Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

MY BOSS, MY SECRET HUSBAND

Ang maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya. At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila. Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo. "You want me to help him? Then, marry me." Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.
Romance
103.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
Romance
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
I Got You, Zephira

I Got You, Zephira

mauvecsea
Si Zephira Valentine ay isang sekretarya sa Armani Prime Corporation. Siya ay may kakayahan at responsableng empleyado. Ngunit, sa kagustuhan nitong lumayo sa kasintahan— nagdesisyon si Zephira na pumunta ng club kasama ang kaniyang mga kaibigan upang magkaroon ito ng kalayaan at maging masaya kahit sa isang gabi lamang. Hindi alam ni Zephira na dahil sa isang pangyayari ay mababago ang kaniyang magulong buhay. Nagkaroon ng laman ang kaniyang sinapupunan at ito ang nagbigay ng rason kay Zephira para lisanin ang bansa at tuluyang iwan ang kasintahan pati ang pinakamamahal niyang trabaho. Doon nanirahan at nanganak si Zephira sa ibang bansa— mag-isa niyang pinalaki ang anak nito at siya rin ang nagtayo bilang ama’t ina sa bata. Subalit hindi maiwasan ng anak na hanapin kay Zephira ang totoo nitong ama. Nang bumalik ito sa bansang kinalakihan ay nagkita muli si Zephira at ang ama ng kaniyang anak. Tatanggapin kaya siya ni Zephira? Hahayaan kaya ni Zephira ang lalaki na tuluyang pasukin ang buhay nito at ng anak niya? Mabubuo kaya ang pamilyang inaasam ng anak nito at ng sarili?
Romance
10623 viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly Married To The Cold Zillionaire

Secretly Married To The Cold Zillionaire

Sofia Heart
Bigo ang puso ni Elise Carrero nang malaman niyang hindi siya mabuntis sa kabila ng ilang beses na pagsubok na bumuo ng pamilya kasama ang asawang si Riguel De Silva. Ngunit tila ba pinaglaruan pa ng tadhana ang malungkot niyang puso nang malamang lihim na nakikipagkita ang asawa sa unang babaeng minahal nito. Ang mas masakit, gustong makipaghiwalay ni Riguel. She was secretly married to the cold zillionaire who wouldn’t fall for her despite all her efforts. Baon ang katiting na dignidad ay pumayag siya sa annulment at pinirmahan ang mga papeles. Ngunit ang sana’y kalayaan niya mula sa pasakit na dulot ng asawa ay naglaho nang hilingin ng lolo nito na makita ang apo sa tuhod bago ito mamatay. Riguel couldn’t resist the dying wish of his grandfather, so he offered her a 100-million peso deal to bear his child before they annul their marriage. Pumayag si Elise para sa lolo nito, ngunit pinangako niya sa sarili na hindi na siya ang dating asawa na sunod-sunuran sa lahat ng sasabihin ni Riguel. Hindi na niya ito mamahalin kailanman… O, mapako kaya ang pangakong ‘yon?
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
Romance
10158 viewsOngoing
Read
Add to library
Empire of Desire

Empire of Desire

Amelia Cruz only wanted one thing — success on her own terms. Matapang, driven, at walang inuurungan, she clawed her way into the corporate world armed with nothing but grit and intelligence. Pero hindi niya in-expect na ang biggest challenge niya ay hindi trabaho… kundi si Adrian Blackwood — the cold, insanely powerful CEO who built his billion-dollar empire with ruthless control. From the moment they met, Adrian made it clear: > “You’re mine, Amelia. Whether you fight it or not.” Bound by a contract na hindi lang tungkol sa business, Amelia suddenly finds herself trapped in Adrian’s dangerous world — full of power, obsession, and desire. Habang lumalalim ang relasyon nila, mas nagiging delikado ang laro. May mga inggit na executives na gusto siyang pabagsakin, a powerful family that wants her gone, at isang rival CEO na handang ibigay ang kalayaang hindi maibigay ni Adrian. Pero mas nakakatakot pa sa lahat — ang mga sikreto ng nakaraan nilang dalawa. What started as a battle of wills turns into a war of hearts. Amelia must choose: isusuko ba niya ang sarili sa empire ni Adrian, o ipaglalaban ang kalayaan niya kahit kapalit nito ay siya mismo? At si Adrian — a man who can control everything except love — will have to face one truth: Without Amelia, his empire means nothing. In a world where love can be as dangerous as power, one question remains: Will their desire build an empire… or burn it to the ground?
Romance
776 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing the Runaway

