LOGINClara Santos POV "Diana, pakicheck nga ‘yung inventory list sa tablet. Sigurado ba tayong three hundred jars ang nakalagay sa Box A to E?" Inayos ko ang suot kong apron habang naglalakad sa gitna ng sala na puno na ngayon ng mga karton. Bukas na ang simula ng Regional Trade Fair, at kahit ilang beses na naming binilang ang mga paninda, parang hindi pa rin ako mapakali. "Chill lang, Ate. Naka-counter check na kami ni Ben dyan kaninang madaling araw bago niyo pa mapakuluan ‘yung huling batch ng bawang," tawa ni Diana habang hindi inaalis ang tingin sa screen. "Look, green na lahat ng status. Relax ka lang, masyado kang tense." "Paano namang hindi ako mate-tense? This is the regional level, Diana. Hindi na lang ‘to sa covered court ng bayan natin. Iba na ang crowd doon, baka pati mga exporter nandoon," sagot ko habang sinisiguradong mahigpit ang packing tape sa isang box. Pumasok si Sebastian mula sa back door, bitbit ang isang stack ng mga bagong print na flyers. "Hon, calm down. N
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan lang ang pagbukas. Baka mabigla ang pressure, tumalsik 'yung takip," paalala ko habang nakamasid sa asawa ko. Nandito kaming lahat sa dulo ng shed kung saan nakatago ang mga banga na nilinis ni Rico noong nakaraang linggo. Ngayong araw ang tinakdang petsa para tikman ang unang batch ng 'Project Vinegar'. Mahigit isang buwan din itong nakababad sa sukang Paombong na hinaluan namin ng mga 'imperfect' na sili mula sa greenhouse. Maingat na tinanggal ni Sebastian ang mahigpit na pagkakatali ng cheesecloth at plastic sa ibabaw ng banga. Kasunod nito ang pag-angat ng mabigat na takip na gawa sa luwad. Agad na humalinguyak ang amoy sa paligid—isang matapang na asim na may kasamang sipa ng anghang at konting bango ng bawang at luya. "Whoa! Grabe ang sipa sa ilong," tawa ni Rico habang bahagyang lumalayo. "Pero amoy masarap po, Sir. Parang 'yung sawsawan sa mga litson sa probinsya." Kumuha si Sebastian ng isang malinis na sandok at dahan-dahang kum
Clara Santos POV "Sebastian, sigurado ka bang dyan mo ilalagay 'yan? Baka matakpan 'yung view ng mga sili sa bintana," puna ko habang nakatayo sa tapat ng back door, pinapanood ang asawa ko at si Rico na nagtutulungan sa pagbuhat ng isang malaking asul na water tank. Alas-nuwebe na ng umaga at medyo matindi na ang sikat ng araw. Ito ang solusyon ni Sebastian sa naging problema namin sa water pressure nung isang linggo. Dahil balak naming dagdagan ang plots para sa Christmas order ni Michelle, kailangan na talaga ng mas malakas na supply ng tubig para sa misting system. "Dito lang 'to sa gilid ng shed, Hon. Hindi naman tatakip sa greenhouse. Kailangan kasi medyo mataas 'yung elevation para natural 'yung daloy ng tubig kahit mawalan ng kuryente," paliwanag ni Sebastian habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang suot niyang towel. "Rico, dahan-dahan dyan sa kanto. Baka sumabit sa yero." "Opo, Sir. Konting pilit na lang po, mai-aakyat na natin 'to sa platform," sagot ni Rico. Namu
Clara Santos POV Alas-singko y medya pa lang ng umaga. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa siwang ng bintana, 'yung amoy na halo ng hamog at basang damo mula sa labas. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Lucas at si Sebastian, pero paglingon ko sa tabi ko, wala na ang asawa ko. Tanging lukot na kumot na lang ang naiwan sa pwesto niya. Alam ko na kung nasaan siya. Simula nung kinuha namin si Rico, naging routine na ni Sebastian ang gumising nang mas maaga para i-check ang greenhouse bago magsimula ang mainit na trabaho sa hapon. Nagsuot ako ng cardigan at dumeretso sa kusina. Isinalang ko ang takure at habang hinihintay itong kumulo, sumilip ako sa bintana na nakaharap sa likod-bahay. Nakita ko ang dalawang anino sa loob ng greenhouse—sina Sebastian at Ben. May dala silang mga flashlight, tinitignan ang bawat plot na parang may hinahanap na kayamanan. "Hon, ang aga niyo dyan ah," bati ko paglabas ko sa veranda bitbit ang dalawang tasa ng kape. "Akala ko ba si
