG)

EX WITH BENEFITS (TAGALOG)

WARNING: MATURE CONTENT/R-18 Si Mildred Vergara, na mas kilala ng marami bilang Mild, ay isang happy-go-lucky at spoiled brat na tagapagmana ng Vergaras, isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Lahat ng gusto niya ay madali niya lamang nakukuha; kung ano ang gusto niya ay kung ano ang napapasakaniya. Hanggang sa malaman niya ang nakakagulat na balita sa kanyang buhay: gusto ng kanyang mga magulang na ipakasal siya. Sa kagustuhan niyang madiskaril ang plano ng kanyang mga magulang, naisip niyang gumawa ng pinaka pinakamalokong desisyon na nagawa niya sa buhay niya. Nagpasya siyang puntahan ang kanyang dating kasintahan, na anim na taon niyang hindi nakikita o nakakausap, at humiling siya rito na magka-anak sila.
Romance
6.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Will You Love Me? (BL)

Will You Love Me? (BL)

Anong gagawin mo kung isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang best friend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.
LGBTQ+
6.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

CowardTheBrave
Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.
LGBTQ+
106.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Painful love

Painful love

“First Love Never Dies,” sabi nila. Kaya naman kahit lumipas na ang ilang taon ay iisang babae pa rin ang nasa puso't isipan si Andrew Herras, iyon ay ang ex-girlfriend niyang si Mara Salandanan. Ikakasal na sana ang dalawa noon, ngunit hindi sumipot ang nobyo sa araw ng kanilang kasal at simula noong araw na iyon ay hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Andrew kay Mara. Nagsimula siyang magalit sa kanya. Kinamumuhian niya ito na halos gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sana hindi na lang niya nakilala si Andrew. Pagkatapos ng maraming araw, buwan at taon. Pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero sa mga sandaling iyon, nakahanap na siya ng iba. Alam niyang ikakasal ito sa ibang lalaki at alam din niyang mas better ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang huling kabanata para sa kanilang dalawa ni Mara. Dahil si Andrew, naniniwala na hindi pa huli ang lahat para makabawi siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa dating kasintahan. Mapipigilan ba niya si Mara na magpakasal sa iba? O tuluyan na siyang buburahin ni Mara sa kanyang puso at alaala? *** PAINFULLOVE 2021AllRightsReserved_CAT LYN
Romance
106.9K viewsCompleted
Read
Add to library
STILL, LOVING YOU

STILL, LOVING YOU

Dahil sa paratang kay Bhelle Alonte na nakipag-sex ito sa kaibigan nitong lalake ay masisira ang magandang relasyon nila ng kasintahan nitong si Tyrone Del Mundo. Makalipas ang limang taon ay muling magtatagpo ang landas ng dating magkasintahan. Si Tyrone bilang masungit at malamig ang pakikitungo sa lahat na isang CEO ng sarili nitong kumpanya. At si Bhelle na bagong secretary ni Tyrone. Pero dahil sa kanilang nakaraan ay magiging kalbaryo kay Bhelle ang muli nilang pagtatagpo ng lalakeng minsan na sa tanang buhay niyang minahal ng lubusan pero siya ring dumurog sa puso niya ng lubusan. Maghihilom pa kaya ang puso nilang sugatan kung sa kasalukuyan ay pareho lang naman silang nagkakasakitan?
Romance
106.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Silent Billionaire