Chasing the Runaway

akarayue
Hindi man totoo ang relasyon ni Dorothea kay Clarence, hindi niya matanggap ang nangyari sa pagitan niya at ng lalaking hindi niya kilala matapos magising sa tabi nito sa isang estrangherong motel na hindi niya maalala kung paano niya napuntahan. Pinaghalong sakit at pagkadismaya sa sarili ang naramdaman niya at hindi niya maatim na harapin ang lalaking nagbigay ng kalayaan niya kaya mas pinili niyang lumayo rito. In her pursuit of distance between herself and the man who she genuinely loved despite their unusual connection, she found herself bearing the fruit of that one blurry night with a complete stranger. Iniisip na isang malaking pagtataksil iyon sa lahat ng kabaitan ni Clarence sa kanya, mas pinili ni Dorothea sa itago ang katotohanan tungkol sa kanyang anak. Pero paano kung lingid sa kanyang kaalaman, na ang lalaking pilit niyang tinatakbuhan ay patuloy ring humahabol sa kanya? Paano kung ang kanyang bawat paglayo, ang katumbas ay ang lalong paglalapit ng kanilang mga landas? Ano ang gagawin ni Dorothea kung isang araw, makita niya ang lalaking pilit niyang iniiwasan sa kanyang harapan, at itanong ang mga bagay na pilit niyang itinatago? Magagawa ba niyang magsinungaling? O ipagpatuloy ang nasimulang pagtakbo sa totoo?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The President's Duty Bride

The President's Duty Bride

Isang gabi ng kasalanan. Isang lihim na pagbubuntis. At isang lalaking hindi niya kailanman inaakalang kailangang harapin muli. Wala sa plano ni Evelyn Ramirez ang mahulog sa tukso habang nasa isang Mediterranean resort. Isang gabi lang ‘yon—isang gabing puno ng init, paglimos ng kalayaan, at pagkalimot sa mundo. Walang pormal na pagkakakilala. Walang pangako. Isang lihim na dapat kalimutan. Pero pagbalik niya sa Maynila, isang dalawang linya sa pregnancy test ang gumising sa bangungot. At ang lalaking responsable? Si Cassian Alcott—isang half-British, half-Filipino heir ng isang makapangyarihang pamilya at, sa hindi niya alam na kapalaran, ang may-ari ng studio kung saan siya nagtatrabaho. Evelyn wants to run. Pero sa piling ni Cassian, walang ligtas na taguan. Hindi siya ang tipong pinapaalis ng isang lalaki tulad nito—lalong hindi kapag may nakataya na. “Marry me,” bulong ni Cassian. “Not because I have to… but because I won’t let you go through this alone.” Sa mundo ng yaman, intriga, at mapanirang bulung-bulungan, paano pipiliin ni Evelyn ang sarili… kung ang puso niya ay unti-unting nahuhulog sa lalaking dapat sana’y isang gabi lang sa kan’yang buhay?
Romance
10530 viewsOngoing
Read
Add to library
NOT A SAINT (Filipino)

NOT A SAINT (Filipino)

Warning: Matured 18+ contents! MARANGYANG pamumuhay kagaya ng nararanasan ni Celestine Rain Alcazar ay isang malaking kasinungalingan. Kahit ang totoo ay nakakulong siya sa isang kahong walang kalayaan upang ipakita ang tunay niyang pagkatao. Pera, alahas, kayamanan, kalayawan, maalwang buhay, natatanging kagandahan at talino—a perfect barbie-like figure and most men are drooling over her. Sa kabila niyon ay may kulang pa rin na hindi kayang bilhin ng pera, ang isang kasiyahang matagal na niyang hinahangad. Pakiramdam na naiipit at nakalubog ang isang paa sa hukay nang magpasya ang kanyang ina sa arranged marriage kay Ezekiel Bellevera—isang playboy hunk. Hindi alam ng kanyang ina ang malalim na pagtatago niya ng mahabang taon sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil hindi ang klase ni Ezekiel ang kanyang inaasam. She’s a mystery of being Not A Saint and she will prove that everybody is. Ngunit paano kung mahuli niya ang kayang fiancé at ang taong mahal niya na gumagawa ng milagro sa likuran niya? Kaya ba niyang magpatawad at kalimutan ang lahat o mag-uumpisa na ang paghihiganti niya sa mga Adan na sumira ng kanyang buhay?
821.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
89101112
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status