Clara Santos POV "Sebastian, dahan-dahan! Madulas na 'yung ladder, kanina pa umaambon!" sigaw ko habang nakatayo sa may veranda, pilit na tinatanaw ang asawa ko na nasa itaas ng bagong extension ng shed. Alas-tres pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit. Akala namin ay makakaligtas kami sa ulan ngayong araw, pero mukhang nagkamali ang weather app ni Sebastian. Kasalukuyan silang nagkakabit ni Rico ng huling piraso ng yero para siguradong hindi mababasa ang mga bagong dating na sako ng bote at labels. "Kaya ko 'to, Hon! Isang turnilyo na lang 'to!" sagot ni Sebastian. Kita ko ang pag-igting ng panga niya habang pilit na ibinabaon ang screw gamit ang drill. Ang t-shirt niya ay basang-basa na ng pawis at ambon, dumidikit na sa likod niya. "Sir, ako na po dyan sa kabilang side! Hawakan ko po 'tong yero para hindi liparin!" sigaw ni Rico mula sa kabilang dulo ng bubong. Mas mabilis kumilos ang bata, parang hindi natatakot sa taas. "Sige, Rico! Ingat ka dyan sa edge!" balik-si
Clara Santos POV"Sebastian, sigurado ka bang darating 'yun? Alas-otso na, baka naligaw na 'yun sa kanto nina Mang Tino," sabi ko habang nag-aayos ng mga hairnet sa kitchen counter.Ngayong umaga ang unang araw ng kinuha naming karagdagang staff. Dahil sa dagsa ng orders mula sa Clark at ang papalapit na regional fair, hindi na talaga namin kayang apat lang kami. Kailangan na ni Ben ng katuwang sa greenhouse para makapag-focus siya sa pag-operate ng bagong shrink wrap machine."Darating 'yun, Hon. Inirekomenda siya ni Mang Carding mula sa hardware. Pamangkin daw niya, masipag at sanay sa bukid. Rico ang pangalan," sagot ni Sebastian habang tinitignan ang kanyang relo. Nakasandal siya sa island counter, sumisipsip ng kape habang binabasa ang listahan ng mga kailangang pitasin ngayong araw.Eksaktong may tumunog na busina ng motor sa labas. Sumilip si Diana sa bintana. "Kuya, ayan na yata. Mukhang bata pa ah."Lumabas si Sebastian para salubungin ang bisita. Sumunod ako sa pintuan at na
Clara Santos POV Alas-tres pa lang ng madaling araw, pero gising na gising na ako. Hindi dahil sa ingay sa labas—dahil sa totoo lang, tanging huni lang ng mga kuliglig ang maririnig dito sa probinsya—kundi dahil sa kakaibang kirot na nararamdaman ko sa ibaba ng likod ko. Huminga ako nang malalim,
Clara Santos POV Maaliwalas ang sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng bagong bahay namin sa probinsya. Hindi ito kasing-laki ng penthouse sa Maynila, pero bawat sulok ay pinili namin ni Sebastian. Wala ritong masyadong ginto o mamahaling chandelier. Puro light wood, malalaking bintana, at maram
Clara Santos POV Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kama ni Sebastian, habang ang mga mata ko ay nakapako sa mga dokumentong inilatag ni Atty. Ramos. Parang biglang uminit ang loob ng kwarto. Ang balitang buhay ang nanay ni Sebastian ay sapat na para magulantang kami, pero ang malamang ang tatay
Clara Santos POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang magising si Sebastian, at sa wakas, inilipat na siya sa isang private suite. Hindi na kasing ingay ng mga makina sa ICU ang paligid, pero ang katahimikan dito sa kwarto ay may ibang klaseng bigat. Nakaupo ako sa tabi ng kama niya, binabalat