The Silent Billionaire

Madeson-Luke Salazar ang tunay na pangalan ni Lucas ang kaisa-isang tagapag mana ng pamilya Salazar ang lahat ng ari-ariang naiwan ng yumao niyang ama na hindi man lang nito nasilayan. Isang proposal ang inalok ni Lea kay Lucas na tinanggihan naman ng binata. Sa kalaunan ay nagsisi din ang binata sa pag tanggi sa alok ng dalaga. Napag tanto ng binata na mahal niya pala ang babaeng tinanggihan niya. Si Leah Martinez ang kababata ni Lucas na labis ang pagmamahal sa binata hindi nito ikinahihiya ang pagka gusto nito sa binata. Dahil sa kabiguan sa binata ay lumayo ito upangangibang bansa at makalimot sa binata. Nagbalik si Leah na may asawa na ito si Noel at labis ang pag hihinagpis ni Lucas dahil hindi na niya maaaring mahalin ang babaeng matagal niyang hinintay sa loob ng ilang taon kaya naman ay ibinaling niya ang pagtingin sa ibang babae. Umosbong ang bangayan sa pagitan ni Leah at Noel. Ang resulta nagulo ang mundo ng dalawa. Isang trahidya ang naganap sa buhay ni Leah at ng kanyang Asawa na si Noel. Natuksalan ni Lucas na isa pala siyang Ampon ng mag asawang Remi at Isko at ang totoong magulang nito ay isang mayaman at siya ang kaisa isang tagapag mana ng Billionaryong si Luis Salazar. Nagka amnesia si Leah kaya naman ay hindi niya nakilala ang binata, subalit habang hindi niya naalala ang binata ay lihim na niya ito minahal na hindi alam ng binata. Mapa ibig pa kaya ni Lucas si Leah sa puntong malaman ng dalaga na dati niya na pala ito inalok ng kasal. Ang dating Leah Martinez ay kilala ang mahirap na si Lucas, ngunit ang bagong leah ay kilala niya ang binata na bilyonaryo. Kaya bang ipag tapat ng binata sa kanya na isa pala siyang billionaryo?
Romance
107.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionairess Ex-Husband

The Billionairess Ex-Husband

Mowtie
Si Asteria Bellamy ang future CEO ng kanilang kompanya, ngunit para makuha niya ang posisyon na hinahangad niyang lakbayin ang iba't ibang bansa at makakuha ng mga bagong kaalaman para sa kanilang negosyo. Kayanin niya kaya ito kung ang magiging tourist guide niya ay walang iba kundi si Gray Anderson, ang dating niyang mister? Ano kaya ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa lalo na at engage na ito sa ibang babae? Makakaya ba niyang isakripisyo ang sariling puso niya para sa posisyon na inaasam, o hahayaan itong mawala sa mga kamay niya at bumalik na lang sa dati niyang negosyo na maliit na flower shop? Sa loob ng sampung taon nilang pagsasama sa nakaraan ay magdulot kaya ulit ito upang sila ay magkabalikan? O itatapon na lang nila ito na parang walang pinagsamahan noon? Mapigilan kaya nina Asteria at Gray ang kanilang sarili na umibig muli sa isa't isa? O tuluyan na silang tatangayin ng alon ng pag-ibig at pagkasabik sa isa't isa?
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Arranged Marriage With The CEO

Arranged Marriage With The CEO

Si Aubrey Mañas ay gagawin ang lahat para mailigtas ang kanyang maysakit na ina mula sa kamatayan. Wala siyang ibang magawa kundi humingi ng tulong sa kanyang mayaman, malupit na lolo, na brutal na itinakwil ang kanyang Ina dahil sa pag-aasawa ng isang mahirap na lalaki. Pumayag ang kanyang lolo na tumulong. In one cruel condition - kailangan niyang pakasalan ang makapangyarihang CEO na si Adon Gustav. Adon is breathtaking in every way - gorgeous as sin and has a devastating effect on women. PERO galit na galit si Aubrey sa kanya. Siya ay kasing lupit at walang awa tulad ng kanyang Lolo. His rules are the laws, and must be obeyed. Will they end up together? Will their feelings develop? Or will they choose to get away with each other?
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Divorcing The Forgotten Heiress

Divorcing The Forgotten Heiress

Pagkatapos ng tatlong taon ay winakasan na ni Rana ang bisa ng kasal nila ni Bryson Deogracia. Hindi siya pinahahalagahan ng asawa sapagkat may ibang nilalaman ang puso nito. Malupit rin ang pamilya nito sa kanya. Kaya wala nang dahilan upang ituloy niya ang pagdurusa niya sa pamamahay nito. Nararapat lamang na bumalik siya sa dating buhay. Ang buhay na tinalikuran at kinalimutan niya para sa lalaki.
Romance
104.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status