Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Mark Me, Mr. Lawrenceville

Mark Me, Mr. Lawrenceville

Para kay Margarette Martha Graciano, tama nang minsang nabaliw siya para sa pag-ibig. Tumigil ang mundo niya para sa pagmamahal na ngayo'y pinaniniwalaan niyang hindi para sa kaniya. Kinalimutan niya na ang batang puso, ang batang puso na umibig nang husto sa lalaking unti-unti niya nang kinalimutan. Ngunit sa pagbabalik sa lugar kung saan nais niyang lumagay na sa tahimik, ay siya ring pagbabalik ng taong takot siyang sirain ulit ang mga pader na matayog niyang itinayo para sa kaniyang sarili. Timothy Ian Lawrenceville, Margarette's greatest first love, heartbreak, and her biggest downfall. Kailanganmay hindi na niya lilingunin ang lalaki. Ngunit hinding-hindi na nga ba babalik pa kung may malaking sugat na naiwan sa mga puso nila? Paano kung ang pag-ibig na mismong gustong kalimutan ay may marka ng kahapong patuloy na bitbit ni Margarette. Ang kanilang anak, ang batang inalagaan niya ng ilang taon, pinuno ng pagmamahal at aruga ay nagnanais din ng kalinga ng isang amang ipinagkait ni Margarette rito dahil sa kaniyang poot dahil sa paniniwalang nagtaksil ang lalaki sa kaniya. Wala nga ba talagang pangalawang pag-ibig at pagkakataon, o sadyang hindi naman talaga ito nakalimutan kahit lumipas ang panahon. It marked, a mark that would not fade easily. A Mark that lasts forever.
Romance
3.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
435 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

FLASH MARRIAGE WITH THE RUTHLESS ZILLIONAIRE

Dahil sa hiling ng abuela, pumayag si Serene na magpakasal sa taong hindi niya kilala. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Pierce Smith, ang walang pusong bilyonaryo. Galit na galit ito sa kanya dahil ang akala nito ay inuto lang nito ang kaniyang lola para sa pera. Sa galit nito ay umalis ito pagkatapos mismo ng kasal nila at bumalik anim na buwan pagkatapos para sa operasyon ng kanyang pinakamamahal na lola. Nabalitaan iyon ni Serene at plinano niya na makipag-usap dito at makipaghiwalay na ngunit, pagdating niya sa suite nito ay bigla na lamang siyang kinaladkad patungo sa kama na nagtapos sa isang mainit na pagniniig at pagkawala ng pagkabirhen niya. Pagkagising niya ay agad siyang umalis doon na hindi nito alam na siya ang nakaniig nito. Nag-file ito ng divorce at buong puso niyang pinirmahan ngunit dahil sa kinailangan niya ng pera ay wala siyang nagawa kundi ang magmakaawa rito. ---- "Gagawin ko ang lahat, tulungan mo lang ako..." Ipinagpalit niya ang sarili para sa tulong nito. Ngunit paano kung habang tumatagal ay mahulog ang loob nila sa isat isa? Maging masaya kaya sila sa kabila ng maraming pagsubok para sa pagmamahalan nila?
Romance
1039.2K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Lifeless Body

Lifeless Body

Namatay ang kanyang mga magulang para lang maitakas at mailigtas siya sa kumidnap sa kanila. Magmula nun ay para na siyang isang katawang nawawalan ng buhay.
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Daddy, I Got You the Coldest Wife

Daddy, I Got You the Coldest Wife

Nang umalis si Mirabella sa buhay na dati ay mayroon siya, kasabay na din niyang kinalimutan ang isang salita na kailanman ayaw na niyang hanapin o wala sa plano niyang matagpuan. Para sa kanya, sapat na ang kanyang sarili para maging masaya, sapat na kung ano ang kaya niyang ibigay para sa kanyang sarili upang mamuhay siya ng tahimik. Hindi niya hahayaang may magtangkang pumasok pa sa kanyang buhay, dahil lahat--iniiwan lang siya. lahat ay hinuhusgahan lamang siya at hindi exemption doon si Miguel Mijares- isang mayamang single parent na minsan naging parte siya ng kanyang kabataan, at nagbigay sa kanya noon ng positibong imahinasyon na lahat nagtatapos sa masayang kuwento.
Romance
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Take Me Back In Your Arms

Take Me Back In Your Arms

Martyr na kung tawagin pero kayang gawin lahat ni Zhang para lang sa lalaking minamahal niya kahit na pilit siyang tinataboy nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zhang na takaw gulo si Zech, kaya hangga't maari ay gumagawa siya ng paraan para mapabuti ito at mabawasan ang pagiging suki nito sa Detention Office. Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya at pagmamahal ni Zhang para kay Zech? Sapat na ba ito para manatili siya sa tabi ng nasabing lalaki kahit na makailang beses na siyang sinaktan at binalewala?
YA/TEEN
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The CEO I Once Had a Crush On

The CEO I Once Had a Crush On

Si Chaira ay maganda, mabait, at matalino, ngunit likas siyang mailap, lalo na sa mga lalaki. Bagama’t nakapagtapos ng Business Management, pinili niyang manatili sa kanyang condo bilang online seller at freelance editor para sa mga social media vloggers. Sa kabila ng simpleng pamumuhay, sapat ang kita niya upang matulungan ang kanyang dalawang ate. Isang gabi, sumama siya sa club sa pilit ng mga kaibigan. Sa kalasingan, hindi niya inaasahang mawawala ang kanyang virginity sa isang one-night stand, at ang lalaking ito ay ang kanyang crush noong high school. Sa gulat at hiya, iniwan niya ito nang walang paalam. Dahil sa pangangailangan ng pera para sa kanyang may sakit na pamangkin, napilitan siyang mag-aplay sa isang trabaho. Hindi niya inakalang ang CEO ng kumpanya ay ang lalaking kumuha ng kanyang virginity at ang crush niya noong high school. Paano niya haharapin ang mapang-akit na kaniyang boss? Paano niya pipigilan ang pusong umibig, takot na masaktan at muling maranasan ang pag-iisa? Kakayanin niya bang manatili sa trabaho para sa kapakanan ng kaniyang pamilya?
Romance
498 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SINNER (wild feelings SPG 3)

SINNER (wild feelings SPG 3)

Sinabi ni Mariya sa kaniyang sarili na hindi siya gagaya sa kaniyang ina. Na hindi siya papasok sa bar para maging bayaran o parausan. Ayaw niyang matulad sa ina niya na naanakan lang nang naanakan at hindi na pinanagutan. Ang hindi napapansin ni Mariya ay naging mas masahol pa siya sa kaniyang ina. Natuto siyang magnakaw para lang maibigay ang pangangailangan ng pamilya niya. Natuto siyang magpagamit sa boss niya kapalit ng malaking pera at ang mas masahol pa sa lahat, naging kabit siya ng boss niya kahit alam niyang may asawa ito na may sakit. Minahal niya si John sa kabila ng ginagamit lang siya nito tuwing kailangan nito ng parausan. Naniwala siya sa pangako ni John na iiwanan nito ang asawa para sa kaniya. Halos mabaliw si Mariya mula sa matinding pagmamahal niya kay John na umabot pa sa puntong pinilit niyang paghiwalayin ang mag-asawa para lang makaganti siya. Hanggang kailan kaya magkakasala si Mariya? kailan niya maiisip na itama ang mga mali? Ipaglalaban niya pa rin ba si John kahit na sa una pa lang ay alam niya na kung kanino ito pagmamay-ari? Hanggang saan siya dadalhin ng makasalanan niyang puso? SINNER
Romance
1057.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3233343536
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status